PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities set new goals for the new year

Find out the new goals of some of your favorite stars.
by Elli Alipio
Published Dec 30, 2011
(Top L-R) Solenn Heussaff, Erich Gonzales, Eula Caballero; (middle L-R) Robi Domingo, Daiana Menezes, Albert Martinez; (bottom L-R) Joey Reyes, Aiza Seguerra, and LJ Reyes happily reveal their New Year's resolutions.

Taon-taon may mga bagong New Year's resolution ang bawat isa sa atin. Bawat isa sa atin ay may mga gustong kamtan sa pagpasok ng isang panibagong taon.

Ang iba ay may mga bagong mithiin o 'di kaya naman ay may gustong baguhin sa nakagawiang buhay.

Ayon nga sa diksyunaryo, ang New Year's resolution ay commitment ng isang indibidwal sa isa o higit pa nitong pangmatagalang personal na layunin at proyekto. Kasama na rito ang tangkang i-reform ang ugali.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na alamin ang mga New Year's resolution ng ilang artistang paborito ninyo.

SAME AS LAST YEAR'S. Super blessed this year ang "multi-slashie" na si Solenn Heussaff.

Nagsimula siya sa industriya sa larangan ng pagmomodelo, hanggang sa nagkaroon na ng sariling album at concert, at sumabak na rin sa pag-arte.

Mapapanood nga siya sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Yesterday, Today, and Tomorrow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP ang napaka-blooming na si Solenn at tinanong ang resolution nito sa darating na bagong taon.

"Same every year," mabilis na tugon ng dalaga.

"Save, be healthy, be helpful to others, and learn Tagalog," masayang ipinahayag ni Solenn.

ADD POUNDS & HELP THE POOR. Ang sexy host-actress namang si Daina Menezes ay excited na para sa darating na bagong taon, dahil marami raw itong gustong gawin at gustong baguhin.

Sapagkat marami nga raw itong na-realize nitong 2011.

"After this year, I wanna gain fifteen pounds!" bulalas ni Daiana.

Dagdag pa niya, "And start playing football again!

"And, hopefully, this coming year, I'll keep on helping the less fortunate more and more...

"As I learned a lot this year from all [my] ups and downs."

NO TO CRAMMING! Ang sexy hot momma naman na si LJ Reyes ay may New Year's resolution para sa kanyang sarili.

"My new year's resolution?...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Would be to stop cramming!" sabay tawa ng aktres.

Biglang hirit nito, "That's hard! Wish me luck!"

TIPID MODE. Itinuturing ni Eula Caballero na blessing ang taon na ito. Maraming lumalabas na isyu sa kanya kahit baguhan pa siya, ngunit hindi ito pinapansin ng dalaga.

Mas nagpo-focus raw ito sa kanyang career.

Kung kaya naman ang tugon agad ni Eula sa tanong na kung ano ang New Year's resolution niya ay: "Magtitipid na 'ko!"

Aniya pa, "'Coz I want to get a condo unit na this year.

"Kasi I live in Cavite, it's really far, yeah, so sana makakuha na 'ko.

"Mag-iipon na 'ko for that, kasi my dad gave me, not gave me, lent me his car, so meron akong car na nagagamit.

"So, I hope now makapag-invest, makapag-ipon ako to get a condo unit this year.

"So bawas lang muna sa pang-shopping," sabay ngisi ng Kapatid actress.

Bulalas nito, "Ma-shopping kasi ako, e, so konting tipid-tipid lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO TO PLASTIC!. Simple lang ang New Year's resolution ng direktor sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Househusband: Ikaw Na!—si Direk Joey Reyes.

"I will keep away from the people I don't like," mabilis na tugon ni direk.

Bulalas nito, "Naku, 'di ba? Magpakatotoo na tayo. Kung ayaw, ayaw!

"Huwag na tayo magpaka-plastic! Para 'di na rin ma-stress!" sabay tawa ni Direk Joey.

FAMILY TIME. Para naman sa aktor na si Albert Martinez, ang darating na taon ay isa pang blessing sa kanya at lalo na sa kanyang pamilya.

Simple nga lang ang New Year's resolution nito nang tanungin siya, "New Year's resolution?

"Enjoy life more with family!" masayang pahayag niya.

MORE TREATS. Minsan nakakalimutan natin ang ating sariling mga pangangailangan, lalo na kapag abala na tayo sa ating mga trabaho.

Pero sabi nga, hindi naman masama kung minsan mag-relax tayo, dahil pinagtrabahuhan din naman natin 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi ng tambay sa Bahay ni Kuya na si Robi Domingo: "I will promise to treat myself more often.

"And would not let my health suffer."

CHANGE NOW. Nagsimula siya bilang bulilit star, ngunit ngayon isa na siyang sikat na singer.

Gusto ng tao ang kanyang malamig na boses na bagay sa maraming okasyon.

Simple lang ang New Year's resolution ng ASAP Sessionista na si Aiza Seguerra.

"Ang resolution ko ay hindi ko kailangan antayin ang New Year para magbago," sabi ng singer-actress.

HEALTH IS WEALTH. Sunud-sunod ang naging blessings sa buhay ng Star Magic actress na si Erich Gonzales.

Nitong 2011, nagbida siya sa teleseryeng Maria La Del Barrio sa ABS-CBN.

Sa 2012 naman ay magtatambal sila ng Thai heartthrob na si Mario Maurer, para sa isang pelikulang pakakaabangan ng marami.

Pero kahit busy ang naturang young actress, meron pa rin itong New Year's resolution na gustong tuparin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To continue living a healthy lifestyle," saad ng dalaga.

Dagdag pa nito, "Eat on time, hit the gym, and exercise!

"Because in this 24-hour job, health is wealth!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top L-R) Solenn Heussaff, Erich Gonzales, Eula Caballero; (middle L-R) Robi Domingo, Daiana Menezes, Albert Martinez; (bottom L-R) Joey Reyes, Aiza Seguerra, and LJ Reyes happily reveal their New Year's resolutions.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results