Sa halos tatlong taong pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang mag-asawa, iba't ibang pagsubok at intriga na ang kanilang kinaharap at nalampasan.
Kahapon sa Showbiz Central, isinawalat nila kung paano nila napananatiling matatag ang kanilang pagsasama.
Personal na ininterbyu ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez ang mag-asawang bida sa My Househusband: Ikaw Na!, na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival 2011 ngayong Disyembre.
Unang napag-usapan ang pagiging sexy and slim ngayon ni Juday, na siyang palayaw ni Judy Ann.
Itinanong ni Raymond kung paano inalis ni Judy Ann ang sobra sa kanyang timbang matapos nitong ipanganak si Lucho.
"Diet at 'tsaka exercise. Malaking factor talaga yung exercise.
"And, of course with Ryan, around, supportive siya kasi [sa pagpapapayat ko]."
Sa kanilang buhay mag-asawa, sino ang unang nagpapakumbaba kapag nagtatalo sila?
"Ako," ang tumatawang sagot ni Juday.
"Kasi hindi ko kaya yung matagal na... lalo na kung ako yung may kasalanan.
"Pero, kapag nasa somewhere in between yung isyu namin, deadma lang kami pareho, kumbaga.
"'Bahala ka kung kailan mo ako gustong kausapin!'
"Mabait siya, yung mabait talaga. Hindi naman siguro maipagkakaila yun," pagtukoy niya sa asawang si Ryan.
Sabad naman ni Ryan, na tumatawa, "So lately, I've been trying to be nicer and it's working naman. Pero kasi, baka manibago."
"Finish these sentences and explain the answer" portion naman ang isinunod ni Raymond sa mag-asawa.
Kapag mainit ang ulo ng asawa ko, I would...
"I would go to the den and play video games," ang tumatawang sagot ni Ryan.
Ayon naman kay Juday...
"Depende. Kapag sa akin siya may isyu, aalis ako ng bahay, magpapa-spa, magpapaganda, magdyi-gym."
And after ilang oras, okay na ulit?
"Depende sa isyu. May isyu kasi na pang-matagalan e," pahayag pa ni Judy Ann.
IT'S STILL YOU! Bakit hanggang ngayon, si Juday pa rin para kay Ryan at vice-versa? Kasi...
Sagot ni Judy Ann, "Kasi marami akong natututunan. Kakuwentuhan ng malalim at kuwentuhang mag-asawa.
"Ang dami kong natututunan sa kanya, na pakikisama, pakikipag-usap sa mga tao. At mas may confidence ako talaga now," ang sagot ni Judy Ann.
Ang sagot naman ni Ryan ay...
"Kasi wala ka nang hahanapin pa!"
The best Christmas gift that I can receive mula sa asawa ko ay...
"Got it already! I have a beautiful family, so i-enjoy ko, for the second year ang aking baby boy," sagot ni Ryan.
"Matagal naman na niyang ibinigay sa akin yun. Yung support talaga sa lahat ng bagay.
"Not just in terms of being a partner in my career, kundi as a friend, as a husband, as a BFF [Best Friend Forever].
"Yung support na makukuha mo sa iba't ibang tao, siya lang yun for me," ang pahayag naman ni Judy Ann.
What about a Christmas gift that you can wrap?
"Myself," ang mabilis na sagot ni Judy Ann na tawa nang tawa.
NEXT BABY? Plans of having another baby...
"Napapag-usapan, napapag-usapan," ang pahayag ni Juday.
"Kapag nakikita mo kung gaano kagaganda yung mga anak mo, ang automatic is, you really want to make another one, 'di ba?
"Pero, in reality you really have to raincheck, e.
"Ask us again next year, baka 'pag tinanong mo ako by 2012, maaaring buntis [na] ako nun," at muling tumawa si Juday.
Pero, sayang naman ang kaseksihan ni Judy Ann ngayon kung magbubuntis siyang muli?
"Oo, ini-enjoy pa niya," pagtatapos ng aktres na panay pa rin ang tawa.
