Protégé winner Krizza Neri meets her idol Kris Bernal

Kris Bernal to her avid follower and now Protégé grand winner Krizza Neri (in photo): "Alam mo masaya ako para sa ’yo at saka nandito lang ako para suportahan ka. Seryoso, nung sa Protégé pinapanood kita. Kahit hindi ako nakakauwi, hinahanap ko sa Internet, mapanood ko lang yung performance mo. Tinu-tweet ko, na... na iboto ka. Kung paano mo a


Live na nag-guest ang Protégé winner na si Krizza Neri sa Showbiz Central noong Linggo, January 1, 2012.

Ang guest co-host na si Mikael Daez ang nag-interview kay Krizza.

Una ay kinumusta muna ni Mikael ang New Year celebration ni Krizza.

"Actually, sobrang saya yung New Year ko. Kasama ko yung tita ko, since yung family ko nasa Cagayan de Oro.

"Pero, sobrang masaya kasi nga sa [GMA-7’s New Year] Countdown napasali ako.

"So, sobrang overwhelmed," kuwento ng baguhang singer.

SHOCKING. Speaking of Cagayan de Oro, umuwi si Krizza last week sa kanyang hometown para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Kahit si Mikael mismo ay nanggaling doon para magbigay ng tulong.

Kaya tinanong ni Mikael si Krizza kung ano ang naging karanasan nito sa kanyang pag-uwi sa kanyang probinsiya.

"Nung pagdating ko dun, na-shock talaga ako.

"Kasi since nung Monday pa lang... Di ba, nag-homecoming ako dun?"

(Ang ibig tukuyin ni Krizza ay Lunes bago umatake ang bagyong Sendong noong December 17.)

"So, ibang-iba [ang nadatnan ko pag-uwi ko uli].

"Lalong-lalo na yung sa riverside. Nakita ko talaga yung mga nasirang bahay.

"Sobrang tragic na parang hindi ako makapaniwala na nangyari iyon sa hometown ko.

"Itong pag-uwi ko, ganun pa rin, so parang walang pagbabago."

Ang mismong pamilya naman daw ni Krizza ay ligtas at hindi nasalanta ng baha. Pero may kamag-anak raw siya, tulad ng isang tiyuhin niya, na nasira ang bahay.

GMA ARTIST. Tungkol naman sa kanyang career, may limang taong kontrata si Krizza sa GMA Artist Center bilang bahagi ng kanyang premyo sa Protégé.

At ang gustong maging project ni Krizza...

"Actually ayokong mag-demand, pero gusto kong i-try kung ano pa ang kaya kong gawin aside from singing.

"Gusto ko ring mag-acting. Pero iyon nga, sinasabi ko, ayokong umiyak.

"Ayokong magdrama kasi mabilis talaga mamaga ang mata ko!" ang natatawang sabi ni Krizza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MANAGED BY AIZA? Totoo bang si Aiza Seguerra ang co-manager ng Artist Center sa pagma-manage ng career niya? Si Aiza kasi ang mentor ni Krizza sa Protégé.

Ayon kay Krizza, "Actually sinabi niya sa akin na ’andiyan lang siya para tulungan ako.

"And may inaano [sina-suggest] siya na manager for me, pero hindi ko pa alam kung sino, kasi wala pa. Hindi pa nagmi-meet.

"Ganun, pero sabi niya sa akin, tutulungan niya pa rin ako especially sa paggawa ng album, sabi niya."

WHERE’S MY DAD? In her interviews, sinabi ni Krizza na may hiling siya—ang makita at makausap ang kanyang ama na hindi na nakita ni Krizza mula noong bata pa siya dahil umano ay iniwan sila nito.

"Since nung nag-start ako sa Protégé, hindi ko pa rin siya nakausap.

"Yung lolo ko lang ang nakausap ko and okay na.

"Masayang-masaya ako sa nakamit ko. Sa na-achieve ko ngayon.

"Pero kung may chance na maibigay sa akin na makausap yung dad ko, siguro mas kukumpleto sa victory na ito nga, yung pagkapanalo ko sa Protégé.

"Pero okay naman ako sa dad ko, wala naman akong hard feelings para sa kanya at tsaka naiintindihan ko naman siya," saad ni Krizza.

Hindi rin daw siya galit sa kanyang ama.

KRIS BERNAL. Also in her past interviews, sinabi ni Krizza na iniidolo niya ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Bago pa raw sumali si Krizza sa Protégé ay aktibo siya sa mga fans club ni Kris.

Kaya bilang New Year surprise kay Krizza ay tinawag ni Mikael si Kris Bernal na live ding nasa Showbiz Central noong Linggo.

Matapos yakapin ni Kris si Krizza ay may regalo pang DVD movies ang kanyang idolo sa kanya.

Ayon kay Kris, mahilig daw manood ng pelikula si Krizza.

Dagdag pa ng young actress, "Nakikita ko siya sa mga forum ko. Sa website ko, kaya kilala ko na siya dati pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa siya sumasali sa Protégé, kilala ko na siya."

At ngayong nasa showbiz na rin si Krizza, may mensahe si Kris para sa baguhang singer:

"Alam mo, masaya ako para sa ’yo, at saka ’andito lang ako para suportahan ka.

"Seryoso, nung sa Protégé, pinapanood kita.

"Kahit hindi ako nakakauwi, hinahanap ko sa Internet mapanood ko lang yung performance mo.

"Tinu-tweet ko na...na iboto ka. Kung paano mo ako sinuportahan noon, ganun rin kita sinusuportahan ngayon.

"’Pag kailangan mo ako ’andito lang ako.

"I love you!" pahabol na mensahe ni Kris kay Krizza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN