PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SRR 13 directors give their opinion on Tikoy Aguiluz's refusal to be credited for Asiong Salonga movie

Direk Tikoy's version of Asiong Salonga may have a special screening.
by Monching Jaramillo
Published Dec 21, 2011
[L-R] Jerrold Tarog, Richard Somes and Chris Martinez share the sentiment of director Tikoy Aguiluz against the producers of Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, but hope the problem is settled amicably.

Umugong ang balitang gustong ipatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang director ng Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga.

Ito diumano ay sa kadahilanang may mga binago sa nasabing pelikula na hindi nalalaman ni Direk Tikoy.

Ang balita, "nabagalan" daw sa pacing ng pelikula sina Governor ER Ejercito, o Jeorge Estregan, na siya ring bida.

Dahil dito, nag-reshoot ng mga eksena sina Governor ER nang hindi ipinaalam kay Direk Tikoy.

Sa nakaraang premiere night ng Shake Rattle & Roll 13 sa Megamall, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon ng tatlong direktor ng tatlong episodes ng successful movie franchise ng Regal Films.

Tinanong sila ng magiging reaksiyon nila sakaling mangyari sa kanila ang inabot ni Direk Tikoy Aguiluz.


DIREK CHRIS MARTINEZ. "Tingin ko, dapat sana hindi umabot sa gano'n. Dapat nag-usap talaga yung director at producer kung ano yung problema ng pelikula," pahayag ng director ng Rain Rain Go Away episode na si Direk Chris Martinez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung hindi happy yung producer, kung ano'ng gustong gawin ng director. Gano'n. Feeling ko dapat hindi umabot sa gano'n."

Patuloy ni Direk Chris, "Actually nakita ko si Tikoy no'ng isang araw. Sabi ko, 'Direk papanoorin ko yung pelikula mo. Excited ako.' Sabi niya, 'Naku hindi ko na pelikula yun.'

"Bakit ano'ng nangyari?" nagpasok naman ng tanong sina direktor Richard Somes at Jerrold Tarog, na katabi lang ni Chris Martinez habang nakikipag-uusap sa PEP.

"Pinapatanggal niya yung pangalan niya," paliwanag si Chris, na ang tinutukoy ay ang pangalan ni Tikoy sa credits ng Asiong Salonga.

"Kasi ginalaw yung... nag-reshoot, 'tsaka nag-re-edit nang 'di siya kasama.

"Malungkot yun, kasi 'pag nangyari yun, parang walang proteks'yon yung director sa material niya."

Puwede kayang idulog ang isyu sa Directors' Guild of the Philipinnes, Inc. (DGPI) para mas mapag-usapan at maayos ang problema?

"Puwede...kung member siya. Member naman siguro si Direk Tikoy," ayon kay Direk Chris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung siya si Direk Tikoy, dudulog ba siya sa DGPI?

"Hindi ko alam. Hindi ko siguro paabutin na sa gano'n?" sagot ni Direk Chris.


DIREK JERROLD TAROG. Bumaling naman kami kay Jerrold Tarog, na siyang director ng Parola episode.

Tinanong ng PEP kung ano ang kanyang masasabi sa usapin.

"Since I have no idea do'n sa actual circumstances, do'n sa actual na pelikula, so I can't speak for him [Direk Tikoy].

"Pero, ako personally, mero'ng limit, e. Yung push and pull na ibibigay mo sa producers and yung vision ng director.

"'Pag lumampas yung limit do'n, that's when I say I have to remove my name from that [movie].

"It depends per project kung ano yung limit na yun. So yun lang. Ewan ko kay Tikoy, pero ako personally, may limit ako."

DIREK RICHARD SOMES. Ang panig naman ng direktor ng Tamawo episode na si Richard Somes ang aming sunod na kinuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako kasi, bottomline, dapat kasi as director, hinire ka dahil they trust you.

"And again, it's a mainstream industry and lahat 'yan may say, 'di ba?

"Pero, hindi dapat umabot sa ganyan na parang anytime na lang, puwede nang pakialaman ang pelikula.

"Ako siguro magri-react din ako no'n. And baka siguro yun din ang puntahan no'n [ipatanggal ang pangalan sa credits ng pelikula]. Just in case.

"Kasi kung gano'n ang set-up, bigla na lang magugulat ka. Kasi at the end of the day, pangalan mo nakataya diyan, e. 'Di ba?

"Pero, ang pinaka-the best na gagawin nila is... ayusin muna nila yan bago lumala.

"Epic kasi yang Asiong Salonga, e," dagdag nito, kaya raw marahil medyo mabagal ang treatment ni Direk Tikoy.

"Dapat sana it all boils down sa madesisyunan nila, e. Give-and-take naman yan, e.

"Hindi naman pwedeng masunod mo lang ang gusto mo. It's an industry... it's a mainstream industry ang pinasok mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling nabalitaan ng PEP ay magkakaroon din ng screening ang orihinal na bersiyon ng Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga ni Direk Tikoy Aguiluz.

Hinihintay rin namin ang panig nina Gov. ER para sa usaping ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
[L-R] Jerrold Tarog, Richard Somes and Chris Martinez share the sentiment of director Tikoy Aguiluz against the producers of Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, but hope the problem is settled amicably.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results