PART 3. Liv Espino is convinced husband Tyron Perez committed suicide

Liv Espino on missing husband Tyron Perez: "Siguro as a best friend ko talaga, na wala na yung best friend ko. We have this habit na nagigising in the middle of the night, just to talk about his problems. Kasi, matago rin ’yan, e. Sa family niya rin, ayaw niyang sinasabi ang mga issues niya. Gusto niya, tapos na."


THEIR LOVE STORY. Ipinakuwento rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liv Espino kung paano sila nagkakilala ni Tyron Perez.

"Si Shalani po, yung cousin niya, si Martel, yung girlfriend niya is flying [a flight attendant] as well...common friends."

Ang sinasabi nitong si Shalani ay si Shalani Soledad, ang kilalang konsehala ng Valenzuela.

"Ayun po. The same airlines kami.

"Parang binlind date kami. So, at the start, group lang, labas-labas lang," salaysay ni Liv.

Paano nagsimula ang relasyon nila bago sila ikinasal noong May 2009?

Ayon kay Liv, "We’ve been together for a year before we got married.

"Kasi, April 2008 when we got together.

"Then, we got married May of 2009. Yun po.

"Kasi, ako rin po, most of the time, wala ako ’coz nasa work.

"So, tahimik lang," sabi ni Liz tungkol sa balita ng kasalan nila.

Pang-ilang boyfriend niya si Tyron?

"Pangatlo po. Puro long-term [relationships], siya lang yung shortest na one year.

"So, it must be something talaga, kami talaga.

"Kaya lang, I didn’t know na ganito ang mangyayari..."

May suporta ba mula sa kanyang pamilya?

"Yes, my mom and sister have always been very supportive ever since.

"Mga friends ko po nung college. Nagulat din po sila lahat," saad ni Liv.

DECISION NOT TO HAVE A CHILD YET. Wala silang naging anak kahit mahigit dalawang taon na silang kasal.

Paliwanag ni Liz ukol dito, "Gusto ko pong mag-baby, pero nag-decide kaming ’wag na muna kasi I’m always flying po.

"Mahirap. More than the radiation. Mahirap, lagi kang wala, malayo ang biyahe.

"And naisip ko po, bata pa naman kami. And we travel a lot."

Naiintindihan ba yun ni Tyron na hindi pa siya puwedeng magbuntis at bigyan ito ng anak?

"Naiintindihan po niya yun. Kahit po i-check niyo ang Facebook niya," sagot ni Liv.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Nagta-travel po kami every year.

"And sana nga, April daw, magha-Hawaii kami dapat."

WHO IS TYRON? Ano ang pagkakakilala ni Liv sa asawang si Tyron?

"Ako po, ang masasabi ko lang, he’s a good man. Hindi po dahil asawa ko siya.

"Napakabait po niya. Napakasimple.

"Wala po akong masasabi diyan. Napaka-makatao.

"At para pakasalan mo in a year’s time!"

Dagdag pa niya, "Naalala ko yung sabi ng mom ko, kasi I was thinking about yung [showbiz] career, kasi nga, hindi po stable, di ba?

"Sabi ng mom ko, ’Yung money, you can work together. Pero yung ability to find a good person like Ty, it doesn’t happen every day.’

"Parang naisip ko, ’Oo nga, ’no?’

"Sa kanya naman kasi... Well, sa work ko, ang mahalaga is security. And nakita ko yun sa kanya.

"Actually, itong mga last... Etong November, okey naman po talaga kami," diin ni Liv.

QUITTING SHOWBIZ. May nasulat na nakapagbitaw raw ng salita si Tyron na gusto na nitong mag-quit sa showbiz.

Nabanggit ba ni Tyron ito sa kanya?

"Opo," pag-amin ni Liv.

"Kasi medyo...siyempre, frustrating at times.

"Kasi, mula noong namatay ang manager niyang si Douglas [Quijano], parang he was doing...

"Parang jumping into...parang he was trying to start again, parang nagsisimula uli.

"Hindi katulad noong kay Tito Dougs, tatawagan lang siya, ’O, Ty, ganoon...’"

Sumakabilang-buhay si Douglas noong June 13, 2009.

Patuloy ni Liv, "Kaya po noong na-meet niya si Direk Jerry Sineneng, parang nagkaroon siya ng hope again na bibigyan siya ng chance sa ABS naman.

"So, okey naman po siya.

"Until noong mga last na, siyempre po, he got used to be working, tapos biglang wala na naman.

"It’s seasonal, kakatapos lang ng teleserye niya.

"Sabi ko sa kanya, ’E, lagi ka kasing out of the country. Mag-focus ka rin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun po, naiintindihan naman niya po. Pero siyempre po, kasama na rin sa frustrations niya...

"Kasi, ikinukuwento niya, sa StarStruck noon sa GMA, parang unending yun na work nila, pagod na pagod sila.

"Siguro, nanibago rin, gano’n."

UNEXPECTED SUICIDE. Inamin ni Liv na hindi niya sukat-akalaing magagawa ng asawa ang magpatiwakal upang takasan o wakasan ang mga pagsubok sa buhay.

Hindi raw ganito ang pagkakakilala niya sa namayapang kabiyak.

"Hindi ko talaga inaasahan ito, hindi talaga," mariing sabi ni Liv.

"Hindi po yun si Tyron, e, hindi niya personality yun.

"Makulit siya, ganyan... Pero yung ganito, hindi po.

"Saka, lahat po ng mga nangyari, sobrang bilis po.

"Walang conversation na, ’Sa tingin mo?’ Wala, e.

"Talagang pagtawag niya sa akin, decided na siya.

"And yung nakita siya sa likod ng car, na lahat naka-lock, hawak na niya ang baril, hawak na niya ang cell phone...

"Parang planado na somehow.

"Hindi na siya nakapag-isip."

Kumbinsido si Liv na "suicide" nga ang nangyari at walang "foul play."

Aniya, "As of now, hindi pa po naming nakukuha ang results, pero he died of [a] gunshot wound.

"Pero yung gunpowder test, wala pa pong result, kasi ido-double check pa nila yun.

"Wala pa. We’re waiting.

"Pero noong nakita ko kasi [yung car], lahat sarado. Lahat naka-lock...

"Hintayin natin yung result.

"Pero sa akin po, yung last na kuha niya was like that."

Sa more than two years nilang pagsasama bilang mag-asawa, napansin ba niyang may "suicidal tendency" si Tyron?

"Wala po!" mabilis na sagot ni Liv.

"Meron po kaming major fight noon.

"Nasa banyo siya, nag-lock siya. Ganoon lang.

"Pero yung suicidal tendency, wala po.

"Mahirap siyang makausap, pero pag nakausap mo siya, okey na siya ulit."

THE GUN. Alam ba niyang may baril si Tyron—isang .22 caliber?

"Hindi ko po alam kung saan galing yun," sabi ni Liv.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko po ito long time ago, pero nakalimutan na namin yun.

"Hindi po namin alam na all along, bawat alis niya, dala-dala niya [yung baril]."

Licensed ba ang naturang baril?

"Hindi po namin alam. No idea.

"Kasi po, we forgot about it a long time ago na.

"Kasi, sabi po nila [authorities], it was too small na hindi nila halos nakita.

"So, parang somehow, natago niya.

"Noong sinabi niya na, ’Ayoko na, pagod na ako, tatapusin ko na ang buhay ko,’ sabi ko, ’Bakit ganyan ka?’

"Sabi niya, ’Dala ko yung baril!’

"Naalala ko na naman na may baril nga siya.

"Tapos, tinanong ko sa mama ko, ’Ma, do you remember kung may bala yun or ano?’

"Sabi ng mama ko, ’Meron yata!’ Ayun po..."

TYRONE & IN-LAWS. Kumusta naman si Tyron sa mga magulang ni Liv?

"Sa totoo lang po kasi, sila ang magkasama sa house, kasi malayo ang work ko.

"They go to the gym together. Mga gano’n. Sobrang okey sila.

"Except lang po itong last part kasi nawala na siya and my mom was trying to get hold of him...

"Hindi na siya sumasagot.

"Feeling ng mom ko, ’Bakit pati ako, e, ako yung kasama?’"

Kumusta naman ang relationship ni Liv sa pamilya ni Tyron na based sa Concepcion, Tarlac?

"Kasi po, I hardly see them," pag-amin ni Liv.

"Bihira ko po silang makita, pero every time po na umuuwi kami [sa Tarlac], okey naman po kami.

"Wala po kaming problema, kasi sobrang bait din po ng family niya.

"Dumating sila sa wedding. Napaka-supportive po.

"Mababait po sila, wala akong masasabi."

Si Liv din daw ang nagbalita sa Tarlac na pumanaw na si Tyron.

"Ako po, kasi mula noong nawala siya, sinabihan ko sila noon na anything can happen.

"Wala akong balita, it’s been a month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ina-update ko po sa kanila."

"WALA NA AKONG MAIYAK." Ayon pa kay Liv, sa bilis ng mga pangyayari, nahirapan siyang tanggapin agad ang trahedyang ito.

Pero paano nga ba niya ito hinaharap?

"Ewan ko po, pero last night, noong nakita ko siya [Tyron] sa morgue, parang wala na akong maiyak, nanghina ako.

"Nakita kong nakatakip siya [ng kumot], pero yung sapatos niya, nakita ko.

"Sabi ko, ’Hindi ko ito papalagpasin na hindi ko siya nakikita.’

"Noong tinanggal na ang takip, doon na nag-sink in.

"Pero hinang-hina ako, wala akong maiyak."

Dagdag pa niya, "Kaninang umaga, noong namimili kami ng casket, doon na!

"Parang hindi ko po ma-accept yung fact na 28 years old ako, he’s 27, magpapalibing ka ng husband!’

"Doon na lahat!

"Naalala ko po kasi yung cell phone niya.

"Sabi niya kasi, ’Get the memory card. Ang gaganda ng pictures diyan.’ Pictures niya.

"So, noong tinitingnan ko kanina, memories talaga.

"Previous phone niya ito na Blackberry na nasira.

"Bumigay ako noong sa casket, hindi ko na nakayanan.

"Kasi si Ty, sa amin po nakatira.

"Noong nililigpit po namin ang mga gamit niya, medyo struggle.

"Kasi yung isang room po, mga gamit niya lang lahat."

TYRON LOVED SHOWBIZ. Paano niya gustong maalala ang yumaong asawa?

"Siguro as a best friend ko talaga. Na wala na yung best friend ko.

"We have this habit na nagigising in the middle of the night, just to talk about his problems.

"Kasi, matago rin ’yan, e.

"Sa family niya rin, ayaw niyang sinasabi ang mga issues niya.

"Gusto niya, tapos na.

"Si Ty yung tipo ng tao na nasasabihan ko lahat.

"Kahit saan magpunta, anything goes. Kahit fish balls.

"Sobrang simpleng tao.

"Yun po ang nakaka-miss sa kanya."

Ano ang alam niya tungkol kay Tyron na hindi alam ng publiko?

"Love niya ang showbiz," ani Liz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Love niya yung mga tao behind it, hindi niya nakakalimutan.

"Pag nakikita niya po sina Kuya Lhar [Santiago, GMA-7 reporter] sa TV, kahit matagal na, sasabihin niya, ’Si Kuya Lhar!’

"Naaalala pa rin niya.

"Na-appreciate ko po yun.

"Kahit na yung isang TV show na mga kasama niya sa StarStruck, ganoon pa rin siya, parang wala pa rin...

"Kahit na sino po makausap ko, sasabihin, ’Ang bait niyan.’

"Sobrang makatao ’yan. Sobrang down to earth.

"Kahit people see him na parang bossing siya, nakakalabas ’yan nang naka-sando. Walang kaarte-arte.

"Kahit ino-offer-an ko ’yan ng mga branded clothes, ayaw niya."

Pinabulaanan din ni Liv ang mga usap-usapan na hindi raw pabor ang pamilya niya kay Tyron noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.

"I don’t think so po. I beg to disagree.

"Kasi, marriage is a major thing.

"One of the reasons why I ended up marrying him, kasi po, yung sinabi ng mom ko about him.

"Kung hindi siya gusto ng family ko, I don’t think magkakasama sila sa bahay na nagdyi-gym sila together.

"Alam po ’yan ng instructors nila kasi nakikita silang magkasama.

"Siyempre po, it’s not perfect.

"Magkasama sila sa bahay, kahit sino naman...

"Pero it’s a good harmonious relationship."

FIGHTING FOR THEIR RELATIONSHIP. Iginiit din ni Liv na ipinaglaban niya ang relasyon nila ni Tyron bago wakasan ng aktor ang sariling buhay.

Aniya, "Alam po ito ng mga friends ko, I was trying to fight for it. Ipinaglaban ko!

"Tumatawag kami sa kanya...siya ang nag-distance sa amin.

"Nag-Vigan sila, wala po kami kaalam-alam.

"Yung sister ko lang ang nagsabi, sabi niya, ’Te, guess what, si Ty, nasa Vigan!’

"Sabi ko, ’What? E, wala namang dalang damit yun, e.’"

Ang tinutukoy ni Liv ay ang "Traverse Ilocos Sur Adventure Challenge" na ginanap noong December 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang event ay nakausap pa ng PEP senior writer na si Nerisa Almo si Tyron. (CLICK HERE to read related story.)

Pagpapatuloy ni Liv, "Kundi pa nag-reach out yung tinutuluyan niya na si Tita Precy, wala akong idea at all.

"Nandoon na nga po kami sa conclusion na, ’Siguro, may kasama na itong iba. Kasi, nakalimutan na kami.’

"Yun pala, he was struggling also.

"Pinili niyang siya na lang...ayaw na niyang magbigay ng problem sa amin."

Hindi nagsabi si Tyron tungkol sa utang niya dahil sa sugal?

"Binanggit niya po noong nasabi na sa akin.

"Kasi, nasabi ko na sa kanya na, ’Wala ka nang itatago.’

"So, ayun, inamin na niya.

"Pero prior to that, noong nagwo-work po ako abroad, lagi ko siyang sinasabihan, ’Ano bang ginawa mo, may babae ka ba?’

"Hindi raw.

"’Napikot ka ba?’ ’Hindi.’

"’May nabuntis ka?’ ’Hindi.’

"Puro siya ganoon, laging hindi.

"Hindi siya nag-i-specify. ’Yon."

LIV’S MESSAGE TO TYRON. Ano ang nasa puso niya ngayon na gusto niyang sabihin kay Tyron na hindi niya nasabi noong buhay pa ito?

"Siguro po ano...wait mo lang ako diyan.

"Sana, one day, mag-together na [uli] tayo...

"Hindi ko po nasabi sa kanya yun, na I’m working on it para magkasama na kami.

"Hindi ko nasabi sa kanya directly yun.

"Kaya siguro parang confused na rin siya.

"Wala siyang words to hold on to. Kaya yun siguro yung..." putol na sabi ni Liv.

TYRON’S INTERMENT. Sa Tarlac ililibing ang mga labi ni Tyron, pero nagawan pa rin siyang iburol sa Manila.

Ayon kay Liv, "Doon na po sa Tarlac.

"Si Ty kasi, nag-StarStruck when he was like 15-16 [years old].

"Nasa Manila na po siya nag-work. So, kahit na papaano, marami na siyang friends dito.

"Sabi ko sa kanila, let’s give them yung last respect ba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para makita nila si Ty, kahit sa burol man lang.

"Sa Tarlac kasi, hindi accessible all the time.

"Kaya pumayag naman sila, madali naman kausap ang family niya."

Ngayong araw na ito, January 2, ay inilipat na ang mga labi ni Tyron sa Concepcion, Tarlac.

Ihahatid sa kanyang huling hantungan si Tyron sa darating na Huwebes, January 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN