PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 1. TV5 star Eula Caballero admits being intimidated by Yesterday Today Tomorrow co-star Maricel Soriano

Eula's next primetime series on TV5 will pair her with an "international artist."
by Rose Garcia
Published Dec 17, 2011
Eula Caballero on Maricel Soriano: "Sobrang grateful po ako, at sabi ko nga, hindi naman po ako magiging ganoon kung hindi dahil sa kanya. Pero sabi niya, 'Ay, hindi anak, magaling ka.' Palagi siyang ganyan at sobrang ang sweet-sweet. Ini-encourage ka niyang talaga. Parang she won't let you feel bad about yourself. At sinasabi nga niyang, 'Dapat confident ka sa sarili mo at alam mo na kaya mong gawin.'"

Ang Star Factor winner na si Eula Caballero ang maituturing na pinaka-bagito sa cast ng Yesterday Today Tomorrow, isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011.

Kasama sa pelikulang ito sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Lovi Poe, Carla Aballena, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Agot Isidro, at Ronaldo Valdez.

Pero malaki ang pasasalamat ni Eula dahil ang gumanap na ina niya ay si Maricel, at sumuporta raw ito sa kanya, liban pa sa panay papuri sa kanya bilang co-star at anak nito sa pelikula.

Ikinuwento ng TV5 star ang sampalan scene nila ni Maricel sa movie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference niya kahapon, December 16, sa Dulcinea restaurant sa Greenbelt, Makati.

Ayon kay Eula, maraming takes daw na ginawa sa eksenang yun, pero tinutulungan daw siya ng Diamond Star.

"Tinutulungan niya ako, ayaw niya rin na masaktan ako nang sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya noong sa kanya, dinaya na lang niya. Slight na slight na lang.

"Kaya sabi ko nga, ibang-iba pala siya do'n sa mga sinasabi ng iba. Sobrang na-pressure pa ako," saad niya.

Ang ibig sabihin ni Eula ay ang mga usap-usapan na nakakarating sa kanya tungkol sa ugali diumano ni Maricel na nagtataray, nagmumura, at nananakit.

Paliwanag ng young actress, "May mga friends ako, may mga moms ng mga friends ko... Alam n'yo naman ang showbiz, kumakalat ang mga balita.

"So, sabi nila, 'May movie ka raw. Sino kasama mo?'

"Sabi ko, 'Sina Miss Maricel.'

"Sabi nila, 'Hala ka! Sige ka, mataray yun. Sobrang maldita.'

"E, nakakahiya nga sa kanya, kasi noong shooting namin, siya pa ang nagku-comfort na, 'O, Eula, anak, kumain ka na?'

"Nakakahiya! I mean, ako pa dapat yung laging nag-a-approach, bumabati.

"Pero siya talaga, sobrang napaka-mommy. As in, super mommy talaga.

"Tapos noong presscon pa namin ng Yesterday Today Tomorrow, sabi niya, 'Ano ba, Mama na lang. Ang formal naman ng Miss Maricel.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang madalas daw kaeksena ni Eula sa movie bukod kay Maricel ay sina Gabby Concepcion at Carla Abellana.

INTIMIDATED. Hindi naman itinanggi ni Eula na na-intimidate siya talaga nang malaman niyang gaganap siyang anak ni Maricel sa pelikula.

Nagkataon pa raw na sa first shooting day nila, yun din ang kauna-unahang pagkakataon na nakaharap niya ang award-winning actress.

Kuwento ni Eula, "Na-intimidate talaga ako kasi alam ko na napakagaling niya.

"Nag-search pa ako sa YouTube ng Yesterday, Today, And Tomorrow [1986 movie].

"Akala ko kasi, parehas na parehas, hindi naman pala.

"Nakita ko, nandoon din siya.

"Kaya sabi ko, 'Sino ako dito? Baka yung dating siya.'

"Pero, hindi naman pala. Totally different naman pala.

"Kaya noong nag-eksena na kami, 'Naku, paano ba 'to? Paano ako magma-mommy-mommy sa kanya, parang ang awkward, dapat sweet-sweet-an.'

"E, okay rin si Direk Jun Lana kasi gusto rin niya na ang relationship ng artista do'n, meron ding bond kahit off-cam."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawa ring ikinuwento ni Eula na sa first throwing of lines nila ni Maricel ay nagkaproblema na siya agad.

"Hindi ko ma-explain. Lahat ng linya ko, hindi ko ma-deliver nang maayos.

"So, sabi ko, 'Sorry po. Sobrang sorry po talaga.'

"Hindi ko pa alam kasi noong una, sobrang parang straight face lang siya. So, hindi ko alam kung galit ba siya.

"Sabi ko, 'Shocks! Paano ba 'to?'

"Nakakanerbiyos talaga na nakakataranta na nakakahiya talaga.

"So, sa isa pang throwing of lines, nag-sorry talaga ako.

"Sabi ko, 'Miss Maricel, sorry po talaga, kinakabahan lang po talaga ako.'

"Tapos sabi niya, 'Huwag kang kabahan, anak. Baka lagi ka nang magba-buckle niyan hanggang sa take.'

"So, nag-usap muna kami at sinabi niya na basta sa take, dapat alam ko na ang linya ko."

Nag-thank you raw si Eula nang todo kay Maricel noong marinig niya sa pictorial pa lamang ang mga papuring binitawan naman nito para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Eula, "Sobrang grateful po ako at sabi ko nga, hindi naman po ako magiging ganoon kung hindi dahil sa kanya.

"Pero sabi niya, 'Ay, hindi anak, magaling ka.'

"Palagi siyang ganyan at sobrang ang sweet-sweet. Ini-encourage ka niyang talaga.

"Parang she won't let you feel bad about yourself.

"At sinasabi nga niyang, 'Dapat confident ka sa sarili mo at alam mo na kaya mong gawin.'"

WORKING WITH THE STARS. Bago si Maricel, nakatrabho na rin ni Eula ang Superstar na si Nora Aunor sa mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan ng Ina.

Sabi ni Eula, "Actually, naisip ko nga po na nakatrabaho ko na rin si Superstar.

"Pero yung una nga, yung first shooting namin [ni Maricel], hindi naman sa niloloko, pero yung paulit-ulit na lang na sinasabi ko sa sarili ko, 'Huwag kang ma-tense, huwag kang ma-tense. Kasi, nakaya mo nga si Ms. Nora Aunor.'

"Na-overcome ko nga yung tense ko doon, so mao-overcome ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, magkaiba po sila. Magkaiba rin ang personality nila."

Conscious na ba si Eula na artista na talaga siya at kilala na rin siya ng mga tao?

"Kinda... Pero ang sa akin, ang mindset ko is, yun nga, like now, marami na akong nakakatrabaho, iniisip ko, nag-artista na ako—now, kailangan kong gawin ang trabaho ko.

"I work for this and I have to give my best.

"Pero, hindi ko masyadong naiisip yung about kasikatan kasi hindi pa naman talaga. Working pa.

"I mean, ang kasikatan naman, hindi naman yun na kapag nag-artista ka, sikat ka na.

"Hindi pa, wala pa yun sa isip ko.

"Siguro, ang haba pa.

"Ang dami ko pang ano...hindi ko pa alam kung kailan ko masasabi na sikat na 'ko.

"Ngayon, masasabi ko na, or maku-quote ko, na artista na ako dahil nakatrabaho ko na sila," pagtukoy ni Eula sa kanyang co-stars sa Yesterday Today Tomorrow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRIMETIME SERIES. Ayon kay Eula, wala pa siyang alam sa kasunod na pelikulang gagawin pagkatapos ng Yesterday Today Tomorrow.

Pero sa telebisyon, may sinabi na raw sa kanya ang TV5 na primetime series for 2012, kunsaan ang makakasama niya ay isang international artist.

Pero wala pa raw siyang idea kung sino ang international artist na ito.

"Abangan na lang po nila kung sino. Hindi ko pa talaga alam.

"Actually, hindi ko rin alam kung sino ang mga local [stars] na kasama ko.

"Noong malaman ko nga, sabi ko, 'Sino ba 'yan? Sana isa sa mga crushes ko,'" sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Caballero on Maricel Soriano: "Sobrang grateful po ako, at sabi ko nga, hindi naman po ako magiging ganoon kung hindi dahil sa kanya. Pero sabi niya, 'Ay, hindi anak, magaling ka.' Palagi siyang ganyan at sobrang ang sweet-sweet. Ini-encourage ka niyang talaga. Parang she won't let you feel bad about yourself. At sinasabi nga niyang, 'Dapat confident ka sa sarili mo at alam mo na kaya mong gawin.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results