PART 1. Tyron Perez’s wife recalls last moments before the actor’s death

Liv Espino-Perez on husband Tyron Perez: "Hindi na niya po...parang sinarili po niya. Pero siguro po, noong mga in the middle of it, sinasabi niya na, ’Alam mo, naiisip ko na lang na matulog nang mahaba. Na hindi na ako magigising! Hindi ko na kaya. Feeling ko, wala na!’"


Bago pa man nagwakas ang taong 2011 ay may "humabol" pang isang trahedya sa local showbiz—ang pagpanaw ng young actor na si Tyron Perez.

Si Tyron ay produkto ng kauna-unahang batch ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck, noong 2003.

Ilan sa mga naging proyekto niya sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Kung Mamahalin Mo Ako (2005), Bakekang (2006), Kung Mahawi Man Ang Ulap (2007), at Lupin (2007).

Noong 2010 ay lumipat si Tyron sa bakuran ng ABS-CBN nang maging contract artist siya ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.

Co-managed siya ni Direk Jerry Sineneng.

Napanood siya sa mga teleserye ng ABS-CBN gaya ng Momay (2010), Imortal (2011), Mula Sa Puso (2011), at ilang episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Nagbida rin siya sa kanyang launching movie na Twilight Dancers (2006) ni Direk Mel Chionglo at sa indie film na Pipo (2009).

DEATH OF A CELEBRITY. December 29, 2011 nang binawian ng buhay si Tyron—o Jojo Perez sa totong buhay.

Bunso sa anim na magkakapatid, puro letter "J" ang simula ng pangalan ng lima niyang naiwang mga kapatid—Jayson, Jerome, Jerwin, at Jenny.

Ayon sa police report ay nag-suicide si Tyron, na sinang-ayunan naman ng pamilya nito.

Mabilis kumalat ang pagkamatay ni Tyron sa social networking sites tulad ng Twitter at Facebook, habang ang buong showbiz ay naghahanda na sa pagpasok ng 2012.

Natagpuan ang bangkay ni Tyron sa loob ng isang black Toyota Altis na nakaparada sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Umaga pa lang diumano nang magbaril si Tyron sa sarili, sa kanang sentido.

Pero gabi na nang madiskubre ang wala nang buhay at duguang katawan ng aktor.

Ang tunay na edad ni Tyron ay 27 years old.

Ipinanganak siya noong September 14, 1984 sa Concepcion, Tarlac.

Showbiz age lamang niya ang 26, kaya ito ang laging naisusulat.

Ito ay nadiskube ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang personal na tumungo ang writer na ito sa lamay ng namayapang aktor sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque City, noong December 30, Biyernes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap namin ang ama ni Tyron na si Mr. Carlito Perez, gayundin ang ina nitong si Mrs. Lucia Perez.

Ayon sa ama ni Tyron, tahimik lang ang anak at hindi nagsasabi ng problema sa kanila.

Samantalang ang ina naman ng aktor ay panay ang iyak noong gabing yun.

Nandoon rin ang mga ka-batch ni Tyron sa StarStruck upang makiramay.

Kabilang dito sina Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Alvin Aragon, Anton dela Paz, at Christian Esteban, na panay namumugto ang mga mata.

LIV ESPINO-PEREZ. Bagama’t nagdadalamhati, nagpaunlak sa press ng interview ang asawa ni Tyron na si Liv Espino-Perez noong gabing iyon.

Isang flight attendant si Liv. Ikinasal sila ni Tyron noong May 2009.

Sa Alabang, Muntinlupa, nakatira ang mag-asawang Tyron at Liv, kasama ang mga magulang ng huli.

Pero ayon na rin sa kuwento ni Liv, isang buwan silang hindi nagkita ng asawa dahil umalis ng bahay nila si Tyron at tumuloy sa isang kaibigan sa Valenzuela City.

Pero itinanggi ni Liv ang usap-usapang kahit temporarily ay "naghiwalay" silang mag-asawa.

Si Liv na mismo ang nagkuwento ng detalye ng buhay ni Tyron, hanggang sa araw ng kamatayan ng asawang aktor.

THE CALL. Paano niya unang nalaman na namatay na si Tyron?

Ayon kay Liv, "December 29, tinawagan niya ako ng mga 9 a.m. Kakagising ko lang.

"Sabi niya, ’Nasa’n ka? Magpapakamatay na ako! Hindi ko na kaya!’"

Naniwala ba siya agad?

"Hindi po. Kasi si Ty [tawag niya kay Tyron], lagi namang ganun yun, e.

"Sabi niya, ’Magpapakamatay na ako! Hindi ko na kaya! Gusto mo marinig?’

"Yun na, baaamm! Hindi malakas [ang putok], parang nahulog lang na book or something, boom!

"Hanggang sa narinig ko na lang, nahulog yung cell phone niya.

"Narinig ko ang last breath niya na parang, ’Hhhmmhh!’ Gano’n... Talagang nag-i-struggle.

"So, ako, ’Totoo ba ito or acting?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, tinawagan ko yung tinutuluyan niya.

"Nakita ko yung text niya [kaibigang tinuluyan ni Tyron], sabi niya, ’Liv, are you meeting Ty today?"

Nasaan ba si Liv noong mga oras na iyon?

Dito nagbalik-tanaw si Liv sa mas detelyadong kuwento.

"Ganito po yun," buwelo niya.

"Nasa Baguio ako kahapon [December 29]. Nag-Manaoag [Pangasinan] kami.

"Natutulog ako. Pababa na po ako [from Baguio to Manila]...

"The night before, sabi ko sa kanya [Tyron], ’Medyo nilalagnat ako. Makakatulugan ko na, update ka na lang...’

"So, na-empty na yung [battery ng] phone.

"Paggising ko, mga 8 to 8:30 a.m., binuksan ko ang cell phone, ang dami niyang missed calls.

"Ang daming tawag from him.

"Tapos, pumasok yung tawag niya, sinagot ko.

"Sabi niya, ’Nasa’n ka? Magpapakamatay na ako! Gusto mong marinig, gusto mong marinig?’

"Baaaam! Ayun na po.

"Tapos, yun, paghulog ng phone, akala ko, wala lang.

"Tapos, nung tiningnan ko na ang messages niya, may text sa akin: ’Three minutes...’ Gano’n. Parang may deadline.

"’Three minutes, aalis na ako dito kasi ayoko na silang madamay...referring ’to sa mga taong tinutuluyan niya.

"Sabi niya sa text, ’Open your phone, three minutes!’

"E, tulog ako nung mga panahong yun.

"Tapos, nakita ko ang message ng tinutuluyan niya, sabi niya, ’Liv, are you meeting Ty today? Kasi, ang paalam niya kanina, an hour ago, imi-meet ka niya sa Balintawak.’

"Sabi ko, ’No, Tita, nasa Baguio po ako, pababa pa lang ako. It will take me minimum of five hours.’

"Sabi niya, ’Gano’n ba? Sabi niya kasi, magmi-meet kayo.’

"So, parang kinabahan na ako!"

Patuloy ni Liv, "Tawag ako nang tawag [kay Tyron], wala na!

"Text ko sa kanya, ’Ty, sabi mo, you will meet me tonight? Ibibigay ko ang mga gamit mo. Mag-reply ka...’ Wala!

"Then, yung husband nung tinutuluyan niya, mentor niya yun, e. May takot po siya doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati yun, tumatawag na kay Ty for thirty minutes, walang sagot. Wala kaming balita.

"So, na-heads up ko na ang family niya [sa Concepcion, Tarlac] na anything can happen—puwedeng nananakot [si Tyron], puwedeng hindi.

"Kasi si Ty, ganyan, e."

Kuwento pa ng misis ni Tyron, "After mga 7 o’clock in the evening na, nasa Macapagal na po ako, tumatawag si Tita Precy, yung tinutuluyan niya.

"Hysterical na siya! Sabi niya, ’Liv, si Ty, ’andito sa loob ng sasakyan! Wala na yatang buhay!’

"’Nasa likod siya [Tyron] ng kotse. Naka-lock ang sasakyan.

"’Nakabukas yung makina, yung aircon, yung music, yung radio.

"’Nasa likod siya. May dugo po yata siya sa side.’

"So, noong gabi na po, sinilip nila, blue na raw po yung labi.

"So, feeling nila, parang matagal na [patay na siya]... Saka medyo namumuo na yung dugo.

"Noong nabuksan nila, wala na, matigas na."

SERIOUS THREAT. Doon na-realize ni Liv na noong tumawag si Tyron sa kanya noong alas-nuwebe ng umaga ng December 29, Huwebes, totoo pala ang sinabi nitong magpapakamatay na siya.

Saad ni Liv, "Yun na nga po! Totoo pala yun.

"Doon lahat nag-flashback sa akin na...

"Noong binaril niya, parang narinig ko yung sarili niyang, ’Aaaagh!’

"Parang nag-i-struggle siya. Nahulog na siya [sa kinauupuan niya]."

Diretsang tinanong ng PEP si Liv kung ano ang posibleng dahilan ng pagkitil ni Tyron sa kanyang sariling buhay.

Ano ang ibig sabihin ni Tyron na "hindi ko na kaya"?

Ayon kay Liv, "Kasi po, meron siyang pinagdadaanan during the past few months.

"Etong last month lang na ito."

Bilang asawa, hindi nagsabi sa kanya si Tyron ng problemang pinagdadaanan nito?

"Hindi na niya po...parang sinarili po niya.

"Pero siguro po, noong mga in the middle of it, sinasabi niya na, ’Alam mo, naiisip ko na lang na matulog nang mahaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na hindi na ako magigising! Hindi ko na kaya. Feeling ko, wala na!’"

Kailan ito sinabi sa kanya ni Tyron?

"Nakita ko po kanina [sa cell phone], December 21, 2011 [ang date].

"Pauwi po ako nito from Dubai where I work, to Manila.

"Sabi ko sa kanya, ’Ty, you have a good future ahead of you, kasi you’re 27!’

"Nakikinig naman po siya, pero nag-i-smile lang.

"Kasi, ganyan lang po ’yan, e. Hindi po siya masyadong ano...

"So, gulat na gulat po kami nung malaman naming totoo.

"Kaya noong nakita ko siya sa morgue, ’Grabe! Eto na pala!’"

CLICK HERE to read PART 2


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN