PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Calayan sues former Pinoy employee for fraud in the U.S., says he lost millions of dollars in transactions

On rumors that the Beverly Hills branch of Calayan Surgicenter has closed down, Dr. Manny says: "Never nagsara ang clinic namin sa U.S."
by Glen Sibonga
Published Dec 11, 2011
Dr. Manny Calayan says international singer Charice was also victimized by the same Pinoy employee. "Nabiktima niya rin. Tinawagan nga ako nung manager ni Charice. Sabi ko totoo yung ginawang [panloloko sa akin]. Sabi ko, sige go ako diyan [sa gagawin nilang legal action]. Nasa likod n'yo rin ako kasi nabiktima niya rin ako talaga."

May post sa Facebook account ni Manny at Pie Calayan, ang mag-asawang celebrity doctors, na nakuha ang atensyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa post, na in-upload ng Huwebes, Disyembre 8, 4:51 p.m: "Ive heard that Ms Aida Arceo, our previous employee in L.A. at producer din, niloko din charice pempengcos concert??? tsk tsk tsk"

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Dr. Manny ay ang tungkol dito ang agad naming inusisa.

Nangyari ang panayam sa Christmas party ng mga Calayan para sa mga close friends nila sa showbiz na ginanap sa Hotel Intercon sa Makati City kagabi, Disyembre 10.

Present din sa party ang ilan sa celebrity endorsers ng Calayan Surgicenter na sina Carlos Agassi, Sam YG aka Shivaker, Maria Isabel Lopez, Kian Kazemi, Laguna board member Angelica Jones, John Nite, Vandolph Quizon with wife Jenny Salimao, at Selina Sevilla with partner Lalen Calayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwan ng Mayo ngayong taon nang maglabas ng babala sina Dr. Manny at Dra. Pie na si Aida Arceo, dating operations manager ng Calayan U.S. Branch ay hindi na raw kunektado sa kanila.

Kung sinuman daw ang makatransaksyon nito na ginagamit ang pangalan ng kanilang klinika, e, wala na raw kinalaman dito ang Calayan.

LOSING MILLIONS OF DOLLARS. Ayon kay Dr. Manny, niloko daw sila ng dati nilang empleyadong Pinoy na naninirahan sa Amerika.

Sa panayam nga ng PEP at iba pang media, ayaw nang banggitin ni Doc ang pangalan nito dahil may naka-file na raw na kaso kontra rito sa Amerika.

Pero ano ba talaga ang ginawang panloloko ng taong ito sa kanila?

"Hindi ko pa pwedeng sabihin," ani Dr. Manny.

Magkano ang nawala sa kanila dahil sa panloloko ng taong ito?

"Millions. Hindi ko masasabi yung actual amount. Basta millions of dollars."

May ideya ba siya kung nasaan ang taong ito ngayon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yes, pero bahala na yung mga imbestigador doon [sa U.S.]."

Anong kaso ang isinampa nila kontra rito?

"Marami, pero hindi ko pwedeng sabihin. May fraud, may civil, iba-iba kasi ang counts sa States, e."

American citizen ba o green-card holder ang taong ito?

"Hindi ko alam. Ang alam ko resident e."

Gaano nakaapekto sa kanya ang insidenteng ito?

"Marami namang nagalit din [sa kanya] kasi kilala rin siya roon.

Nalaman ko, huli na kasi talagang ganun pala ang ginagawa niya."

DRA. PIE'S REACTION. Ano naman ang naging reaksyon ni Dra. Pie?

"Kasi nagtiwala rin siya e, ang sama ng loob niya noong unang-una.

"Ako na naman ang sinisi kasi ako ang nakipag-meeting, ako ang nakipag-setup.

"Tapos in the end, ako na naman ang sinisi sa lahat. E sabi ko, lagi akong wala rito [sa U.S.], nandito ako lagi sa Pilipinas.

"Siya naman trabaho lang nang trabaho doon. Yung mga finances ako rin ang nakakaalam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw din ni Dr. Manny ang lumabas na tsismis na diumano'y sarado na ang Beverly Hills branch ng Calayan Surgicenter sa Amerika.

"Never nagsara ang clinic namin sa U.S."

CHARICE IS ALSO A VICTIM. Totoo ba na nabiktima rin ng taong ito ang Pinay international singing sensation na si Charice?

"Yun ang sinasabi ko, nabiktima niya rin. Tinawagan nga ako nung manager ni Charice.

"Sabi ko ,totoo yung ginawang [panloloko sa akin]. Sabi ko, sige go ako diyan [sa gagawin nilang legal action].

"Nasa likod n'yo rin ako kasi nabiktima niya rin ako talaga."

Paano ba naloko sina Charice?

"E, gusto nga ng taong ito na mag-produce ng concert ni Charice sa U.S. Basta may money involved din."

Napag-alaman din ni Dr. Manny na hindi lang pala sila ni Charice ang nabiktima ng taong ito.

"Marami pa siyang ibang nabiktima. Nalaman ko siya rin pala yung nanloko kina Alfie Lorenzo at Judai [Judy Ann Santos] dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami pang ibang mga doktor at celebrity."

KEEPING A POSITIVE OUTLOOK. Sa kabila ng pangyayaring ito sinisikap pa rin ni Dr. Manny na maging positibo ang pananaw niya sa buhay.

"Anong magagawa natin? Siya, sumasama ang papel niya. At saka may karma naman dito sa mundo e."

Paano siya nakaka-cope sa nangyari?

"I'm fighting. Fight, fight pa rin. E kasi may kakampi na ako e. Nandiyan na sila e [grupo nina Charice].

"Sabi ko, 'Ay, salamat hindi ako nag-iisa.'

"Tapos may iba pang doktor na niloko niya rin. Yun nagdyo-join forces kami."

Ngayong nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon, may mensahe ba siya para sa taong nanloko sa kanila?

"Sana naman sa 2012 magbago na siya kasi hindi lang naman yung mga tulad ko yung ginaganito niya.

"So, sana magdasal siya at maniwala sa Diyos."

CHRISTMAS IN THE U.S. Ayaw naman ni Dr. Manny na maapektuhan ang Pasko nila dahil sa problemang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman, hindi natin kailangang isipin iyan sa ganitong panahon. Kaya nga tuloy pa rin ang Christmas party natin.

"Hindi pwedeng wala, kasi taun-taon natin itong ginagawa."

Ano naman ang plano nilang mag-anak sa Pasko?

"Pupunta ako sa U.S. kasi nandun na si Dra. Pie at ang mga bata. Doon na kami magse-celebrate ng Pasko at baka pati sa Bagong Taon siguro."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Manny Calayan says international singer Charice was also victimized by the same Pinoy employee. "Nabiktima niya rin. Tinawagan nga ako nung manager ni Charice. Sabi ko totoo yung ginawang [panloloko sa akin]. Sabi ko, sige go ako diyan [sa gagawin nilang legal action]. Nasa likod n'yo rin ako kasi nabiktima niya rin ako talaga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results