Andrea del Rosario posts landslide victory as Calatagan, Batangas vice mayor

May 14, 2016
<p>Andrea del Rosario took to her Facebook account to express her gratitude to her constituents in Calatagan, Batangas for her landslide victory as vice mayor: "Mahal Kong Mga Calataguenos,lalo Na sa lahat Ng BPC's. Salamat sa inyong sacripisyo at pagtiti

Mabilis na naproklama bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas ang former Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario.

Noong nagsimula ang bilangan noong May 10, malaki na agad ang naging lamang ni Andrea sa kanyang mga naging kalaban for vice mayor.

Kaya kinabukasan, May 11, ay naproklama siya agad.

Sa kanyang Facebook page ay nagpasalamat ang aktres sa mga sumuporta sa kanya sa bayan ng Calatagan, lalo na sa naging running mate niya na si Ms. Lenie Caisip Pantoja na dating vice mayor ng Calatagan.

“Mahal Kong Mga Calatagueños,lalo na sa lahat ng BPC's. Salamat sa inyong sacripisyo at pagtitiwala. Bagamat Hindi Ko kasama Ang karamihan sa aking partido, lalo Na Ang ating sinuportahang mayor, Gagawin Ko Ang aking tungkulin bilang bise alkalde (vice mayor) nyo sa abot Ng aking makakaya.

“Sa ngalan Ng team "aruga at asenso", at sa aking naging partner sa Laban Na Ito , with the  heart, courage and determination na lubusang matulungan Ang ating Mga kababayan....respect.......ms.  Lenie Caisip Pantoja.

Continue reading below ↓

“Ang naging Laban Na Ito ay para sa inyo.

“Kayo po Ang panalo!

“Congratulations Calataguenos! Congratulations sa ating Mga Pilipino!!!! 

“Sa Mga naging katungali, tayo po ay magkaisang muli sa ikagaganda at ika uunlad Ng calatagan.

“Salamat po! Andrea Del Rosario, Vice Mayor of Calatagan, Batangas 2016”

PLANS. Inamin ni Andrea na noong alukin siyang tumakbo for vice mayor ay nagdalawang-isip siya.

Continue reading below ↓

Wala kasi siyang background sa politics at alam lang niya ay ang magpatakbo ng negosyo at ang umarte sa TV at pelikula.

Pero dahil sa pag-iikut-ikot niya sa Calatagan dahil sa kanyang mga charity works, nakita niya na kailangan nga ng malaking pagbabago sa naturang bayan.

Maraming naiisip si Andrea na proyekto para sa mga kababaihan at sa mga kabataan ng Calatagan. Maraming pagbabago ang kailangan ng kanilang bayan para mabigyan ng trabaho ang mga tao roon.

Kaya iyon ang nagtulak kay Andrea na pasukin ang politics.

Kaya ang naging slogan ng kanyang partido ay “aruga at asenso.”

Noong manalo nga si Andrea, hindi niya maiwasan na maalala ang sinabi sa kanya noon ng kanyang yumaong ama na balang-araw ay magiging leader siya ng kanilang probinsya.

Heto ang naging throwback post ni Andrea sa Facebook:

“I still remember , when we were at the balcony of our house.........years ago when you said "someday, you should run for office so you can help a lot of people".  if only you are alive to see our victory....but I know you are looking down from heaven and giving me the thumbs up! Thanks paps! #dutertemoment  #dilanganghel #rippapa #thanksforthewin”

Continue reading below ↓

Pero nakamit man ni Andrea ang tagumpay, hindi naman daw lahat ay masaya sa pagkapanalo niya.

CALL FOR UNITY. Noon pa man ay may mga naririnig na ang aktres na mga kuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang isang tumatakbong vice mayor. Hindi naman daw mawawala ang mga gano’ng batikos sa kanya kaya pinagdarasal na lang niya ang mga ito.

Continue reading below ↓

Ngayon ay hangad lang ni Andrea at ng kanyang mga kasama ay magtulungan at magkaisa sa pag-asenso ng kanilang bayan.

Heto ang post ni Andrea sa Facebook:

“Nalulungkot po Ako Na Sa loob pa ng partido, pati rin Mga naging katungali, maraming siraan.

“Sana po itigil Na po natin Ito. Pinilit po ng lahat Manalo Sa abot ng ating makakaya. Ilang buwan, at taon. Para Sa iisang hangarin.

“Ang maipaabot Ang tamang "aruga at asenso" para Sa ating Mga kababayan. Maraming, oras, panahon Sa ating Mga pamilya at resource Ang nagamit.

“ALAM Kong mataas pa Ang emotion ngayon dahil Sa nangyari. Pero, sana naiintindihan natin Na Kailangan din lahat magkaisa para din Ito Sa Atin at ating Mga pamilya.

“Sana po wag nating kalimutan Kung Ano po Ang ipinaglalaban ng team  "aruga at asenso".

“Hindi Ito Laban ng isang kandidato, Laban Ito ng  mamamayang pilipino Na hirap Sa buhay at Kailangan matulungan.

Continue reading below ↓

“Sana itigil Na natin Ito at magkatulungan.......”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Andrea del Rosario took to her Facebook account to express her gratitude to her constituents in Calatagan, Batangas for her landslide victory as vice mayor: "Mahal Kong Mga Calataguenos,lalo Na sa lahat Ng BPC's. Salamat sa inyong sacripisyo at pagtiti
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results