Fresh from her eviction sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown, si Maria Isabel Lopez ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, December 4, Sunday.
Ang unang itinanong ng host ng naturang segment na si John "Sweet" Lapus kay Maribel (tawag din kay Maria Isabel) ay kung sa palagay ba niya ay deserving siya sa bansag na "kanser ng tribo."
"Yes" ang sagot ng former beauty queen, at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.
Paliwanag pa ni Maribel, "Karapatan nilang sabihin iyon dahil binulabog ko sila.
"Ginulantang ko sila, to the point na apat ang nag-quit at isang pares ang nawalan ng immunity bracelet."
Ang tinutukoy na nag-quit ni Maria Isabel ay sina Jackie Forster, Angelicopter, Filo Cucueco, at Ellen Adarna.
Ang nawalan naman ng immunity bracelet ay sina John Odulio at Arnold Aninion.
Patuloy pa niya, "Karapat-dapat lang na kanser si Maria Isabel Lopez bilang castaway.
"But I disagree na ako ay 'kanser' sa totoong buhay.
"Because as a mother, as a person, as a beauty queen, as an actress, alam ko naman na ako'y hindi 'kanser.'
"Paghuhusga nila yun sa akin bilang isang castaway na naglalaro sa Survivor.
"Ganun kataas ang self-esteem ko."
RESPECT FOR CARLO? Nirerespeto raw ni Maribel ang kapwa niya castaway na si Carlo Gonzalez nang siya ay nasalta sa tribo ng Tala.
Pero nang kinuwestiyon ni Carlo ang pagkakaroon ni Maribel ng immunity bracelet ay nagalit si Carlo kay Maribel.
Kaya ang pangalawang tanong ay kung nawala ba ang respeto niya kay Carlo.
"No" ang sagot ni Maribel, at "Lie" ang naging resulta ng sagot niya.
Ang depensa ni Maribel, "At this point, pinaninindigan ko pa rin. Never nawala ang respeto ko kay Carlo.
"Ang gaganda ng mga natutunan ko sa kanya sa isla.
"Kasi nung sinabi niya na huwag ko daw i-spoonfeed ang anak kong si Mara [naniwala ako].
"Kasi as a mom, may tendency ako na i-spoonfeed ko ang anak ko.
"Hindi nawala ang respeto ko kay Carlo, ngunit ang respeto ko sa quitters, sa bitter quitters, sila ang nawalan ng [aking] respeto.
"Dahil kung ikaw [ay isang] mother... si Angelicopter at si Jackie Forster, they would have stood by until the end.
"Kung igagapang nila anak nila.
"So, ang respect ko sa kanila, iyon ang medyo nawala.
"Because they are there for their children.
"Kagaya ko, nasa Survivor Philippines ako for my daughter Mara.
"So, bilang isang ina, ipinaglaban ko ang anak ko.
"So, mas irerespeto ko sila kung ipinaglaban nila mga anak nila."
BROKEN PROMISE. Nang lumipat siya sa Tala, si Isabel Granada ang itinuring ni Maribel na kaibigan.
Nangako pa siya na hindi niya ibu-vote out si Isabel.
Pero sa last Tribal Council ay ibinoto niya si Isabel at partner nitong si Chuckie Dreyfus.
Kaya ang huling tanong ay kung pinlastik lang ni Maribel si Isabel.
"Yes" ang sagot ni Maribel, at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.
Saad ng dating beauty queen, "Totoo na sa paglalaro ko sa Survivor Philippines as a castaway, hindi ako naging truthful sa kanya.
"Although naging truthful naman ako kay Mara dahil strategy ng Bulan iyon.
"Inutusan ako ni Gino [dela Peña] at ni Mara na i-vote out ko si Chuckie at si Isabel.
"So, hindi ba, may kasabihan tayo na, 'blood is thicker than water'?
"Between my promise kay Isabel at yung promise ko sa anak ko na sabi ko, 'yes, ibu-vote out ko sila,' siyempre, dun ako sa anak ko.
"So, kumbaga, iba po yung pakikipagplastikan ko nung nandun ako sa Survivor Philippines.
"Dahil talaga namang ang goal ko lang naman dun, manggulo.
"I-weaken sila at paglaruan sila.
"Pero, sa totoong buhay niyan, hindi po ako talaga yung ganung klaseng tao, na I will destroy friendships.
"Sa kaso ko kasi, what you see is what you get.
"As a castaway, what you see is what you see!
"At bago po ako magpaalam isang bagay lang po...damn if you do, and damn if you don't. I don't give a damn anymore!'"
"Abangan ninyo po, dahil kahit po na-vote out na po si Maria Isabel Lopez, nandun pa rin ang espiritu ko sa tribong Tala at patuloy ko silang iwi-weaken!" tumatawang pahabol pa ni Maribel sa panayam sa kanya.
