PART 2. Vice Ganda admits he and fellow comic Ai-Ai de las Alas are not on good terms at this time

Vice Ganda on snubbing incident with Ai-Ai delas Alas: "Totoo ho na nangyari yun, na hindi kami nagpansinan ni Ms. Ai-Ai sa isang lugar. Hindi ko siya pinansin, hindi niya rin ako pinansin. Walang pansinang naganap kasi mero’n ho kaming pinagdadaanan. Meron ho kaming pinagdadaanan ni Ms. Ai-Ai. Mero’n din ho kaming issue na kinakailangang maresolba at nawa’y maresolba sa takdang panahon."


NEW HAIRDO IN 2012. Ngayong papasok na taon, ano ang maaasahan ng mga tao kay Vice Ganda?

"Sa 2012 po, makakaasa kayong baklang-bakla pa rin ako. Marami pa po akong magagawa.

"Marami akong gagawin pa. Maraming iniatas sa akin na gagawin. Isang pasabog na pelikula.

"May io-offer ako sa inyong isang pasabog na pelikula. Hindi pa po puwedeng sabihin.

"Magku-concert ako ulit. Minsanan na lang naman ako [magkaroon] ng isang malaking concert sa Pilipinas.

"Gagawa ako ng isa pang panibagong album. Makikita n’yo pa rin ako sa telebisyon maya’t maya.

"Kasi, alam ko naman ang purpose ko.

"Alam ko naman na ang purpose ko ay patawanin ko kayo, kaya magpapatawa at magpapatawa pa rin ako."

Kung may babaguhin si Vice na isang bagay sa sarili niya, ano yun?

"Kailangan may pasabog akong buhok sa 2012. Kasi last year, nagpasabog ako, yung bangs, di ba?

"Ang daming nagsabi na, ’Ang pangit ng buhok mo, ba’t ka nagpa-bangs?’

"Hindi naman kailangang magpaganda. Hindi naman para magandahan kayo sa akin. Hindi yun ang pakay ko.

"Ang pakay ko lang, 100 percent impact."

Paano napapanatili ni Vice ang katinuan niya sa business na ito?

"Siguro, unang-una, pumasok ako sa business na ito na matanda na ’ko.

"Konkreto na ang takbo ng utak ko, na buung-buo na ’ko.

"Kasi yung iba, nagsimula dito sa entertainment industry na bata pa lang, e. Kaya yun na ang na-adapt nila.

"Ako, noong pinasok ko ang industriyang ito, buo na ako.

"Hindi mo na ako mababago, hindi na ako maaapektuhan.

"Maaaring ikaw, baguhin ko, pero ako, hindi mo na ako mababago kasi buo na ako."

May dalawang isyu naman na itinanong si Boy kay Vice.

OGIE DIAZ, FORMER MANAGER. Una, kamusta na sila ni Ogie Diaz? Si Ogie ang matagal na manedyer ni Vice, na nawala na sa eksena.

"Okay po kami. Magkaibigan po kami ni Ogie Diaz at hindi naman po mababago yun sa sobrang dami ng magandang pinagsamahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakaraming bagay na naitulong at nabago ni Ogie sa buhay ko at habambuhay kong tatanawin na utang na loob yun.

"Kaming dalawa mismo, hindi lamang ako, hindi makakaapekto ang hindi pagkakaunawaan sa amin.

"Napakalalim ng pagkakaibigan namin. Para kaming mag-ina.

"Pasko, siya lang yata ang tinawagan ko na taga-showbiz. Yung iba, text. Pero siya, call."

SNUBBING AI-AI? Tanong pa ni Boy, last week naman, may lumabas sa artikulo ni Ricky Lo na may hidwaan sila ni Ai-Ai delas Alas.

Ano ang nais sabihin ni Vice sa isyung nabanggit?

"Magpu-pause muna ako.

"Ayoko kasing magka... hindi ako natatakot magkamali, pero sa puntong ito, ayokong magkamali sa sasabihin ko.

"Baka lalong magkaroon...lalong pumangit ang hindi na nga maganda.

"Lumabas kasi sa artikulo na parang binastos ko si Ms. Ai-Ai, hindi ko siya pinansin.

"Kaya hinusgahan ako na bastos daw ako.

"Totoo ho na nangyari yun, na hindi kami nagpansinan ni Ms. Ai-Ai sa isang lugar.

"Hindi ko siya pinansin, hindi niya rin ako pinansin.

"Walang pansinang naganap kasi mero’n ho kaming pinagdadaanan.

"Meron ho kaming pinagdadaanan ni Ms. Ai-Ai.

"Mero’n din ho kaming issue na kinakailangang maresolba at nawa’y maresolba sa takdang panahon.

"Masakit lang, kasi maraming taong hindi naman nila alam kung ano ang nagaganap.

"Hindi nila nauunawaan kung ano ang nangyayari.

"Hindi nila alam kung ano ang namamagitan sa amin ni Ms. Ai-Ai, pero nagbibigay sila ng husga.

"E, ano ang karapatan mong humusga, hindi mo nga alam?

"Kami lang ni Ms. Ai-Ai ang nakakaalam no’n.

"Parang ano lang ’yan, parang isang contestant sa Quiz Bee. Hindi porke’t hindi nakasagot sa Quiz Bee ang isang contestant, e, bobo na siya.

"Parang dancer. Ang isang dancer na minsang nawala sa tiyempo, hindi mo puwedeng husgahan na, ’Hindi ka mahusay na dancer kasi minsan kang nawala sa tiyempo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi porke na minsan nila akong nakitang hindi pinansin si Ms. Ai-Ai, e, bastos na ’ko.

"Gusto ko lang pong linawin na mero’n po kaming problemang pinagdadaanan ni Ms. Ai-Ai at yun ang dahilan kung bakit naganap ang sitwasyon na yun."

Dugtong pa niya, "Mero’n po kaming problema at ina-acknowledge ko po yun.

"Kung mero’n man mga taong na-offend sa pangyayaring yun, e, humihingi po ako ng tawad.

"Na na-offend ko kayo, or hindi niyo nagustuhan ang pangyayari.

"Mero’n po kaming problema at ako po’y nagpapakumbaba sa mga hindi nagkagusto sa pangyayaring yun.

"At naniniwala ako, sa takdang panahon, maiintindihan ninyo kung bakit nangyari yun.

"At sana, sa takdang panahon, e, mabigyang solusyon din ang problema na yun."

Sa huli, inilabas ni Boy ang kanyang mahiwagang salamin na matagal na raw niyang hindi nailalabas.

Nasa harap nito si Vice Ganda, ano raw ang gusto niyang sabihin sa sarili niya?

"Congratulations! Job well done!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN