Ervic Vijandre shares his New Year’s resolution: "Gusto kong maging mas disiplinado pa ako."

Ervic Vijandre says he wants to be more disciplined, focused and cool this year.


Ang New Year’s resolution ni Ervic Vijandre for 2012...

"Ang New Year’s resolution ko? Ano ba? Iniisip ko pa," ang natatawang sagot ni Ervic na isa sa main cast members ng Kokak ng GMA-7.

Ano ba sa tingin niya ang ginawa niya noong nakalipas na taon na hindi masyadong maganda?

"Tinitimbang ko pa kung ano yung pinakagusto kong anuhin kasi e, so parang...

"Gusto ko kasi pag sinagot ko yan, pare-parehas ang isasagot ko sa iba, di ba? E kasi ngayon undecided pa ako kung ano yung babaguhin ko, e."

Sa kapipilit namin, sinabi na rin ni Ervic sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang hindi kagandahang ugali niya na gusto niyang baguhin ngayong Bagong Taon.

"Okay, kasi gusto kong maging mas disiplinado pa ako.

"Parang... matulog nang mas maaga kapag may trabaho kinabukasan.

"Kasi minsan pag meron kasing mga invite ng mga kaibigan ko minsan kasi hirap akong mag-no, e.

"So iyon yung isa sa mga gusto kong baguhin. Tapos yung isa pa, mas maging focused sa mga gusto kong mangyari."

Mas naging focused ba siya sa love kaysa sa career niya nitong nakaraang 2011?

"Hindi naman.

"Ano pa ba ang gusto kong baguhin? Ah, gusto kong maging mas cool pa ako.

"Kasi siyempre may mga times na medyo... ayun gusto kong maging mas cool ako this year."

And since katatapos lamang ng Pasko, tinanong namin si Ervic kung ano ang kanyang Christmas wish.

"Christmas wish ko secret, e. Gusto ko kasi matupad. E, di ba pag sinabi mo, hindi matutupad? Sa career and personal kasi," pahayag pa ni Ervic.

MEMORABLE CHRISTMAS. At sa tanong kung ano ang most memorable niyang Christmas...

"Pinaka-memorable ko yung Pasko ko noong 2010.

"Kasi unang-una, sobrang masaya ako dahil kakatapos lang ng Survivor noon; maraming doors na nag-open, ganun.

"December 3 natapos ang Survivor last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos Pasko, maraming doors na nag-open bukod sa naging blessing ko yung Survivor."

At ayon pa kay Ervic...

"Isa din yun sa pinakamalungkot na Pasko ko."

Bakit?

"Ah ano ba... paano ko ba sasabihin? Basta ano...

"E, kasi iyon yung time na naungkat ulit yung, di ba, I was trying to move on tapos parang naging isyu na naman dahil sumali nga ako ng reality show [Survivor].

"So naungkat na naman ang mga bagay-bagay sa dati kong relasyon, so medyo bumalik ng konti yung emotions, parang ganun, alam mo yun?"

Ayaw niya yun? Hindi siya natuwa nung naungkat muli?

"A hindi naman sa hindi natuwa, siyempre kahit papaano, kahit anong sabihin ko malaking part na ng buhay ko iyon, e.

"Kasi seven years, almost eight years na relasyon iyon so malaking part yun ng pagkatao ko.

"Kaya lang, yung memories nung hiwalayan, nung pagtatapos ng relasyon na yun.

"Medyo nung naungkat nalungkot na naman ako, na-realize kong mag-isa ulit ako pala, parang ganun.

"Ayun, siyempre parang nasa stage ako nung ano, pag-move on, so medyo one step backward ulit ang nangyari."

How did he get over it?

"Ayun na-get over ko na lang yun dahil sa sabi ko nga, mga bagong doors na nag-open.

"So iyon, nag-focus ako sa trabaho, bagong trabaho, natuto akong kumanta, natuto akong sumayaw, natuto akong umarte, na never ko namang ginawa sa buong buhay ko.

"Dahil kasi nga kabataan ko puro ano lang ako, athlete ako, di ba, so never kong na-imagine ang sarili ko na kakanta ako or aarte ako or eto, magsasalita ako sa maraming tao.

"Dati modeling lang, kaya ako nag-enjoy sa modeling kasi iyon yung naglalakad ka lang, hindi mo kailangang magsalita, hindi mo kailangang mag-smile.

"Sobrang nag-enjoy ako na meron pa palang iba akong puwedeng maipakita.

"Ngayon sobrang nag-e-enjoy ako sa acting. Malaking bagay nga ito, itong mga trabahong naibigay sa akin, mga bagong opportunities."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN