JC Tiuseco on his love life in 2012: "Puwedeng meron, puwedeng wala, depende kung may makilala."

Marami ang nakakapansin na gumagaling si JC Tiuseco sa pag-arte.

"Siguro ngayon mas naging comfortable na ako in acting. Every time na may nakakatrabaho ako, nakikita ko how they do it, how they act, so marami akong napupulot sa kanila," he says.


Dahil Bagong Taon, tinanong namin kay JC Tiuseco kung ano ang New Year’s resolution niya ngayong 2012.

"Sana mas mag-improve pa ako sa ginagawa ko, tsaka sana maipagpatuloy ko yung habit ko ngayon in working."

Anong habit?

"Iyong parang naging workaholic na ako ngayon, parang gusto ko laging may ginagawa."

Noong 2011 ba ay hindi siya ganoon kasipag magtrabaho?

"Ganun din naman pero ngayon kasi, kapag may free time ako, talagang magdyi-gym ako kasi alam ko mas lalakas ako. Gusto ko magpapalakas pa lalo.

"After rehab, gusto ko lagi akong may ginagawa."

Patuloy kasi ang pagpapa-rehab ni JC after his ACL (knee injury) operation a few months ago.

Marami ang nakakapansin sa improvement niya in (drama) acting.

"Siguro ngayon mas naging comfortable na ako in acting.

"Every time na may nakakatrabaho ako, nakikita ko how they do it, how they act, so marami akong napupulot sa kanila.

"Tapos at the same time, may workshop pa sa Mercator, tapos may workshop pa before the project starts, so iyon."

Looking back sa 2011, ano ang maituturing ni JC na greatest achievement niya sa career niya?

"Sunud-sunod, e. Siguro it started sa Sisid.

"Medyo maganda ang napakita ko dun, tapos iyon after nun, yung Kokak.

CALENDAR BOY. "Tapos iyon nga I started working out, tapos ngayon ako na yung... kami ni Venus [Raj] yung magko-cover nung 2012 calendar ng Gold’s Gym."

At sa naturang calendar cover nila ni Venus (na kasamahan ni JC sa Mercator Artist & Model Management), nakahubad si JC.

"Yeah, walang top. Si Venus parang naka-ano siya, parang gown na white."

Endorser ng Gold’s gym si JC simula pa noong 2007.

Nire-renew ang kontrata niya every year. Achievement nga na sila ni Venus ang nasa cover ng bagong kalendaryo nito.

"Iyon nga, I really worked hard for it e. Talagang kahit na minsan, konti lang yung tulog ko, magdyi-gym talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman raw siyang ugali na gusto niyang baguhin ngayong 2012...

"Hmm wala naman. Parang kung ano yung... siyempre gusto mo tuluy-tuloy pa rin yung magaganda mong nagagawa, siyempre gusto mo pa ring makatulong sa iba."

LOVELIFE. Gusto na ba niyang magka-love life ngayong 2012?

"Hindi ko alam, e. Puwedeng meron, puwedeng wala, depende kung may makilala ako.

"Pero ayun, waiting..."

Paskong hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya...

"Buong buhay ko? Yung mga Christmas when I was still a kid.

"Iyon nga, may isang Christmas na talagang lagi kong naaalala.

"Madaming tao sa bahay, lahat ng relatives namin from the States umuwi dito tapos doon kami nag-Christmas sa bahay namin, masaya.

"Siguro mga eight years old ako nun. Kasi parang lahat nandun, e."

At nitong grown-up na siya, ano ang pinakamasaya niyang Pasko?

"Wala e, nakalimutan ko na e, basta lahat naman memorable at masaya.

"Siguro yung mga Christmas na... lagi naman kasi kaming complete sa bahay pag Christmas, e.

"So yung isa dun na talagang andun kami lahat, masaya lahat siyempre."

Wala siyang Paskong malungkot?

"Wala namang Paskong malungkot, di ba?

"Bakit ka naman malulungkot kapag Pasko? Ako wala pa akong naranasang Pasko na malungkot, kasi you try to make yourself happy.

"Positive lagi, kahit na anong problema meron ka, kapag Christmas, you have to be happy."

Ang hindi niya pinakamakakalimutang regalong natanggap niya ng Pasko ay galing sa isang dati niyang karelasyon.

"May nagbigay sa akin, hindi lang kasi isang gift, madami, may mga shirts, ang dami, isang, parang... alam mo yung parang hamper? Parang ganun.

"Mga shirts, shorts, ang dami, may mga pillows pa, mga small things na... mahilig kasi ako sa basketball, di ba?

"So iyon, may ball na pillow, may lamp na basketball, may alarm clock na basketball, puro basketball items, may jersey.

"Sa dami, nakalimutan ko na nga yung iba, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN