Tyron Perez wanted a reunion of StarStruck batch 1 but everyone was just too busy

Hiningan ng mensahe para sa yumaong Tyron Perez ang mga ka-batch nito sa StarStruck. Ang mensahe ni Alvin Aragon...

"Sana dapat natulungan ko siya, yung gusto niyang mag-reunion. Iyon sorry, sorry sa kanya, sana natulungan ko siya para at least nagkaroon kami ng opportunity na makapag-usap makapag-share kung anuman ang mga nangyari."


Live na nag-guest sina Mark Herras, Sheena Halili, Christian Esteban, Alvin Aragon at Yasmien Kurdi sa Startalk TX kahapon, Sabado, December 31 at naka-phone patch naman si Jennylyn Mercado.

Ito ay may kinalaman sa pagkamatay ng kasamahan nila sa StarStruck na si Tyron Perez.

Noon daw September ay nagyayaya si Tyron ng reunion ng batch 1 at sina Yasmien at Sheena ang kinokontak nito.

Ayon kay Sheena...

"Hindi ako sure kung September iyon pero kasi kakatapos lang ng birthday niya nun so parang ganun. September 14 yung birthday niya.

"Tumawag siya sa akin tapos sabi niya ’Uy, kapatad,’ kasi Kapampangan kaming parehas, ’Uy, kapatad magkitakita naman tayo, mag-renunion naman tayo, drawing naman kayo,’ sabi niyang ganun, ’Magkita-kita naman tayong batch 1 gusto ko na kayong makita,’ iyon yung sabi niya sa akin."

Hindi naman daw malungkot si Tyron noong kausap ni Sheena that time.

Ayon naman kay Yasmien...

"Friend ko rin si Liv, yung wife niya, so marami kaming common friends ni Liv so okay naman sila, okay naman sila together, wala naman silang problem.

"Actually November nasa Abu Dhabi siya, in-invite niya ako pumunta doon with him kaso may klase ako, may duty ako."

Nursing student si Yasmien ngayon.

"Si Tyron, okay naman po, I mean, wala po kaming makikitang tendency na mag-suicide or anything pero nung nangyari nga po iyon lahat kami nagulat, wala naman pong hindi nagulat," sinabi pa ni Yasmien.

Sinabi naman ni Jennylyn na...

"Si Tyron po kasi ang pagkakakilala ko diyan talagang tahimik lang yan, e.

"Palangiti, masayahin, tapos parati lang nakangiti pag makakasalubong mo, magha-hi sa yo, nakangiti yun, parang very positive yung aura niya parati pag nakakasalubong namin siya."

Matagal na raw na hindi nakakausap o nakikita ni Jennylyn si Tyron.

MISSING HIS BEST FRIEND. Nagkaroon naman recently ng dinner sina Tyron at Christian at iba pang avengers na sina Jade Lopez at Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Christian...

"Mga six months ago, or four months I think. Ang sabi ni Tyron, ’Oh dinner tayong lahat!’

"It was supposed to be a reunion for everybody but I dunno, everyone’s... lahat tayo busy so kami ni AA [Cristine Reyes] tsaka si Jade and then iyon super-masaya si Tyron, he was full of jokes, laughs, energy.

"Nami-miss ko siya."

Nang tanungin naman si Mark kung totoong minsan ay binibigyan niya ng financial help si Tyron, sinabi ni Mark na...

"Ayoko na pong sagutin yung tungkol dun. Pero ang last time na nagkausap kami ni Tyron yung nagpunta po ako sa Dubai, iyon din po yung time na namatay si Marky [Cielo].

"Tapos nagkausap kami, sabi niya [Tyron], ’Oh andiyan ka pala, andito rin ako. Hindi tayo nagkita.’

"Nandun siya kasama yung wife niya, sakto naman pauwi na po ako tapos nag-stay pa siya for like mga one or two weeks po.

"Tapos iyon nga po yung sa reunion na, nung inaayos namin, gustung-gusto niya talagang magkaroon ng reunion yung batch 1.

"Ang naging problema lang po, ako actually. Sila makakasama, ako naman po kasi busy sa trabaho po talaga so iyon po yung last na time na nagkausap kami actually ni Jojo [Tyron’s real name]," ang kuwento ni Mark.

Sinabi naman ni Alvin na...

"This year po tumawag din siya sa akin e, pero hindi ko na ma-remember kung anong buwan yun, e.

"Tumawag siya sa akin parang ganun din, nagyayaya siya ng reunion. Masaya naman siya, wala namang... parang hindi namin alam na meron siyang dinadalang problema."

Sa batch nila ay kay Christian pinaka-close si Tyron.

"Lahat po kami close po pero during StarStruck days, he’s like my best friend po."

SAD NEWS. Nasa Zambales si Christian noon, sa hometown ng ama niya, nang mag-text sa kanya ang isa pa nilang ka-batch sa StarStruck na si Nadine Samonte tungkol sa nangyari kay Tyron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Alvin...

"Bale around mga 11 p.m. ng gabi, nagbabasa ako [nang] tinawagan ako ni Sheena.

"Siya nagbalita sa akin, nabasa nga daw sa Twitter. After niyang tumawag sa akin, tumawag din sa akin si Yasmien.

"Sabi ko nga sa text, kasi nga baka hindi pa sigurado kasi nabasa lang sa Twitter.

"So parang sabi ko sa kanila, ’Ipag-pray natin na hindi totoo!’

"Kasi nga nabasa lang sa Twitter pero nag-text si Sheena, sure nga daw, tsaka tumawag ulit si Yasmien. Nakakagulat!"

Kay Nadia Montenegro raw unang nalaman ni Mark ang pangyayari.

"Ako po, nag-text sa akin si Tita Nads, sinabi nga po na ’May nangyari daw, namatay daw si Tyron Perez. Confirm mo, may number ka ba niya?’

"Kasi po naging alaga siya before ni Tito Dougs [Douglas Quijano], so finorward po sa akin yung number ni Tyron tapos pauwi po, ihahatid ko po si Ynna [Asistio, Nadia’s daughter and Mark’s girlfriend] sa kanila.

"Tinatawagan ko yung number ni Tyron mga thrice, wala hong sumasagot.

"Tapos ayun na po, marami na pong nagtawagang mga non-showbiz and showbiz na tao na totoo na daw po.

"So tinawagan ko si Sheena, si Alvin, si Yasmien tinext ko, iyon po."

Ang naging first reaction naman ni Jennylyn sa pagkamatay ni Tyron ay...

"Siyempre nagulat pero naisip ko rin na baka haka-haka lang, kasi di ba usually marami naman talaga yung mga nagkakamali or mga tsismis lang, ganyan.

"Pero the first person na tumawag sa akin nung time na yun, si Nadine Samonte.

"Naalala ko yun, basta gabi yun, sabi niya sa akin, ’Jen, nabalitaan mo ba? Patay na si Tyron!’

"Sabi ko, ’Ha? Bakit? Paano?’

"Ganyan ang dami kong questions. Sabi niya, ’Yung details to follow.’

Hindi pa nila alam yung kumpletong detalye kung bakit nangyari, ganyan.

"Sabi ko ’Balitaan mo ako, please, ha?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos iyon nabasa ko na sa Twitter, ang dami ng mga balita, mga news, kinabukasan na lumabas lahat."

Hapon naman nung unang nalaman ni Yasmien ang balita.

"Hindi ako naniwala, nalaman ko kay Rey Pumaloy, tumawag po sa akin, tapos sabi ko, ’Sigurado ba kayo?’

"Hindi ako naniniwala, at first hindi talaga ako naniniwala. Sabi niya, nasa Facebook. Tapos sabi ko, ’Ha, hindi nga?!’

"Tapos may mga nag-a-RIP na, ’Rest In Peace’ kay Jojo, sabi ko, ’Teka lang, teka lang, ha?’

"Tapos tumawag ako kina Daniel, yung mga non-showbiz friends po ni Tyron na friends po ng asawa niya.

"Sabi ko, ’Uy, tawagan ninyo naman si Liv, yung asawa niya, tingnan ninyo yung roster niya kung naka-leave ba siya sa Pilipinas o hindi? Alam na ba niya ito o hindi pa?’

"Nung tiningnan namin, naka-leave naman, nandito siya sa Philippines so ayun tapos tumawag na ako sa lahat.

"Sabi ko ’Uy ano, namatay si Tyron!’ ganyan ganyan, so ayun nagulat talaga ako, talagang gulat na gulat ako."

Nang tanungin si Sheena kung bakit laging si Tyron ang nagyayaya ng reunion nila ng batch 1...

"Hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin alam.

"Tuwing magte-text siya... naiinis nga ako kasi kailan lang, this month lang, dinelete ko lahat ng messages ko sa phone ko so sabi ko sana nakita ko kung ano talaga yung date kami nagkausap.

"Pero iyon talaga ang nire-request niya. Magtu-tweet man yan sa akin, iyon din ang nire-request niya, ’Sheena magkita-kita naman tayo.’

"Sabi ko nga sa kanya ayusin niya yung reunion, ayan inayos niya, nagkita-kita nga kami..."

Tinanong naman si Yasmien kung aware ba siya kung may pinagdadaanan ngang problema ang mag-asawa, since kaibigan niya pareho sina Tyron at Liv?

"May nabanggit po si Tyron before but siyempre personal stuff nila yun pero it’s nothing serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na sa mag-asawa, it’s just a normal stuff po na pinag-aawayan din minsan at pinag-uusapan, pero they’re happy they’re happy in love.

"Okay po sila."

MESSAGES FOR TYRON. Hiningan ng mensahe ang mga kaibigan ni Tyron para sa yumaong young actor.

"Bro, you know I love you very much and gusto ko lang sabihin sa ’yo, goodbye, and all our memories together will be cherished forever in my heart," ang emosyonal na pahayag ni Christian na best friend ni Tyron.

"If you’ve met Tyron alam ninyo na hindi ganito siya, he was just...

"Lahat tayo tao, tao lang tayo, we all have problems and we all go through things pero he was in a dark place...

"He needed somebody, he needed a friend so Tyron wants us to be happy alam ko yun and I bet you anything in the world he wishes to be here today.

"Ang message ko para sa family niya is keep praying po. Don’t ever... yung mommy ni Tyron, don’t ever feel guilty kasi po you did a great job, you have a wonderful son and [in] time, just let it heal po. Through prayer, through faith, through hope, keep praying.

"Tyron will have a place in our hearts always, all of us here today and I love him very much," ang sabi ni Christian.

Madamdamin rin ang naging pahayag ni Sheena...

"Koyang, message ko kay Tyron, sana nung pinipilit mo yung reunion, sana tinanong kita kung kumusta ka na iyon kasi ang saya-saya nung boses mo, ayun.

"Kaluguran daka. Wala akong kuya ikaw ang kuya ko kahit nagkalayu-layo na tayo ngayon na wala ka na at nire-request mo ang reunion na yan.

"Sana gagawin namin ang lahat para mabuo ang batch 1 yung request mo gagawin namin yan."

Ang iyak nang iyak na pahayag naman ni Yasmien...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nagpo-post siya sa wall ko ng reunion pero parang... sabi nga niya sa akin ayusin ko daw pero parang hindi ko siya inayos nang maigi.

"Wala lang, parang feeling ko, sorry kung hindi ko... ewan ko ba. Sana ewan ko, sana hindi nangyari lahat ng ito. Sana buu-buo kami, di ba?

"Kung nasaan man po siya, sana okay siya, ewan ko ba. Ipapanalangin ko na lang po siya."

Ang mensahe naman ni Mark...

"Jo, nasa Itaas ka na kasama mo na si God, maalagaan ka diyan, kung anuman yung nangyari, kung anuman yung nangyari ngayong taon na ito at iniwan mo kaming lahat, siyempre hindi kami natuwa dun at huwag kang mag-alala, lalabas din yung totoo at kung sinuman at kung anuman ang may kasalanan niyan may karma yan.

"At sa family po magpakalakas po kayo at nandito lang po yung batch 1 para kay Tyron. Jo, ingat!"

Ang mensahe naman ni Alvin...

"Sana dapat natulungan ko siya, yung gusto niyang mag-reunion. Iyon sorry, sorry sa kanya, sana natulungan ko siya para at least nagkaroon kami ng opportunity na makapag-usap makapag-share kung anuman ang mga nangyari.

"Then sa family po niya, masakit po talaga iyon, so ang message ko para sa kanila huwag masyadong magpadala sa ganung emosyon kasi baka maapektuhan din sila."

And still via phone patch, ang mensahe ni Jennylyn...

"Sa pamilya po ni Tyron, unang-una my sincerest condolences. Sana ma-overcome nila yan kung anuman yung pinagdadaanan nila ngayon.

"I’m sure lilipas din yan and sana kayanin nila at nandito lang kami, bukas ang mga puso namin at siyempre nandito kaming lahat ng batch 1 para suportahan sila.

"At kung anuman ang maitutulong namin, nandito lang kami, welcome naman sila at sana malagpasan nila ang lahat ng mga pagsubok na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN