Precious Lara Quigaman on future hubby Marco Alcaraz: "Sigurado talaga ako sa kanya."

Precious Lara Quigaman on Marco Alcaraz’s image: "Naku, nung nanliligaw pa lang siya sa akin, ang dami nang nagsasabi sa akin ng ganyan. Pero ako naman kasi ang tipo ng taong hangga’t hindi nakikita ng sarili kong mata... At kung ano yung sinasabi sa akin ni Marco, yun ang paniniwalaan ko. At nakikita ko rin naman from him, yung totoo."


Maayos at masayang nagtapos ang holiday season para sa magkasintahang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz nitong nakaraang 2011.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lara matapos ang live guest appearance niya sa Paparazzi noong Linggo, January 1, sa studio ng TV5.

Kuwento ng former Miss International, sa pamilya ni Marco sa Cebu City sila nagdaos ng Pasko ni Marco.

At nitong nakaraang New Year, ang pamilya naman ni Lara ang nagpunta sa bahay nila Lara at Marco.

"Lahat sila nagpunta dito. Nagluto lang kami, tapos kumain.

"Masaya naman, kasi yung bonding namin, parang feel na feel kong Alcaraz ako kahit paano.

"Kasi nga, sobrang nag-e-effort rin silang makasama ako at makasama ko rin sila," lahad ni Lara.

THE WEDDING. Ngayong 2012 ang countdown para sa nalalapit na kasal nina Lara at Marco.

Ayon kay Lara, "Okey naman. Medyo stressful dahil yung mga...

"Kasi habang umiikli ang panahon, lalo kaming napi-pressure dahil sa kailangan pa naming gawin.

"Pero, okey naman lahat. Medyo naayos naman namin unti-unti."

Walang pagbabago: sa October 2012 pa rin ang kasal nina Marco at Lara.

Hindi pa lang sila makapagbigay ng konkretong detalye tungkol sa wedding.

Saad ni Lara, "Yung mga details, hindi pa talaga namin plantsado.

"May venue na akong gusto, pero hindi pa nagde-decide si Marco, may iba pa raw siyang gustong tingnan."

Pero ito raw ay "out of town."

"So, maghahanap pa talaga kami ng venue."

Bagamat parehong out of town, magkaiba raw sila ni Marco ng gustong pagdausan na venue.

"Ang gusto niya beach, ang nagustuhan ko naman garden.

"Pero siya, hanap pa raw kami. So, sabi niya, titingin-tingin pa raw kami.

"Hindi pa kami makapag-decide.

"Sana this month makatingin na kami."

Itinanggi ni Lara na sa Boracay posibleng gawin ang kanilang wedding.

"Hindi naman sobrang layo, somewhere in South," sabi niya.

Maging sa gagamiting wedding gown ay umiwas si Lara na magbigay ng pangalan ng designer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa. Kasi baka magbago pa. Nag-iisip pa ako," paliwanag niya.

Karamihan daw ng bubuo ng kanilang entourage ay mga mahal nila sa buhay ni Marco.

Ayon kay Lara, "Sa dami ng mga kapatid ko at ni Marco, kumpleto na sila.

"Pero may mga beauty queens rin, yung mga ka-batch ko. Yung mga friends ko na beauty queens.

"Yung maid of honor, kapatid ko and yung matron [of honor], yung best friend ko—dalawa sila."

EXCITED BRIDE. Hindi maitago ni Lara ang kasiyahan sa kanyang mukha sa nalalapit niyang wedding.

"Sobrang nakaka-excite, ang sarap magplano!" sambit ng beauty queen turned actress.

"Nakaka... Usually, nagpa-plans talaga kami ng wedding ng ibang tao.

"Tapos, yung sa akin."

Walang alinlangang gusto na raw magpakasal ni Lara.

"Kung puwede nga ngayon na, e. Kaya lang, may preparasyon pa dapat," sabi niya.

Hindi raw inisip ni Lara na magiging hadlang sa pag-unlad ng kanyang acting career ang paglagay niya sa tahimik.

"Kahit magkapamilya na ako, kaya ko pa ring magtrabaho," dagdag pa ni Lara.

Walang ibang naisip na dahilan si Lara kundi ang sarili niya nang tanggapin niya ang marriage proposal ni Marco.

"Unang-una, sigurado talaga ako sa kanya.

"Pangalawa, gusto ko talaga.

"Ever since naman, gusto ko talagang magkaroon ng sariling family.

"Hindi naging mahirap na desisyon sa akin yun. Okey na agad.

"Alam ko namang sigurado ako sa kanya."

THE PROPOSAL. Malinaw pa sa isip ni Lara ang proposal ni Marco sa kanya.

Kuwento niya, "October last year yun sa Canada.

"Before sa Canada kami, sumama pa yung Mommy at Daddy niya, parang pamamanhikan.

"Nandun rin yung Mama at Papa ko."

Dalawang taon na raw silang magkasintahan ni Marco nang mag-propose ito sa kanya.

Kaya naman magti-three years na sila ng aktor.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng marriage proposal si Lara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dalawang naging boyfriends niya bago pa dumating sa buhay niya si Marco, inalukan na rin daw siya ng kasal ng mga ito.

Ang unang boyfriend niya, na isang nurse, ay nag-alok din ng kasal sa kanya. Nasa United Kingdom daw ng mga panahong iyon si Lara at ang kanyang ex-boyfriend.

"Nung time na mag-Binibini [Binibining Pilipinas], ayaw niya ako.

"Nasa UK siya, tapos nasa Pilipinas na ako, kasi nga nakikipag-compete na ako.

"Ayaw niya akong mag-artista.

"E, ako, ang feeling ko nung time na yun, bata pa ako.

"Parang ang dami ko pang gustong gawin.

"Tapos parang magkalayo rin kami, hindi talaga nag-work."

Ang sumunod namang marriage proposal sa kanya ay mula sa isang businessman.

"Yung pangalawa naman...mahabang-mahabang istorya.

"May mga sakit ng damdamin. So, hindi rin nag-work," sabi niya.

Tumanggi nang magdetalye ng kuwento si Lara ukol dito.

Ang huling boyfriend ni Lara ang kasama niya sa Hawaii, na siyang naging dahilan kung bakit siya tinanggal noon ni Willie Revillame sa programa nito sa ABS-CBN, ang Wowowee.

"Yun ang naging ending namin," sabi niya.

"Ako na rin ang nag-decide na since palagi na rin lang nag-aaway at hindi na rin lang nagkakaintindihan.

"Parang ang hirap naman na ganun ang buhay.

"And hindi rin naman ako ready na i-give up ang trabaho nang ganun agad-agad."

Inamin ni Lara na hindi supportive ang dalawang naunang boyfriends niya sa kanyang mga gustong pasuking career.

"Siguro dahil mahirap talagang intindihin yung trabaho ko pag hindi ka nasa mundo na ito.

"Hindi mo maintindihan kung bakit umaga ka na uuwi...mga gano’n.

"Yung mga nakakasama mo na parang feeling nila hindi na arte, hindi na pala acting.

"So, nagkakaroon ng isyu, selosan, nagkakasakitan ng loob," saad niya.

MARCO’S IMAGE. Minsan pang nagsalita si Lara tungkol sa mga isyung umikot sa imahe ni Marco, gaya ng pagkaka-link nito sa mga bading na siya umanong mga benefactor ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Lara, "Naku, nung nanliligaw pa lang siya sa akin, ang dami nang nagsasabi sa akin ng ganyan.

"Pero ako naman kasi ang tipo ng taong hangga’t hindi nakikita ng sarili kong mata...

"At kung ano yung sinasabi sa akin ni Marco, yun ang paniniwalaan ko.

"At nakikita ko rin naman from him, yung totoo. Ganun!

"Napag-usapan rin naman namin yun.

"Basta, lahat ng mga nangyayari sa buhay niya, alam ko. Basta, wala.

"Kung ano meron dati na nagawa ko sa buhay ko, at nagawa naman niya sa buhay niya, basta hindi namin ginagawa sa relationship namin ngayon... So, okey kami."

Inamin din ni Lara na maraming tumutol sa pakikipagrelasyon niya kay Marco.

"Maraming nagsasabi na mga ganyan.

"Sinasabi na, ’Huwag ’yan, kasi mahirap din pag showbiz din ang boyfriend mo.

"Mahihirapan ka lang. ’Yan si Marco, chickboy...’ Mga gano’n."

Nakarinig na rin daw si Lara ng mga komento na mas deserving niyang makatuluyan ang isang mayamang lalake para maging gaya sa isang prinsesa ang buhay niya.

"Nakakatawa kaya!" bulalas niya.

"Parang feeling ng tao...ewan ko, ha!

"Parang naririnig ko kasi, sabi nila, ’Naku, beauty queen ka, kailangan mapangasawa mo mayaman. Dapat ganito lang.’

"Ano ako? Laruan? Pagkakagastusan lang?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN