PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal hopes to work with Aljur Abrenica again; says romance with Jay Perillo takes a backseat

Kris says decision to "lie-low" with her relationship with Jay Perillo is not a career move.
by Rose Garcia
Published Dec 6, 2011
Kris Bernal on her wish to work again with former loveteam Aljur Abrenica: "Excited na nga ako ulit na makatrabaho siya. Kasi usually, ang mga nakukuha kong feedback, mga comments ng mga tao, nami-miss na raw nila [ang loveteam namin], ganoon."

"Mataba na ako, mas may laman na ako ngayon," masayang bungad at may pagmamalaking sabi ni Kris Bernal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press conference ng Ang Panday 2 last week.

Sinabi ni Kris yun dahil naging kapansin-pansin ang pagpayat niya bago at habang ginagawa ang huling primetime series niya sa GMA-7, ang Time of My Life.

Pero ayon kay Kris, isang serye raw ito na hindi niya makakalimutan.

"Masaya ako kasi naging successful naman ang Time of My Life.

"Sabi ko nga, na-survive ko rin naman siya.


"Grabe kasi ang hirap namin do'n, yung training namin.


"Yung mga sayaw namin, sobrang hirap talaga.


"At alam naman natin na, dyusko 'day, hindi talaga ako mananayaw, 'no!"


Pero at least daw, pagkatapos ng seryeng iyon ay naging mas magaling na siyang dancer.


Nakangiti niyang sinabi, "Pero, siyempre, ang dami pa ring haters, ang dami pa rin nilang sinasabi sa akin.


"Pero alam ko naman na hindi pa rin ako kasing-galing nina Ryza [Cenon], LJ [Reyes], Yassi [Pressman], hindi pa ako level no'n.


"Pero, alam ko naman na nag-improve ako.


"Pero natutuwa nga ako kasi kahit sila sinasabi nila na nag-improve ako."


NEXT PROJECT? So far, wala pa raw idea si Kris kung ano ang next project niya sa GMA-7 pagkatapos ng Time of My Life.


Sabi ni Kris, "Ako naman, di ba, kahit anong work, go ako?


"Wala pa. Pero sana, mero'n na rin nakahanda.


"Ako naman, kahit saan ilagay, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw kaso kay Kris kung pagkatapos niyang magbida sa primetime ay gagawa siyang muli ng afternoon series.

Aniya, "Wala kasi akong nakikitang discrimination kung pang-hapon ka or pang-gabi ka.


"Actually, yung pang-hapon nga, ang tataas din ngayon at talagang magaganda ang drama nila sa hapon.

"So, kahit saan naman ako, okay lang."

MARIAN RIVERA'S MEAN SISTER. Tila natuwa naman si Kris nang may magsabi na bagay silang magkapatid ni Marian Rivera dahil yun ang roles na ginagampanan nila sa Ang Panday 2.


Kuwento nga ni Kris tungkol sa kanilang roles ni Marian, "Ate ko siya. Inggit ako sa kanya.



"Tinatarayan ko siya, kasi lahat ng atensiyon nasa kanya.


"Siya ang favorite na anak. Siya ang favorite ng lahat.


"So, may time na maghihiganti ako sa sobrang inis ko sa kanya.


"Sasali ako sa kampo ni Lizardo, ni Sir Phillip Salvador."


May pagkakontrabida raw ang character niya sa movie, pero okay lang daw sa kanya.


Katwiran niya, "Siyempre naman, Panday 'to, ang laking movie.


"At saka, ako nga, sabi ko, hindi ako mapili kahit hindi ako ang bida, basta may trabaho ako, okay lang sa akin."


FROM ALJUR TO ALDEN. Si Alden Richards ang partner ni Kris sa Ang Panday 2.


Dapat sana ay si Aljur Abrenica ang gaganap sa role na napunta kay Alden.


Kung nagkataon, balik-tambalan pala sana nila ni Aljur dito.


"Opo nga," nakangiting sabi niya.


"Pero sinabi naman sa akin ang dahilan. Naiintindihan ko naman."


Ang ibig sabihin ni Kris ay ang conflict sa schedule ni Aljur, kaya hindi natuloy ang binata sa project.


Dagdag pa ng young actress, "At saka, si Alden naman, yung pumalit kay Aljur, magaling din naman.


"Very professional at talagang may star potential din naman."


Hindi siya nanghinayang sa sana'y balik-loveteam sila ni Aljur sa movie?


"Nanghinayang, kasi alam ko na marami na rin viewers na naghihintay sa amin.


"Marami nang fans na naghihintay na bumalik ang loveteam namin.


"Pero, happy rin dahil at least, may bagong loveteam naman na makikita sila, ibang partner naman."



Pareho sila ni Aljur na nakakagawa na ng individual projects at naipapareha na sa iba.


Kung sakali, okay pa rin ba siya na magka-loveteam silang muli?


"Oo naman. Kung papayag si Aljur," mabilis na sagot ni Kris.


"Excited na nga ako ulit na makatrabaho siya.


"Kasi usually, ang mga nakukuha kong feedback, mga comments ng mga tao, nami-miss na raw nila [ang loveteam namin], ganoon.


"At saka, wala rin namang nagbago kay Aljur.


"Kapag nakikita ko siya, ganoon pa rin siya sa akin."


Sila ni Alden, kumusta?


"Okay naman. Ang cute kaya ni Alden!" nakangiti niyang sabi.


"At saka, nakikita ko talaga sa kanya na puwede siyang maging leading man at may potential siyang talaga.


"Siyempre ako, gusto ko rin ma-try ang iba't ibang loveteam."


"LIE-LOW" WITH JAY PERILLO. Samantala, kahit nababalitang break na raw sila ni Jay Perillo, wala pa rin naman daw mababago sa Christmas ni Kris.


Ang term na ginamit ni Kris sa estado ng relasyon nila ngayon ni Jay ay "lie-low."


Saad niya, "Wala namang bago sa Christmas ko, celebrate pa rin with relatives and friends.


"Wala namang bagong iba. We don't go out of the country."


Masaya pa nga ba ang puso niya?


Nakangiti naman niyang sabi, "Masaya naman. 'Sakto lang."


One and a half year rin daw ang naging relationship nila ni Jay.


Pero, ano nga ba ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon silang mag-"lie low" muna sa kanilang relasyon?


"Actually, okay naman, pero nag-decide kami na ngayon siguro, parang lie-low muna.


"Parang marami kasi tayong gagawin. Marami tayong kailangang gawin.


"So, i-prioritize na lang muna namin yun.


"So, medyo hindi kami ano ngayon, parang 'sakto lang.


"Pero hindi kami masyadong nagkikita, hindi kami masyadong lumalabas."


Nagkakaproblema ba sila ni Jay?


"Siguro hindi lang kami nagkakaintindihan.


"May mga bagay talaga na gusto pa naming gawin na kailangan namin ng time sa sarili namin. Parang ganoon.


"May nababago sa relationship. Parang nagla-lie-low.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


"Parang huwag muna nating i-pursue ang gusto natin."


Paano naman tinanggap ni Jay ang lahat?


"Okay naman. Si Jay naman, talagang maintindihin naman siya.


"All-out naman siya sa akin. Inaalagaan niya ako.


"All-out naman. Wala naman akong reklamo."


May kinalaman ba sa career ang sinasabi niyang pagla-lie low ng kanilang relasyon?


Ayon kay Kris, "Hindi naman. Okay naman.


"Hindi naman nakakaapekto sa career or whatever. Wala naman.


"Kahit naman noong nalalaman ng mga tao na nagdi-date kami, exclusively dating na talagang close na close kami, wala naman silang hinanakit, or wala namang mga taong nagalit.


"Parang ngayon lang talaga, mero'n kaming mga hindi pagkakaintindihan.

"At may mga priorities lang kami ngayon sa buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on her wish to work again with former loveteam Aljur Abrenica: "Excited na nga ako ulit na makatrabaho siya. Kasi usually, ang mga nakukuha kong feedback, mga comments ng mga tao, nami-miss na raw nila [ang loveteam namin], ganoon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results