PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelicopter says Mo Twister greatly affected by leaked video: "Parang ninakaw kasi ang diary mo na pinabasa sa lahat."

""Hindi niya gagawin kay Rhian 'yan. Mahal na mahal niya si Rhian," says Angelicopter about Mo Twister and Rhian Ramos.
by Trish Alvarez
Published Dec 5, 2011
Angelicopter is a good friend of Mo Twister. They worked together for two years on a radio program in Magic 89.9 FM. "Nung nakatrabaho ko si Mo, there was a certain point in time na naging iba siya...Isang taon niyang pinagdaanan, malungkot siya. Nung mga time na yun, hindi namin alam kung bakit. Ang alam lang namin break-up, that's it," Angelicopter recalls.

Apektado na rin ang mga malalapit na kaibigan nina Rhian Ramos at Mo Twister sa iskandalong pinagdaraanan ng dalawa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelicopter kahapon, December 3, matapos itong lumabas sa StarTalk para sa Survivor Philippines.

Si Angelicopter ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni DJ Mo.

Sinabi nitong nalulungkot siya sa pinagdaanan ngayon ng kanyang kaibigan.

Halos dalawang taong kasama ni Angelicopter si DJ Mo sa kanilang radio program sa Magic 89.9 FM.

Kilala na raw niya si DJ Mo na kapag malungkot ito ay talagang hindi raw nito kayang itago.

Halos isang taon na daw niyang na-oobserbahan na may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Rhian.

"Nung nakatrabaho ko si Mo, there was a certain point in time na naging iba siya.

"Malungkot siya, nasa kuwarto lang siya mag-isa.

"'Pag off the air kami sa radio, usually inaasar kami niyan.

"Pero, tahimik lang siya e. We knew something was wrong," kuwento nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang alam ko lang is, nakita ko ang kaibigan ko, isang taon niyang pinagdaanan, malungkot siya.

"Nung mga time na yun, hindi namin alam kung bakit. Ang alam lang namin break-up, that's it.

"Naiba yung personality niya. Ang hindi mo maipagkakaila kung gaano niya kamahal si Rhian, at kung gaano din kamahal ni Rhian si Mo," dagdag pa ni Angelicopter.

Kaya nalulungkot daw siya at umabot sa ganitong gulo ang kanilang relasyon.

Dapat ay may despedida party pa raw kay Mo nung nakaraang Biyernes pero hindi ito natuloy.

Nagkausap daw silang dalawa at sobrang nalungkot daw ito sa pagkalabas ng kanyang video sa mga social networking sites.

"Paalis na, lumabas pa 'to. Sana respect na lang din for both sides na huwag na i-repost yung video.

"Parang ninakaw kasi ang diary mo na pinabasa sa lahat.

"He feels really bad that it is out.

"Aalis na lang nga siya to get away from everything without even having to say anything about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi sinubukan niya lahat. Nag-psychologist siya. Both of them. They really tried to fight for their relationship and work on it," saad ni Angelicopter.

Tinitiyak ni Angelicopter na walang kinalaman si DJ Mo sa pagkalat ng kanyang video.

"Hindi niya gagawin kay Rhian yan. Mahal na mahal niya si Rhian.

"Minahal niya si Rhian. Kung ano man ang pagmamahal na meron siya para kay Rhian, whether it be romantic or not, alam ko minahal pa rin niya si Rhian.

"Nakikita ko for the past days na nakakasama ko siya.

"Hindi niya gagawin yun para masira din yung sarili niya. Hindi siya ganung klaseng tao," pagtatanggol nito sa kaibigan.

Ang payo na lang nito kay DJ Mo, "Advice ko lang sa kanya, focus na lang muna, love yourself."

Malaki ang paniniwala ni Angelicopter na malalagpasan ito lahat ni DJ Mo, at sana makapagtrabaho raw ito nang maayos sa Amerika.

Nangako raw siyang pupuntahan nito si DJ Mo sa New York, dahil nakatakda raw silang magbroadcast doon sa January 2.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelicopter is a good friend of Mo Twister. They worked together for two years on a radio program in Magic 89.9 FM. "Nung nakatrabaho ko si Mo, there was a certain point in time na naging iba siya...Isang taon niyang pinagdaanan, malungkot siya. Nung mga time na yun, hindi namin alam kung bakit. Ang alam lang namin break-up, that's it," Angelicopter recalls.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results