PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Lahbati recalls first kissing scene in Kokak

Sarah will stage a homecoming concert in Geneva, Switzerland, next year.
by Elli Alipio
Published Dec 7, 2011
"Ano nga po, e, medyo naiilang ako, pero thankful ako, kasi si TJ pag nakikita niyang naiilang, parang kinakausap niya. Parang para maging kumportable yung tao, maging kumportable ako, so natutuwa ako na may malasakit siya sa co-actors niya po," says Sarah Lahbati about her first kissing scene with Kokak leading man TJ Trinidad.

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng afternoon soap ng GMA-7 na Kokak kahapon, December 6, sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Dito ay nakausap namin ang bida ng serye na si Sarah Lahbati, na gumaganap bilang si Kara.

Mag-iisang buwan nang umeere ang Kokak, pero hanggang ngayon daw ay nararamdaman pa rin ng StarStruck V female survivor ang pressure ng pagbibida sa isang serye.

Paliwanag ni Sarah, "Siyempre po, kasi, di ba, 'O, ito, ikaw na si Kokak ha, ayusin mo...'

"Yung mga ganyang mga comments, na parang kinakabahan talaga ako pag naririnig ko.

"Parang hindi ko maiwasang ma-pressure talaga, tapos minsan hindi na 'ko nakakatulog. Yun lang yung nasa isip ko.

"Pero ano, pressure is a good thing for me. I work well under pressure."

Sa palagay ba niya'y ang Kokak ang right project para sa kanya bilang launching vehicle?

"Of course," mabilis niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Uhm... I'm really grateful na ito yung binigay sa 'kin, na hindi ko talaga ma-imagine na ito yung mapupunta sa 'kin.

"Kasi, unang-una hate na hate ko yung frogs.

"Pero ano, sobrang nakakatawa lang na, yun yung nagkataong napunta sa 'kin!

"Pero at the same time, wala akong ibang mahihiling, wala na akong reklamo.

"Kumbaga, sobra akong grateful.

"Dahil ang dami ko natutunan sa role na ito and uhm...ang daming comments every day na parang nakaka-overwhelm."

WORKING WITH FROGS. Ano ang feeling na kailangan niyang hawakan o akmang hahalikan ang isang palaka para sa isang eksena nila?

"Ano...nakakasuka!" sabay tawa ni Sarah.

"Meron po ako dapat eksena na hahawakan, pero di ko pa po nagagawa, parang...

"Kasi yung eksena, yung masaya ako dapat.

"So, pinipilit kong magpakasaya, pero parang naiiyak na 'ko, kasi parang ayaw kong hawakan.

"So, lahat ng eksena ko, medyo malayo.

"Pero sabi ni Direk [Ricky Davao ], ano, ahm...humanda na daw ako, kasi darating din yung araw na hahawakan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, Kokak ako, e, so hahawakan ko yung frog, mga gano'n.

"Good luck na lang Sarah Lahbati!"

KISSING SCENE WITH TJ. Nagkaroon din ng kissing scene si Sarah sa isa sa mga leading men niya sa Kokak—si TJ Trinidad, na gumaganap bilang Carl.

Kumusta 'yong unang kissing scene nila ni TJ?

Kuwento ng 18-year-old actress, "Ano nga po, e, medyo naiilang ako.

"Pero thankful ako, kasi si TJ, pag nakikita niyang naiilang, parang kinakausap niya [ako].

"Parang para maging kumportable yung tao, maging kumportable ako, so natutuwa ako na may malasakit siya sa co-actors niya po."

Ano ang sinasabi ni TJ para maging kumportable siya?

"Umayos ka!" pabirong sabi ni Sarah, sabay tawa nito.

"Hindi, kasi parang nakita niya na natutulala na 'ko, so parang sabi niya, 'Are you okay? Are you fine?'

"Kung meron mang puwedeng gawin, lagi siyang nagtatanong, anong puwede niyang maitulong or gawin para maging kumportable ako sa eksena, para hindi awkward."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOMECOMING. Bali-balitang magkakaroon ng concert si Sarah Lahbati sa Switzerland next year. Totoo ba ito?

"A, opo, parang homecoming na rin po.

"Hindi pa po kasi ako nakakauwi," banggit ng dalaga.

Taga-saan siya sa Switzerland?

"Sa Geneva," tugon ni Sarah.

Kasama ba niya sa concert sa Switzerland ang nababalitang manliligaw niya ngayon na si Derrick Monasterio?

"Opo, kasama po siya, saka si Enzo [Pineda].

"One week lang po ako do'n, siguro mga six days lang po," sabi ni Sarah.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ano nga po, e, medyo naiilang ako, pero thankful ako, kasi si TJ pag nakikita niyang naiilang, parang kinakausap niya. Parang para maging kumportable yung tao, maging kumportable ako, so natutuwa ako na may malasakit siya sa co-actors niya po," says Sarah Lahbati about her first kissing scene with Kokak leading man TJ Trinidad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results