Laking gulat daw at lungkot ng ex-SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan sa kinasapitan ng pitong taong relasyon ni Joshua Zamora at co-SexBomb member nitong si Jopay Paguia na naghiwalay kamakailan.
Ang sabi ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang, na akala niya ay tuloy-tuloy na sa altar ang pagsasama ng dalawa.
Sobrang dami daw kasi ng sinaksripisyo ni Jopay para sa relasyon nila ni Joshua.
"Ha? Break na ba sila?" ang nabiglang pahayag ni Rochelle.
"Kailan pa? Hindi ko alam yan."
"Nakakaloka naman. Ang alam ko okey pa rin sila ngayon.
"Hindi ko kasi napanood yung sinasabi mong interview nila ni Joshua kay KrisTv.
"If ever ganun nga, sayang naman, kasi seven years na silang magkasama, at eto nga sa paghihiwalay din mauuwi yung pagsasama nila.
"Nalulungkot ako kasi maraming isinakripisyo si Jopay para lang sa kanilang pagsasama, pero alam kong ginawa yun ni Jopay kasi yun ang gusto niya.
"Ganun naman talaga e. Pag umibig ka, sabi nga nila, nagiging tanga ka."
Ikaw ba handa ka ring mag-sacrifice alang-alang sa pag-ibig?
"Oo naman parehas lang kami ni Jopay, tanga kung umibig," ani Rochelle.
"Ganun naman siguro ang karamihan ng mga kababaihan. Nagiging tanga kapag nagmamahal."
Ready ka ba kung mangyari sa 'yo ang nangyari kay Jopay? Ano ang gagawin mo?
"Wag naman sana di ba? Kasi happy ako ngayon.
"Pero if ever, siguro alam mo naman na marami na rin naman akong napagdaanang relasyon.
"Katulad ng ginagawa ko dati, siguro move on. Gagawing busy ko yung sairili ko para mas madaling makalimot.
"Yun lang. If ever kasi na hindi na talaga puwedeng magka-ayos...dapat tanggapin mo na, wala na, dapat move on ka na."
Anong maipapayo mo kay Jopay?
"Siguro ano, move on kahit mahirap. Dahan-dahan, masakit pero yun yung reality.
"If ever na dumating yung point na para sila talaga sa isa't-isa, darating yun.
"Pero kung hindi na, marami pa naman d'yan. Siguro makakatagpo din siya ng mas higit pa kay Joshua.
"Magtrabaho lang siya nang magtrabaho, para mas madaling makalimot, kasi busy siya sa work," sagot ni Rochelle.
LOVELIFE. Kamusta naman kayo ni Arthur Solinap (boyfriend ni Rochelle)?
"Eto okey lang. Masaya kami, yun lang.
"Yun naman ang mahalaga. Masaya kaming magkasama. At least hindi malamig ang Christmas ko," sabay tawa niya.
Anong latest sa 'yo?
"Ito happy. Haping happy! Lalo na ngayong magpa-Pasko, dapat lahat tayo happy.
"Amaya pa rin. Masaya kasi hanggang next year kami, mga February daw. At least hanggang next year siguradong may trabaho ako.
"Yun naman kasi yung mahalaga, magpa-Pasko may work ka at hanggang mag-Bagong Taon may work pa din ako.
"Sana umabot ng Valentine's Day.
"Basta abangan nila ang Amaya kasi sobrang ganda ng istorya, kahit ako nabibigla sa lalong paganda nang paganda ng istorya ng show namin.
"Bukod sa Amaya, regular din ako sa Party Pilipinas every Sunday, yun lang."
ON SHEENA HALILI. Bakit hanggang ngayon ay hindi mamamatay-matay yung isyu na may hidwaan kayo ni Sheena (Halili)?
"Naku mamamatay din yang isyung yan, kasi wala naman talaga. Hindi naman talaga kami magka-away ni Sheena."
May cold war daw kayo sa set ng Amaya?
"Wala naman talaga, and besides hindi naman kami masyadong nagkikita ni Sheena, dahil wala naman kasing eksenang magkasama kami."
Nakapag-usap na ba kayo ni Sheena?
"Actually, kakausapin ko nga si Sheena pag nagkataon na magkita kami.
"Kung galit ba siya sa akin or what, kasi sa akin wala naman talaga, kasi wala namang rason para magalit ako sa kanya.
"Kasi tingin ko mabait naman si Sheena. Wala naman akong naririnig na sinasabi niyang hindi maganda sa akin.
"Kaya deadma lang ako sa mga lumalabas na magkaaway kami. Kasi hindi naman totoo.
"Kasi dati nag-uusap naman kami sa tent. Nagkukuwentuhan kami sa dinner, kasi isa lang naman ang kainan sa Amaya taping.
"Okey naman ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin, kaya nga nakakagulat na may mga isyung ganyan na lumabalas. Nakakaloka.
"Sa ngayon kasi, wala talaga kaming time na mag-usap kasi magkaiba kami ng eksena, nasa side siya ni Amaya at ako naman sa kabila.
"Bukod pa, matagal-tagal na rin kasi akong walang taping sa Amaya.
"Almost two months na nang pumutok yung balita, kaya wala talaga kaming pagkakataong mag-usap.
"Pero hindi ako nagpapaapekto kasi alam kong issue lang yan at wala naman talagang awayang nagaganap sa amin ni Sheena.
"Knowing Sheena na baklang-bakla rin na tulad ko, wala talagang dapat pag-usapan, kasi wala naman talaga."
Anong pakiramdam na medyo matagal ka nang walang taping sa Amaya?
"Malungkot kasi nakaka-miss magtaping. Iba kasi yung nagti-taping ka.
"Pero ako naman I'm willing to wait.
"Alam ko ipatatawag din ako para mag-taping baka iba lang yung tinatakbo ng istorya at wala yung character ko dun.
"Katulad nga ng sabi ko, hanggang next year pa kami kaya alam kong matagal pa ang iti-taping ko sa show."