Viral uploading of Ramgen Revilla-Janelle Manahan sex video draws public sympathy for the couple

Tila marami ang nakisimpatiya kay Janelle Manahan (main photo) dahil sa kumalat sa Internet noong December 29 na intimate video nila ng yumaong kasintahan na si Ramgen Revilla (inset). Ayon sa netizens, malaking kawalan ng respeto sa yumao ang ginawang pag-upload ng video. May ilan din namang sumang-ayon sa hinala ng kampo ni Janelle na maaaring ang pamilya Bautista ang nasa likod ng pagpapakalat ng video.


Naibalita dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkalat ng sex video ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla at kasintahang si Janelle Manahan.

(CLICK HERE to read related article.)

Kinumpirma ng mismong abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra na ang magkasintahan nga ang nasa video.

Kinokondena niya ang pagkalat nito sa Internet.

Aniya, maaaring pakana raw ito ng mismong pamilya ni Ramgen.

Si Janelle kasi ang tumatayong star witness sa kasong murder at frustrated murder, kung saan ang mga akusado ay mga kapatid ni Ramgen na sina Ramona at Ramon Joseph.

Ayon pa kay Atty. Guevarra, ang video na ito ay kumakatawan sa "second assassination" ni Ramgen at "second frustrated murder" ni Janelle.

Tinawag namang "absurd" ng abugado ng mga Bautista ang ideya na sila ang may pakana ng pagpapakalat ng video.

SYMPATHETIC COMMENTS. Bagamat pinagpiyestahan na ng maraming netizens ang naturang video, tila mas marami naman ang nakisimpatiya sa mga biktima sa panibagong dagok na ito.

Sa Twitter, ilan sa mga komento ang nagsasabing kawalan ng respeto para sa yumaong aktor ang pagpapalaganap ng pribadong video.

Mula kay @kmee07: walang galang iyong nagkalat ng private video nila Janelle at Ramgen. Hindi na iginalang iyong tao. Tsk!

Awa naman ang naramdaman ng iba para kay Janelle na matapos mamatayan ng kasintahan—at ngayo’y dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa kaso at pagpapagaling sa tinamong tama ng baril sa mukha—ay nabigyan na naman ng isang pagsubok dahil sa pagkalat ng video.

Ayon kay @NicaVeron: Have you seen Janelle Manahan and Ramgen’s sex video? It’s awful for her. Namatayan na nga ng bf tapos may nag labas pa ng ganon. So saaad.

Ayon kay @imsuperjeffrey: Grabe!! Heartless yong nag upload ng ramgen at janelle manahan scandal!!! So sad!!! I feel for janelle! :(

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May iba naman na sumasang-ayon sa hinala ng kampo ni Janelle.

Naniniwala sila na ito ay paraan ng mga akusado upang sirain ang kredibilidad ng dating aktres, o di kaya’y takutin upang huwag na silang idiin sa kaso.

Mula kay @ketty_official: have you seen the ramgen and janelle sex video? i think the "killers" are just trying to ruin the credibility of janelle..poor girl :(

Maging ang showbiz writer na si Dolly Anne Carvajal ay nagkomento rin sa kanyang Twitter account na @dollyannec: Saw d Ramgen/ Janelle vdeo. Whoever circulated that is sick in d head.Do they think it wil mke Janel cover up d truth?No respect 4 d dead

Sa YouTube naman, kung saan naka-upload ang isang tila edited teaser version ng video, ay nagkomento rin ang ilang nakapanood.

Ayon kay user kervinnoelle: Sigurado kimuha yan sa laptop o sa phone ni ramgen nung patay na siya. Grabe pamilya niya sinira siya. At eto lang e ano naman kung may ganyan sila?Ano kinalaman niyan sa tunay na nangyari?

Iba’t iba man ang naging reaksiyon ng taumbayan tungkol sa bagong yugto sa kwento ng magkasintahang Ramgen at Janelle, umaasa pa rin ang marami na sana’y malutas na sa lalong madaling panahon ang kaso.

Maging si Janelle ay nagpahiwatig din ng pag-asa para sa taong 2012.

Ito ang dalawa sa Twitter posts ni Janelle, na huminging mapasailalim sa Witness Protection Program ng gobyerno, noong bisperas ng bagong taon:

"new year is about getting another chance; to forgive, do better, do more, give more & love more..."


let there be no bitterness in your hearts! be positive & your life will be a lot better. 2012s gonna be a better year for us! CLAIM IT! (:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN