Alden Richards gets positive reviews for his psychotic role in The Road

Alden Richards on positive reviews for his performance in The Road: "Masyado pa naman pong maaga para mag-expect tayo [ng nominations]. For now, I am happy for the good reviews. Nababasa ko nga po over the Internet ang ilang reviews ng mga critics at nakakataba ng puso. Doon pa lang po, masayang-masaya na ako."


Sunud-sunod ang magagandang reviews na natatanggap ng young actor na si Alden Richards dahil sa performance niya sa suspense-thriller film na The Road.

Hindi inaasahan ng Kapuso young actor na aani siya ng mga papuri dahil sa kanyang role bilang isang psychotic killer sa GMA Films movie na ito.

Nagpapasalamat siya sa kanilang director na si Yam Laranas dahil sa pag-guide nito sa kanya habang sinu-shoot nila ang mga mabibigat na eksena niya.

Inamin ni Alden na nahirapan siya sa ilang mga eksena sa The Road dahil halos wala siyang dialogue at puro facial expressions lang ang ginamit niya.

Sabi ng Kapuso young actor, "Most of my scenes ay kailangan na parang wala akong nararamdaman. Yung deadpan ang expression ng mukha ko.

"In-explain sa akin ni Direk Yam na kailangan lumabas na balewala sa akin yung nakikita kong pinapatay ko yung biktima ko.

"Parang nangyayari iyon na normal sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakinig ako nang husto kay Direk Yam and he let me do some of my acting, huwag lang ako lalayo sa character ko.

"Kaya noong mapanood ko sa big screen yung ginawa namin, kahit ako nagulat sa mga ginawa ko.

"Hindi ako makapaniwala na ako iyong umaarte ng gano’n."

Nakusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa GMA Christmas party for the press last December 7 sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

POSSIBLE NOMINATIONS. Marami ang nagsasabi na puwedeng makakuha ng acting nomination next year si Alden para sa performance niya sa The Road.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Marami pong salamat! Magdilang-anghel po sana yung mga nagsabi no’n," ngiti ni Alden.

"Masyado pa naman pong maaga para mag-expect tayo.

"For now, I am happy for the good reviews.

"Nababasa ko nga po over the Internet ang ilang reviews ng mga critics at nakakataba ng puso.

"Doon pa lang po, masayang-masaya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very proud of our movie The Road dahil lahat po kami nagbigay ng magandang performance.

"We all deserve a good review sa ginawa namin sa movie."

OFFBEAT ROLES. Kaya sa mga susunod na mga projects nga ni Alden, wish niya na makagawa ulit ng offbeat roles para maiba naman daw ang pag-arte niya sa TV at sa pag-arte niya sa pelikula.

"Sa TV kasi, I play different roles din, but gusto ko po sana sa movies ay maiba naman.

"I want to explore and experiment sa acting ko.

"I want to know how far I will go.

"Gusto nga po na gumawa ng indie films kasi doon po yung mga kakaibang roles.

"I also want to do commercial films, but at the same time, I want to dare myself in portraying different characters."

MMFF MOVIE. May pelikula rin si Alden na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Alden sa Ang Panday 2 bilang si Gubli, isang prinsipe sa mundo ng mga dragon.

Excited si Alden sa pagkakasama niya sa Ang Panday 2 dahil ito ang first time niyang makasama sa MMFF.

Noon kasi ay pumipila pa siya kapag nagbubukas ang mga pelikula sa MMFF on Christmas Day, December 25.

Pero mas excited si Alden sa magaganap na Parade of Stars on December 24.

"Noon po kasi, sa TV ko lang napapanood ang parade ng MMFF.

"Hindi ko akalain na one day, makakasama pala ako sa parade na ’yan at ako naman ang mapapanood sa TV na nakasakay sa float.

"Parang hindi ako makapaniwala na makakasama ko sa isang float sila Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., Phillip Salvador, Marian Rivera, Iza Calzado, Benjie Paras, Alice Dixson, at marami pang iba.

"Ito na yata ang pinakamasaya kong Pasko bilang isang artista," masayang pahayag ni Alden.

Isa pang ikinatutuwa ni Alden ay makakasama na siya sa naitalang history ng pelikulang Panday sa Philippine cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking bagay po sa akin ang makasama sa Ang Panday 2 kasi nga po hindi pa ako pinanganganak ay meron ng pelikulang Ang Panday.

"Yung mga parents ko, napanood pa nila ang original na Ang Panday [1980] tapos ngayon ay nakasama pa ako sa isang pelikula nito.

"Kaya sobra-sobra ang kasiyahan ko ngayong Pasko dahil sa mga nangyayaring ito sa career ko.

"I will celebrate nga po my first anniversary in showbiz on December 8 at sa one year ko na sa showbiz, puro magaganda ang mga nangyayari.

"Sana po tuluy-tuloy ito sa papasok na 2012."

Maraming naka-lineup na trabaho para kay Alden sa pagpasok ng 2012.

Kasama siya sa TV series na The Beloved na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Magtatambal sila ulit dito ni Louise delos Reyes na una niyang nakatambal sa Alakdana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN