Hayden Kho on video scandal of Mo Twister and Rhian Ramos: "Sana naman matuto ang mga tao sa pagkakamali ko before at sana hindi na ito maulit."

Hayden Kho on issue of Mo Twister and Rhian Ramos videos going viral: "Itong me getting involved in this issue, this is nothing compared to what happened to me. Kung masama man ako sa insult o pang-aasar ng mga tao, okay lang. Hindi naman sila importante sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. Sa akin, ang importante, nagiging kaibigan ako ng dalawang tao, at sana matapos na ang problemang ito kaagad. Wala namang mananalo sa ganitong laban."


Isa sa pinakamalaki at pinag-usapang balita noong 2011 ay ang breakup nina Mo Twister at Rhian Ramos.

Lalong umigting ang isyu sa pagitan ng dating magkasintahan dahil sa pagkalat ng dalawang videos.

Una ay ang confession video ni Mo, kunsaan isiniwalat nito ang plano diumanong pagpapalaglag ni Rhian ng kanilang anak.

Pangalawa ay ang video ng lambingan nina Mo at Rhian, na parehong nakadamit, sa harap ng camera.

Sa paglabas ng nasabing videos, nadawit ang pangalan ng dating cosmetic surgeon na si Hayden Kho.

Si Hayden ay malapit na kaibigan ni Mo.

Dahil sa paglabas ng videos ni Mo, nanumbalik sa marami ang sex-video scandal naman ni Hayden noong 2009.

Matatandaang naging isang malaking kontrobersiya ang pagkalat sa Internet ng sex videos ni Hayden kasama ang iba’t ibang babae, kabilang na ang ilang celebrities.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hayden sa telepono noong Linggo, January 1, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa video scandal ng kanyang kaibigang si DJ Mo.

Ayon kay Hayden, "Actually, kaibigan ko yung dalawa—sila Rhian and Mo. Malinaw ako dun.

"Sinasabi ko kay Mo na kaibigan ko si Rhian, at sinasabi ko kay Rhian na kaibigan ko si Mo.

"Lagi ko silang tinatanong, ’Do you want to do right or do you want to be happy?’

"At the end of the day, kung tama ka nga at hindi ka naman masaya, bale wala din."

Dagdag pa niya, "Hindi ko masyadong nakakausap si Mo kasi wala siya rito, at si Rhian hindi ko rin masyadong nakakausap.

"Pero I’m sure kailangan nila ng kaibigan ngayon, hindi nila kailangan ang pangungutya ng mga tao."

May pakiusap din si Hayden sa sinumang nagpakalat ng videos nina Mo at Rhian.

Aniya, "Kung sinuman ang may hawak ng sinasabi ni Mo na nawawala sa kanya na laptop, kung sinuman ang nagpo-propagate ng videos na ’yan, sana itigil niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasabi ko na ito before: Sana huwag masayang yung naging pagkakamali ko before.

"Sana naman matuto ang mga tao sa pagkakamali ko before at sana hindi na ito maulit."

Ayon pa kay Hayden, ayaw niyang ma-involve sa nasabing issue, pero tanggap niya kung ito ang sitwasyon ngayon.

"Heto na nga, I’ve been trying to avoid getting involved.

"Pag nababanggit ang pangalan ni Mo, nadadamay ako, kasi siyempre magkaibigan kami ni Mo.

"Wala naman sa akin yun kung idamay nila ang pangalan ko, ang importante, kaibigan ko pa rin si Mo.

"Wala akong kasalanan dito.

"This is nothing compared to [what happened to me] before.

"Itong me getting involved in this issue, this is nothing compared to what happened to me.

"Kung masama man ako sa insult o pang-aasar ng mga tao, okay lang. Hindi naman sila importante sa akin.

"Wala naman akong ginagawang masama.

"Sa akin, ang importante, nagiging kaibigan ako ng dalawang tao, at sana matapos na ang problemang ito kaagad.

"Wala namang mananalo sa ganitong laban."

CORRECTING HIS MISTAKES. Sa kabila nito, positibo naman para kay Hayden ang 2011 dahil ito ang taon na pakiramdam niya ay naitama niya ang mga nagawa niyang mali dati.

Saad ni Hayden, "Yun ang time na feeling ko humuhupa na yung bagyo ng buhay ko, tahimik na ang lahat.

"Yun na yung pagkakataon na ayusin ang lahat ng pagkakamali ko, maitama ang lahat.

"One hundred percent, I am way better and stronger than ever before."

Ano naman ang inaasahan ni Hayden ngayong 2012?

"I’m enjoying my life. Maybe in three words—more sensibility, more security, more stability."

May balak ba siyang bumalik sa showbiz this year?

"Showbiz? Wala, actually ang focus ko is more corporate," sagot niya.

Nabanggit din niya na nakipag-partner na ang kanyang perfume brand sa isang major cosmetic company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRA. VICKI BELO. Kinumusta rin namin kay Hayden ang relasyon nila ni Dra. Vicki Belo.

Paano nila ipinagdiwang ang nakaraang Kapaskuhan?

"Masaya ang Pasko namin," sambit ni Hayden.

"Nag-exchange gift kami, nag-Christmas dinner kami na taun-taon naming ginagawa.

"May love letters kami to each other. Marami akong gifts sa kanya.

"Kung may dalawang tuta kayong makikita sa bahay niya, Christmas gift ko yun sa kanya.

"May dresses and shoes na bagay sa kanya na binili ko in Paris."

Ano naman na ang latest sa plano nilang pagpapakasal?

"Wedding? Secret, mababalitaan na lang ninyo," nakangiting sabi ni Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN