Marian Rivera on Ducati gift to boyfriend Dingdong Dantes: "Cheap man ’yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Marian Rivera on her Christmas wish: "Ang wish kasi, hindi nauubos sa isang tao. Pero siguro ako, bilang ako, makukuntento ako kung ano ang meron ako. At siguro, ang isa pa, palalawakin ko na maging masaya lang ako palagi. Yun ang pinakamagandang remedy sa lahat ng nangyayari."


Nagiging yearly na ang pagbibigay ng Christmas party ni Marian Rivera para sa entertainment press, katuwang ang talent arm ng kanyang manager na si Popoy Caritativo, ang Luminary Talents.

Bukod kay Marian, kasama rin sa mga mina-manage ng Luminary sina Dennis Trillo, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Janice de Belen.

Ginanap ang Christmas party para sa press ni Marian at ng Luminary kahapon, December 8, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

2011 FOR MARIAN. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian, ipinalarawan namin sa kanya ang matatapos na taon, ang 2011.

Hindi naman kaila na marami ring pinagdaanang mga kontrobersiya at intriga ngayong taon si Marian. Pero lahat ng ito ay nalampasan at napagtagumpayan niya.

Ngunit para sa tinaguriang primetime queen ng GMA-7, "masaya" ang 2011.

"Masaya! Masaya talaga," nakangiti niyang sabi.

"Masaya talaga, e.

"Ang Amaya, naging successful.

"Kami naman ni Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend], mas naging maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pamilya ko, mas naging...alam mo yun, happy.

"Wala, e, masaya.

"So, walang reason para hindi ka magsaya at mag-share ng blessing mo talaga."

Paano naman niya aabangan ang 2012?

"Ay, masayang-masaya!" bulalas ng aktres.

"Bilang alam ko na marami akong pelikulang gagawin. Tapos yung sitcom ko pa.

"And by May yata, sisimulan ko na ulit ang bago kong soap."

EXPENSIVE GIFT FOR DINGDONG. Nasulat sa PEP Alerts na naibigay na ni Marian ang advance Christmas gift niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Ang iniregalo ni Marian kay Dingdong ay isang Ducati motorcycle, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 million.

Sa hiwalay na panayam kay Dingdong ay sinabi nitong maging siya ay nagulat sa iniregalo sa kanya ng girlfriend.

Pero bakit nga ba isang mamahaling motorsiklo ang naisipang iregalo ni Marian kay Dingdong? At bakit tila inunahan niya ang nobyo sa pagbibigay ng regalo.

Paliwanag ni Marian, "Actually, wala sa mahal ’yan. Kung anong bagay ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Dong, hindi mo maitutumbas kahit gaano pa kamahal or ka-cheap na regalo.

"Para kasi sa akin, priceless si Dong.

"Deserve niya ’yan dahil sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, kulang pa ’yang materyal na bagay na ’yan."

Hindi na matandaan ni Marian ang eksaktong oras kung kailan niya ibinigay kay Dingdong ang motorsiklo.

Aniya, "Basta ang alam ko, sinorpresa ko siya diyan.

"Kasi alam ko, ’yan talaga ang gusto niyang bilhin.

"At bilang magki-Christmas na, siguro para hindi na rin ako mag-isip, binili ko na lang."

May iba pa ba siyang gift kay Dingdong sa mismong araw ng Pasko?

"Meron naman," sagot ni Marian.

Meron pa rin bukod sa motorsiklo?

"Card! Ano pa ba? Card, di ba?" natatawang sabi niya.

Milyon ang sinasabing halaga ng Ducati. Pero idiniin ni Marian na huwag na ang presyo ng regalo niya ang pag-usapan.

Ayon kay Marian, "Kaya nga sabi ko, huwag na nating pag-usapan ang price.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cheap man ’yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Hindi kaya makaramdam naman ng pressure si Dingdong sa ireregalo nito kay Marian dahil sa naging regalo niya?

Pero ayon kay Marian, "Hindi...alam naman ni Dong at alam naman ng mga taong malapit sa buhay ko na hindi naman ako mahirap i-please.

"Kahit ano, puwede sa akin."

Ano ang naging reaksiyon ni Dingdong nang makita nito ang regalo niya?

"Mangiyak-ngiyak siya!" ang natatawang sabi ni Marian.

Dahil nalaman niya kung ano ang gusto ni Dingdong, siya ba ay tinatanong din ng aktor kung anong regalo ang gusto niya ngayong Pasko?

Sabi ni Marian, "Kilala niya ’ko, e.

"Kahit hindi niya ako tanungin, alam niya naman ang mga okay sa hindi sa akin.

"At tulad ng sabi niya, at alam kong sinabi ko yun sa kanya, hindi ako mahirap i-please.

"Kahit ano pa ’yan, madali akong pasayahin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT EXPECTING ANYTHING IN RETURN. Sinabi rin ni Marian na wala siyang expectation na dapat ay magtapatan sila ng regalo sa isa’t isa.

"Wala, walang ganoon.

"Dahil kahit ako rin naman sa family ko, kahit anong ibinibigay ko, wala akong ine-expect.

"Basta happy lang ako na masaya sila kung ano ang binigay ko."

Talagang generous lang siya?

"Wala, e...The reason kung bakit ako nagtatrabaho, siguro para sa sarili ko, makaipon ako, maging okay ako.

"At mapasaya ko at ma-extend ko kung ano ang meron ako sa pamilya ko, mga mahal ko sa buhay, bakit naman hindi?

"At saka sa inyo [press]. Ganoon ako, e."

Ano naman ang Christmas wish niya?

"Ang wish kasi, hindi nauubos sa isang tao.

"Pero siguro ako, bilang ako, makukuntento ako kung ano ang meron ako.

"At siguro, ang isa pa, palalawakin ko na maging masaya lang ako palagi.

"Yun ang pinakamagandang remedy sa lahat ng nangyayari," saad ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang plano nila ni Dingdong ngayong Kapaskuhan?

"Wala, ganoon pa rin.

"Siguro, sa 24, sa kanila. Sa 25, sa Cavite [kina Marian].

"Ganoon naman kami palagi."

Wala silang planong mag-out of town ngayon?

"Hindi pa napag-uusapan," sagot ni Marian.

"Ang Amaya kasi, babalik ako ng taping ng December 27, 28, 29.

"Tapos ang balik ko, January 2."

PREDICTIONS. Masasabing masuwerte sina Marian at Dingdong sa isa’t isa.

Kahit gaano sila kaabala, nakakapaglaan pa rin sila ng oras para sa isa’t isa hindi kagaya ng ibang showbiz couples.

Pero ayon kay Marian, "Mahirap i-compare ang relationship namin sa iba.

"Pero, napag-uusapan namin ’yan at nasasabi namin sa sarili namin na sobrang thankful kami kung ano man ang meron kaming dalawa."

Hindi rin nagpapaapekto sina Marian at Dingdong sa mga hula-hula.

Nandiyan nga ang hula na sa taong 2012 ay maghihiwalay na raw sila.

Pero nakangiting sabi ni Marian, "Marimar pa lang, hinuhulaan na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n’yo, hindi ko rin naman masisisi kung ganyan ang mga hula sa amin, nirerespeto ko sila.

"Pero ang masasabi ko lang, walang sinuman ang makakatalo sa prayers. Walang sinuman talaga."

WEDDING BELLS. Baka naman kasi wedding na ang magaganap ng 2012?

"Well, mahirap, e.

"Mahirap kasing pangunahan ang mga bagay-bagay.

"Feeling ko nga, kaya hindi natutuloy, tanong kayo nang tanong.

"Nauudlot, e!" natatawa niyang sabi.

Nung magsimula ang 2011 ay may mga naglabasang balita na kesyo ikakasal sila bago magtapos ang taon.

Kaya tinanong namin si Marian kung hindi lang ba yun natuloy o wala pa talaga silang plano?

"Wala. Hindi pa namin napag-uusapan.

"Siguro ano rin, nagpi-pray ako kung ready ako.

"Parang sa panahon kasi ngayon, marami pa akong gustong gawin," sabi niya.

Ayaw pa ba niya kung saka-sakaling yayain na siya ni Dingdong na magpakasal?

"Hindi sa ayaw... Pero siguro, darating ang mga bagay sa ganyan sa mga tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mahirap i-rush, e. Mahirap magkamali.

"Dahil ang pag-ibig at pagpapakasal, hindi naman basta-basta ’yan.

"At gusto ko, kapag nagpakasal ako, forever.

"Kahit anong mangyari, lahat, gusto ko nandoon na.

"Ayoko yung atrasan."

THE RETURN OF DONG-YAN LOVETEAM. Matagal-tagal na ring hindi napapanood sina Marian at Dingdong na magkapareha—sa TV man o pelikula.

Ang huli nilang pagtatambal ay sa primetime series na Endless Love noong 2010.

May posibilidad ba na magsama silang muli sa 2012?

"Sana, yun ang alam kong naka-lineup sa amin. Sana..."

Yun bang sisimulan niyang serye sa May 2012 ay posibleng si Dingdong ang makakapareha niya?

"Sana...depende rin kung ano ang gagawin ni Dong.

"Depende rin sa soap ni Dong kung kailan tatagal.

"Alam mo yun? Depende rin sa kanila."

Nakatakdang simulan ni Dingdong ang primetime series na My Beloved, na dapat sana’y pagtatambalan nilang muli ni Rhian Ramos.

Pero balitang papalitan na si Rhian ni Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN