Ang Pasko ay ang araw na pinakahihintay ng lahat, sapagkat ito ang araw ng pagsasama-samang buo ng isang pamilya o mag-anak.
Ilan sa ating mga artista ay sabik na sa Pasko sapagkat ito nga ang araw ng kanilang pahinga at pagkakaroon ng oras para sa kanilang pamilya.
Siyempre, hindi rin mawawala ang mga exciting na regalo na bubuksan sa Araw ng Pasko.
Hindi rin mawawala ang isang katerbang Christmas wish lists nila—doon sa kanila na wala nang mahihiling pang materyal na bagay, oras na lang daw sa pamilya ay sapat na.
Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga Christmas wishes ng ilang mga artista ngayong darating na kapaskuhan.
LIGHTS, CAMERA, ACTION! Tanyag bilang isa sa magagaling na direktor ng henerasyon na ito si Direk Jose Javier Reyes o mas kilala bilang Direk Joey Reyes.
Ano kaya ang Christmas wish ng My Househusband: Ikaw Na! director?
"I wish in this country...more governance and less politics," saad ni Direk.
Dagdag pa niya, "Nakakasawa na kasi ang takbo ng pulitika ngayon sa ating bansa, hindi ba?
"Kaya yun talaga ang pinaka-biggest wish ko."
Any material thing naman na gusto niyang ma-receive ngayong Pasko?
"Vacation house!" bulalas agad ni Direk Joey.
Aniya pa, "Ultimate dream talaga yun!
"Farm house, away from everything.
"What I'll just do is to read and write.
"Gusto ko ng farm or beach house, basta away from the city—yung peaceful and beautiful."
A NEWBIE'S WISH. Bago pa lang si Eula Caballero sa industriya ng showbiz, ngunit umariba na ang karir nito sa taong 2011.
Una na nga 'yong makakasama siya sa darating na Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Yesterday, Today, and Tomorrow—na pinangungunahan ni Diamond Star Maricel Soriano at ni Gabby Concepcion.
May mahihiling pa kaya ang young actress sa darating na Pasko?
"This Christmas, ano, I hope, kung sa material thing, gusto ko talaga, gusto ko ng iPhone 4S," batid ng aktres.
"Pero I'm not buying because baka, baka early next year lumabas naman yung iPhone 5, so 'yon.
"Wala, parang gustung-gusto ko lang talaga, as in gustung-gusto ko, kung meron na iPhone 5 na lang, pero pag may nagbigay, ok," sabay ngisi ni Eula.
E, kung hindi naman kaya materyal na bagay?
"If not material thing, sana ano, sana, sana ano, pasok sa mga favorites yung movie, sana maging successful siya.
"Maraming manood, bumenta siya, Yesterday, Today, and Tomorrow," buong galak niyang sabi.
Do you wish to win an award—tulad na nga lamang sa kategoryang Best New Female Actress?
Papikit pang sagot ng young actress, "Yeah, it's a wish, it's a, it's a one big wish—sana, sana lang."
HOT MOMMA. Ang hot mom namang si LJ Reyes ay excited na sa darating na Pasko, lalo na't may chikiting siya na si Ethan Akio.
Ngayong isa ka ng ina, may gusto ka pa rin bang materyal na regalo na gusto mong makuha ngayong darating na Pasko?
"Material thing I want for Christmas? Hmmm...nothing in particular, really! Shopping spree na lang!" sabay tawa ni LJ.
"Kidding! Intangible gift would be a lot!" ngisi muli ng aktres.
Aniya, "I think I need more patience, more knowledge, and happier years to come.
"Happy naman ako! Pero mas masaya kung mas masaya pa!
"And more good projects siguro! Why? Because I need all these for maturity and responsibility."
A LOVING HUSBAND AND FATHER. Ang mapagmahal na asawa at ama sa Nasaan Ka Elisa? ng ABS-CBN ay sobrang mapagmahal din sa tunay na buhay na kanyang ginagampanan.
Mariano Altamira siya sa TV, Albert Martinez siya sa tunay na buhay.
Nang tanunginkung ano ang kanyang wish ngayong darating na Pasko, isa lamang ang kanyang isinagot.
"One and only good health," taos-pusong sabi ng aktor.
DEDICATED ONE. Kilala si Robi Domingo bilang isang dedicated student, anak, kapatid, at kaibigan.
Dedicated din naman siya sa kanyang trabaho, dahil isa nga ito sa pinakamamahal niyang ginagawa.
Ngayong host siya ng bagong season ng PBB, ang Pinoy Big Brother Unlimited, may gusto pa ba siyang hilingin?
"Mini speakers, so I can put them in my dressing room in PBB.
"I will not suffer from boredom anymore, while waiting for my script."
Biggest wish naman, meron?
"I just received it today...sleep all day," masayang ibinalita ni Robi.
THE HEARTTHROB. Kamakailan lamang bumisitang muli ang Thai heartthrob na si Mario Maurer dito sa Pilipinas, upang pakiligin na naman ang kanyang mga Filipino fans sa isa na namang fashion show na pinamagatang "The best gift comes with a...smile!"
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap ang young actor at tanungin din ang Christmas wish nito.
"To spend time with my mom and my brother and also my family and my friends, my best friend. There's a lot," masayang isinaad ng Thai actor.
Nothing in particular, like a new car or maybe travel around the world?
"I cannot have enough of cars now, yeah," napangiting tugon ni Mario.