PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deaths in December

Tyron Perez's family confirms that the actor committed "suicide."
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2011
Sa pagpanaw ni Tyron Perez (top, left), ginunita ang biglaang pagkamatay din nina Alfie Anido (bottom, left) at Stella Strada sa buwan ng Disyembre.

May mga nagsasabi na mataas ang suicide rate sa buwan ng Disyembre dahil sa holiday depression at ang tinatawag na Christmas blues.

Ito raw ang nangyayari sa mga tao, partikular na ang mga nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang pagpapakamatay ni Tyron Perez noong December 29, sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili, ay isang malaking balita sa showbiz.

Sa unang gabi ng wake nito, kinumpirma mismo ng kanyang asawang si Liv Espino na "suicide" ang cause of death ng aktor.

Marami ang nalungkot dahil nagawa ni Tyron na kitilin ang sariling buhay, samantalang marami ang mabibigat ang karamdaman ngunit ginagawa ang lahat para humaba pa ang kanilang pamamalagi sa mundo.

Hindi si Tyron ang kauna-unahang showbiz personality na nagpakamatay sa buwan ng Disyembre.

Namatay rin sa sariling kamay ang dating matinee idol na si Alfie Anido noong December 30, 1981.

Kontrobersyal ang biglaang pagpanaw ni Alfie dahil may mga nagsasabing hindi siya ang bumaril sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, pinatay si Alfie ni Jack Enrile dahil sa pananakit nito kay Katrina, ang girlfriend ng una at kapatid ng huli.

Kilala ang magkapatid na Jack at Katrina bilang mga anak ni Juan Ponce Enrile, isang senador ngayon, ngunit nang mga panahong iyo'y defense secretary ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos.

Ngayon ang ika-30 anibersaryo ng kamatayan ni Alfie.

Nito lang unang linggo ng Disyembre, humarap sa entertainment press si Jack para linawin ang umano'y urban legend na nagdadawit sa kanyang pangalan sa maagang pagkamatay ng aktor.

House Representative na ngayon si Jack, at sa ginanap na presscon, ikinuwento niya ang buong pangyayari.

Sa madetalyeng kuwento ni Congressman Jack, patay na si Alfie nang dumating si Jack sa tahanan ng aktor sa Bel-Air, Makati City.

Mapapatunayan raw ito ng mga saksi na naabutan niya sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Congressman Jack na nagdesisyon siyang magsalita—makalipas ang 30 taon—para matapos na raw ang mga haka-hakang nagdadawit sa kaniya at nang magkaroon na raw ng closure ang kontrobersiyal na pagkamatay ni Alfie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, headline sa mga diyaryo noong Disyembre 1984, ang suicide ng sikat na sikat na sex symbol noon, si Stella Strada.

Si Stella ang pinakamainit na sexy star nang mga panahong iyon. Liban kasi sa alindog ng batang-batang katawan nito, napakaamo ng kanyang mukha.

Natagpuang patay si Stella nang nakabitin sa loob ng kanyang closet.

Kasabay ni Stella na nagpakamatay ay ang isang gay friend niya.

Ang petsa ay December 28, na kilala bilang araw ng Niños Inocentes.

Sa kabila ng sobrang kasikatan niya noon, hindi maligaya si Stella, at pinatunayan ito ng kanyang suicide note kung saan nakasaad, "Walang nagmamahal sa akin..."

Para may ideya ang henerasyon ngayon sa popularidad ni Stella, nagsasara noon ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng kanyang mga sexy movies dahil hindi na ma-accommodate ang napakaraming taong gustong manood.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagpanaw ni Tyron Perez (top, left), ginunita ang biglaang pagkamatay din nina Alfie Anido (bottom, left) at Stella Strada sa buwan ng Disyembre.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results