PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 2. Jolo Revilla to seek second opinion in the U.S. about his severe migraines; will take a leave from showbiz

Jolo keeps mum about the still-unresolved murder case of uncle Ramgen Revilla.
by Ruben Marasigan
Published Dec 22, 2011
Jolo Revilla on his severe migraines: "Kapag sumumpong na 'yong sobrang sakit na hindi ko na kaya, ospital agad ang diretso ko. Kasi, masakit talaga. Parang gusto mong iumpog na 'yong ulo mo sa semento. Tapos, nasusuka ako. Gano'n daw talaga 'yon, e."

Ano ba ang katotohanan sa balitang magli-leave muna si Jolo Revilla sa kanyang showbiz commitments, pati na sa kanyang panunungkulan bilang barangay captain sa Bacoor, Cavite?

Ayon kay Jolo, "I will be taking a leave siguro sa showbiz. Pero showbiz lang.

"Tutok tayo sa political career. Tutok tayo sa pagseserbisyo sa bayan."

Bakit kailangan pang iwanan muna niya ang showbiz?

"Siguro kailangan ko munang mag-focus sa mga constituents, e.

"Kumbaga, siyempre kailangang sila 'yong pagtuunan ko ng pansin.

"At sila 'yong mas pinili ko," paliwanag ng actor-politician.

SEVERE MIGRAINE. Walang kinalaman 'yong napapabalitang sakit niya na severe migraine?

"Walang kinalaman 'yong sakit ko.

"Siguro kailangan ko rin ng panahon para magpahinga," sagot ni Jolo.

Pero ano nga ba talaga ang kundisyon niya ngayon? Naba-bother din kasi ang iba, lalo na ang mga tagahanga niya.

Sabi ni Jolo, "Ako, sa akin, okey ako sa nararamdaman ko ngayon.

"Pero siyempre, kailangan ko rin namang asikasuhin 'yong sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit kailangang sa Amerika pa siya sunod na magpapa-check-up at kumuha ng second opinion?

"Siyempre, iyon 'yong...kumbaga sa ulo, e. Severe migraine.

"Kaya mas maganda na ipa-check para sigurado talaga.

"Na walang diperensiya. Walang hemorrhage.

"'Yong sa akin, chronic severe migraine."

Hindi na nito nasagot kung bakit sa Amerika pa pupunta para rito.

Paano ba kapag sinusumpong siya ng pananakit ng ulo?

"Mas madalas na hindi ko na kaya dahil sa sobrang sakit talaga.

"Iba-iba ang pagsumpong, e. Minsan kapag mainit.

"O kaya, kapag sobrang puyat. 'Yong stress.

"Stress-related siya, e.

"Kapag sumumpong na 'yong sobrang sakit na hindi ko na kaya, ospital agad ang diretso ko.

"Kasi, masakit talaga. Parang gusto mong iumpog na 'yong ulo mo sa semento.

"Tapos, nasusuka ako. Gano'n daw talaga 'yon, e.

"Ang migraine daw, parang vertigo. Pero mas malala."

Naba-bother ba siya sa sakit niya?

"Siyempre, nakaka-bother din. Nakaka-bother din," pag-amin ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Hereditary 'yong sakit ko, e.

"Kasi 'yong lola ko, 'yong mama ni Papa, may ganito din.

"Si Papa, may ganito din.

"Pero 'yong sa akin ang malala talaga.

"May medication naman para maiwasan 'yong pagsumpong.

"Pero minsan hindi pa rin maiiwasan, nagti-trigger pa rin."

Patuloy niya, "Matatag naman ako.

"Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman ito gano'n kaseryosong sakit. 'Yon ang pagkakaalam ko.

"Sana hindi. Ang alam ko, hindi.

"Mararamdaman mo naman iyon, e."

Baka naman kailangan lang niya ng inspirasyon o lovelife?

"Baka kailangan ko nga yata ng inspirasyon..ng mag-aalaga!" birong pagsang-ayon ni Jolo.

"Mahirap maging member ng SMC," sabi nito, na ang tinutukoy ay ang sinasabing Samahan ng mga Malalamig ang Christmas.

Wala ba talaga?

"Wala. Wala!" tumatawa-tawa pa ring sabi ng binatang ama.

RAMGEN REVILLA MURDER CASE. Nang matanong naman tungkol sa kaso hinggil sa pagpatay sa tiyo niyang si Ramgen Revilla, ang tanging naging pahayag ni Jolo ay:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually, para sa akin, ipagdasal na lang nating lahat 'yan.

"Ayokong magsalita tungkol do'n. At wala ako sa posisyon para magsalita do'n."

Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, Ramgen Revilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Revilla on his severe migraines: "Kapag sumumpong na 'yong sobrang sakit na hindi ko na kaya, ospital agad ang diretso ko. Kasi, masakit talaga. Parang gusto mong iumpog na 'yong ulo mo sa semento. Tapos, nasusuka ako. Gano'n daw talaga 'yon, e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results