Imee Marcos returns to filmmaking via Pintakasi

"Pero hindi naman naming akalain na yung kinakaladkad ko sa Dulaang UP na si JM de Guzman ay magiging sikat. Si Erich [Gonzales], isang taga-Davao na binibiru-biro lang namin, e, magiging sikat din. Eto nga, sa haba ng panahon, e, nagsikatan na sila. Ako naman, bumalik-pulitika. Promdi na ngayon, gobernador ng Ilocos Norte," says Governor Imee Marcos, who produced the highly-acclaimed films Himala and Oro Plata Mata, <


Kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 New Wave Section ang Pintakasi, na prinodyus ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Pinangungunahan ang Pintakasi nina Erich Gonzales, John Wayne Sace, at JM de Guzman.

Sa presscon ng nasabing pelikula kaninang tanghali, December 14, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, naroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Dito ipinaliwanag ni Imee kung ano ang ibig sabihin ng Pintakasi.

Maliban sa ito’y may kinalaman sa sabong, ang kahulugan pa nito ay "pinta kasi."

Kuha ito sa karakter na ginagampanan ni John Wayne Sace sa pelikula, na isang pintor, at may mga eksena rito na pinagsasanib ang animation at live actors.

Sa kuwento ni Governor Imee, ang karakter ni John Wayne ay isang taong dumating sa lugar kung saan talamak ang kaguluhan at kasamaan.

Si John Wayne ang magsisilbing ehemplo ng pagbabago.

Kung papanoorin ang pelikula, mapapansing ang mga karakter ay base sa mga bayani ng Pilipinas at mga mahahalagang tauhan sa panahon ng himagsikan, ayon kay Imee.

Ginawang kontemporaryo at moderno ang pagsasalin ng kuwentong may kinalaman sa history natin, kaya makaka-relate daw ang mga tao, lalo na ang mahihilig sa hip-hop.

Ayon kay Imee, inabot ng ilang taon ang pagbubuo ng pelikulang Pintakasi.

IMEE’S RETURN TO LOCAL FILM INDUSTRY. Ang konsepto ay nagsimulang mabuo noong bago ang centennial celebration (1998) at ang pre-production ay noon namang 2008.

"Hindi namin alam, e, na pasok kami [sa MMFF].

"Nakalimutan na namin ang pelikula, sa tagal. Nabaon na!" natatawang pahayag ni Imee.

"Totoo, nakalimutan na.

"Yung mga artista namin noong panahon na yun, sikat lang si Tita Boots [Anson-Roa], si William Martinez, si Giselle [Sanchez]. Sila lang yung sikat no’n.

"Pero hindi naman naming akalain na yung kinakaladkad ko sa Dulaang UP [University of the Philippines] na si JM de Guzman ay magiging sikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Erich [Gonzales], isang taga-Davao na binibiru-biro lang namin, e, magiging sikat din.

"Eto nga, sa haba ng panahon, e, nagsikatan na sila.

"Ako naman, bumalik-pulitika.

"Promdi na ngayon, gobernador ng Ilocos Norte."

OFF-BEAT ROLE FOR BOOTS. Malaking bagay, ayon kay Imee, ang pagpayag ni Boots Anson Roa na tanggapin ang kakaibang papel sa Pintakasi.

"Ang nakakatuwa, pumayag kaagad si Tita Boots Anson Roa na gumanap ng napakalupit at napakasamang lola, na nagbebenta ng droga!" natatawang kuwento ni Imee dahil nasa tabi lang niya ang respetadong aktres.

"Ewan ko kung bakit siya pumayag, pero mula no’n, e, talaga namang lagi na lang siyang bad old woman," pagtukoy niya sa mga uri ng character roles na napupunta sa seasoned actress.

Kontrabida rin kasi ang papel ni Boots sa seryeng Munting Heredera sa GMA-7.

Ayon naman kay Boots, sa gitna ng hirap at pagsubok na pinagdaanan at dala ng vision ng Pintakasi, ipinagpapasalamat niyang nakasama siya.

May maganda pa raw na pangyayari sa pelikula.

"Para sa akin, bukod sa lahat ng ’yan na naging bahagi po ako, ang isa sa pinakamahalaga na nangyari po sa pamamagitan ng Pintakasi ay bumalik si Imee sa pelikula," pahayag ng batikang aktres.

Si Boots ay nanungkulan nang matagal sa gobyerno ni Ferdinand Marcos.

Pinadala siya sa U.S. at doon ay ginawang press attache at cultural officer ng Philippine Embassy sa Washington. Ginawa rin siyang commissioner ng Commission on Population of the Philippines (POPCOM) at presidente at general manager ng IBC 13, na hawak din ni Marcos.

Pagpapatuloy ni Boots tungkol kay Imee, "Sana huwag mo na kaming iiwanan. Bahaginan mo kami ng panahon at talent and vision.

"And i-budget mo na lang yung time mo between yung governorship sa Ilocos Norte and dito sa pelikula."

WORLD-CLASS FILM. Natatawang ikinuwento naman ni Imee ang papel na ginagampanan ni Giselle Sanchez, na nasa presscon din kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Giselle naman ay yung malupit na malupit na kinikiskis ng kalamansi [ang buong katawan].

"Nagpupumilit na mag-whitening sa kalagitnaan ng kaiskuwateran."

Sabat naman ni Giselle," Alam naman po nating lahat na si Ms. Imee Marcos ang producer ng Himala at ng Oro Plata Mata.

"Nakita n’yo naman po kung gaano kagagaling ang mga pelikula at award-winning movies.

"At hindi lang award-winning films kundi value-oriented...very, very Filipino films.

"’Yan po yung Himala and Oro Plata Mata.

"Kung ibe-base po ninyo, kung saan galing yung bunga, yun naman po ay talagang yung puno ay magaling.

"So, ito namang kanyang bungang Pintakasi ay napakagandang pelikula."

Patuloy ni Giselle, "At para gawin for two years...ginawa po ito for three years.

"Ginawa po ito, buntis pa lang ako, ngayon po malaki na ang anak ko.

"I was seven months pregnant... Ay, una four months, tapos no’ng reshoot, seven [months pregnant].

"Tapos ngayon, puwede nang manood ng pelikula ang aking anak!" sabay halakhak niyang sabi.

"Yun naman po ay dahil infused po ito with animation.

"Napakahirap pong talagang gawin ang animation.

"Sobrang ganda po ng pelikulang ’to.

"This would be the first time yata na magkakaroon ng live actors and cartoons infused together in one movie.

"The soundtrack is wonderful.

"The dancing is exceptional dahil [Philippine] All-Star," pagtukoy niya sa world champions sa hip-hop dance ka kasali rin sa pelikula.

Dagdag pa ni Giselle, "World-class po talaga ito.

"World-class, acting world-class... lahat po.

"Ako ay sobrang proud to be in this film."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN