Kris Bernal on Jolo Revilla: "Yes, nanliligaw talaga siya."

"Lumalabas kami. Nagkikita kami, pero [hanggang] doon muna. Kinikilala ko pa lang siya, pero sa ngayon masasabi ko na mabait siya," says Kris Bernal about suitor Jolo Revilla.


Si Kris Bernal ang sumalang sa "Don’t Lie To Me Reloaded" segment ng Showbiz Central kahapon, January 1, New Year’s day.

Pero imbes na ang regular segment host na si John "Sweet" Lapus, si Jennylyn Mercado muna ang "nag-interrogate" kay Kris.

Nasa New York kasi ngayon si Sweet dahil nagbabakasyon ito kasama si Kris Aquino at mga anak nitong sina Josh at Bimby.

Ang unang itinanong ni Jennylyn kay Kris ay kung na-disappoint ba si Kris nang malaman niyang pinalitan ni Alden Richards si Aljur Abrenica sa pelikulang Ang Panday 2 na entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.

"No" ang sagot ni Kris, at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

OKAY WITH JAY PERILLO? Ang sumunod na tanong ni Jennylyn kay Kris ay kung maaayos ba ang turingan nila ng singer na si Jay Perillo.

Kailan lamang kasi ay napabalitang natapos na ang special relationship nina Kris at Jay.

"Yes" ang sagot ni Kris, at "Truth" ang naging resulta nito.

Saad pa ng young actress, "Maayos. Magkaibigan kami at saka iyon, talagang okay naman, nagpapansinan kami.

"Siyempre, sa Party Pilipinas, magkatrabaho kami."

Sumunod ay hiningan ni Jennylyn si Kris ng message para kay Jay.

"Maging masaya siya at Happy New Year! Iyon lang. Okay na iyon."

JOLO’S CHANCE? Ang pangatlo at huling tanong ni Jennylyn kay Kris ay kung may chance bang sagutin ni Kris si Jolo Revilla, na balitang nanliligaw sa kanya ngayon.

"Yes" ang sagot ni Kris, at "Truth" muli ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Totoo bang nanliligaw si Jolo sa kanya?

"Yes, nanliligaw talaga siya," pagkumpirma ni Kris.

Pero dagdag niya, "Lumalabas kami. Nagkikita kami, pero [hanggang] doon muna.

"Kinikilala ko pa lang siya, pero sa ngayon masasabi ko na mabait siya.

"Sweet siya. Mabuti siyang kaibigan, kumbaga."

Magkasama ba sila ni Jolo sa gabi ng pagsalubong sa Bagong Taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," pag-amin ni Kris.

"After ng [GMA-7’s] New Year Countdown sa MOA, nagkita kami.

"Pero, magkaibigan kami. Okay kami, ganun kami.

"Hindi pa ako ready for another relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN