Jake Cuenca’s goal for 2012—to win an acting award

Jake Cuenca was nominated Best New Wave Actor for his role in HIV. However, it was fellow Kapamilya actor JM de Guzman who took home the award for his role in Pintakasi. Jake said he was disappointed about not winning the award, but he was happy for JM:

"Na-disappoint ako, pero, ang saya ko para kay JM. Ang tagal din namang naghintay ni JM sa pagkakataon na yun at lahat naman ng meron si JM ngayon


Naging bahagi na ng buhay ni Jake Cuenca ang pagsi-celebrate ng kanyang kaarawan sa paboritong charity, ang CRIBS.

Ginawa niya ito nuong December 29, isang araw bago ng kanyang 24th kaarawan sa December 30.

At sa kinagabihan naman, ang oras ni Jake ay nilalaan naman niya sa kanyang mga fans, ang "ijakes" na ang karamihan ng miyembro ay nasa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa ginanap na pa-birthday niya sa Chili’s Greenhills sa San Juan.

"Sa Cribs, four years straight na rin. Sa fans ko, it’s been every year, since nagkaroon ako ng fans," aniya.

’’Yung sa Cribs, ang saya. I can’t explain ang nakukuha ko out of going there, doing charity.

"Yung sa akin lang naman, at least, ang ganda-ganda ng feeling na umuwi ka ng bahay, nagawa mo ang good deed for the day.

"Nakapagpasaya ka ng mga bata. Iba ang feeling. Sa akin nga, parang iniisip ko, dapat dalasan ko.

"I did a lot of charity work this year, tulad ng sa CDO, pero, parang gusto ko pang dalasan. Parang nakukulangan pa ko."

Very thankful si Jake pagdating sa kanyang mga fans. Nakita rin namin ang generosity at suporta ng mga ijakes sa kanya.

Ayon kay Jake, "Alam niyo, bukod sa mga regalo na ibinibigay nila sa akin, yung effort lang na every year, yung ginagawa nila sa akin, sobrang overwhelming kasi...

"Sobrang na-appreciate ko talaga lahat ng ginagawa nila at ang hinihingi lang nila sa akin ay maging mabait sa kanila.

"Pangalawa, umarte ng tama.

"Kaya mas nai-inspire talaga ako na galingan kasi, sobrang konti lang ng hinihingi ng fans ko," aniya.

"Gusto lang nilang suportahan ang proyekto ko na magiging proud sila.

"So, gusto ko, kada-sampa ko sa pelikula, soap-opera, gusto ko na maipagmalaki nila na fans sila ni Jake Cuenca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin naman, yun ang nakakapag-motivate sa akin.

"Magising ng umaga. Magpuyat hanggang umaga sa kaka-trabaho dahil sa suporta nila at pagmamahal nila sa akin."

A GOOD YEAR. Masaya at feeling blessed naman daw na iiwan ni Jake ang taong 2011.

Aniya, "Masaya at sobrang busy siya na year. Marami akong na-experience na life-changing experiences.

"Nagsimula ’yan siyempre sa In The Name of Love na nag-blockbuster... si Direk Olive Lamasan ang direktor.

"Talaga namang lumabas ako ng pelikulang yun na ibang artista.

"Ang dami kong natutunan. Para akong nag-eskuwela sa kanya dahil one year-and-a-half namin ginawa ang pelikulang ’yan.

"So, para akong nag-one year course of acting.

"Yung indie film na HIV, noong una, hindi ko pa naramdaman ang benefit ng movie.

"Pero nitong latter part of the year, saka naman bumalik.

"Nanalo [ito] ng Best Advocacy movie sa FAMAS. Nanalo rin na gender-sensitivity award sa MMFF at na-nominate pa akong Best Actor, so, talagang nakakagulat yun."

Bukod pa sa mga nabanggit ni Jake, nilista pa niya ang ilan sa magagandang nangyari sa kanya sa taong 2011.

"Marami rin masayang moments. Nagawa ko ang My Neighbor’s Wife.

"Naka-trabaho ko si Dennis Trillo na best friend ko.

"Siyempre, na-fulfill ko na rin ang contract ko sa Regal. Pero magre-renew rin ako sa kanila but I want to alternate rin yung paggawa ko ng movie sa Regal at Star Cinema.

"Then of course, Green Rose. Masaya rin ako na naka-trabaho ko si Jericho [Rosales]. Ang dami ko rin na natutunan kay Echo, kay Anne [Curtis].

"At ngayon, nasa proseso ako ng paggawa ng bago kong soap, ang DOHA (Kung Ako’y IIwan Mo).

"Masaya rin ako sa project na ito kasi, balik-tambalan namin ni Shaina Magdayao. At mas excited ako kasi, ibang Shaina ang ipinapakita niya rito."

GOAL FOR 2012. Ngayong papasok naman daw ang taong 2012, gusto lang din ni Jake na ituloy kung ano na ang mga nagawa at nasimulan niya ng 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kahit medyo napatunayan ko na kaya kong maging versatile actor and portray roles na hindi talaga ako, gusto kong i-solidify ang sarili ko on a bigger scale.

"Kumbaga, kung ngayon, kahit paano na-prove ko na may kaya rin ako, sa 2012, gusto ko sana na ma-prove rin na hindi mali ang hinala niyo, hindi haka-haka lang."

Does he want to win an award in 2012?

"Sino ba naman ang artistang ayaw na ma-recognize [at] mapuri, ’di ba?"

Is he disappointed he did not win Best New Wave Actor award for HIV?

Nandoon si Jake sa MMFF awards night, pero ang kapwa niya Kapamilya actor na si JM de Guzman ang nanalo for his role in Pintakasi.

Naging honest naman si Jake, "Sasabihin ko naman ang totoo. Siyempre, noong pumasok ako ng Resorts World, nakita ako ng mga tao, kino-congratulate [na ako].

"Pero sa loob ko naman... wala nga akong speech noon. It’s more on bahala na si Batman.

"Ang sa akin lang, nandoon ang disappointment siyempre, nang ibang pangalan ang tinawag.

"Sabi ko na lang, hindi ko pa panahon. Tulad nga ng sabi ko, para at least, 2012, meron na akong gustong marating at meron talaga akong goal.

"Na-disappoint ako, pero, ang saya ko para kay JM. Ang tagal din namang naghintay ni JM sa pagkakataon na yun at lahat naman ng meron si JM ngayon, he deserves it.

"Sabay kaming nagsimula sa GMA, sabay kaming naghintay nang matagal."

LOVE LIFE. Naging kontrobersiyal naman ang love life ni Jake sa taong ito dahil sa breakup nila ni Melissa Ricks.

Kumusta na nga ba ang kanyang love life?

Nangiting sabi naman ni Jake, "Nakikipag-date naman ako. Pero sa ngayon nga lang, I’m happily single.

"After my last relationship, ang tagal, two years kami. Bago no’n, one year-and-a-half.

"So, konting hinga-hinga lang. Ako naman, hindi ko naman pipigilan ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nakilala ko na ang gusto kong babae talaga at alam kong mamahalin ko, feeling ko talaga, this time around, mas mature na ako...

"Natutunan ko naman lahat ng pagkakamali ko, pagkukulang ko. Siguro, kapag may pinasukan akong relationship, yun na yun. "

Dugtong pa niya, "Happily single lang talaga ko at malaking bagay lang din na nandito ang pamilya ko.

"Siyempre, noong panahong lonely ka, gusto mo palaging may kasama.

"Pero ngayong nandito na ang pamilya ko, mas madaling mag-cope at mag-solo.

"At na-e-enjoy ko talaga. Imagine, I’m single and may sarili na akong tinitirhan ngayon.

"I have [my whole life] ahead of me. At nag-e-enjoy ako sa trabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN