Gardo Versoza recalls last conversation with former co-star Tyron Perez

Gardo Versoza on former co-star Tyron Perez: "Nanlulumo kami noon nang una naming mabalitaan na namatay na siya. Nasa taping kami no’n, e, nung nalaman namin. Nagpakamatay nga raw."



Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ni Gardo Versoza nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong ntanghali ng January 2, Lunes, sa Power Plant Mall, Makati City.

"Walang taping ngayon, kaya medyo relax muna tayo," nakangiting bungad ng aktor nang madatnan siya ng PEP sa third floor coffee shop ng mall, kasama ang kanyang girlfriend na si Ivy Vicencio.

Ang tinutukoy ni Gardo ay ang tuluy-tuloy pa rin niyang trabaho sa afternoon soap ng GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Baka raw sa first week ng February mag-last taping si Gardo para rito.

Noong December 10, nag-first year death anniversary ang yumaong ina ni Gardo na si Mrs. Purisima Luchangco Polintan, o si Tita Baby.

Ayon sa aktor, "Okey naman so far.

"Mas naka-move on na rin, although naro’n pa rin ang sobrang pagka-miss kay Mommy."

Kung last year, puno ng lumbay ang pagdiriwang nina Gardo at Ivy ng holiday season, this year ay mas masaya at panatag sila.

Noong Christmas, sa bahay nila sa Pasig City nagdiwang.

On New Year’s Eve, nasa isang hotel naman sila sa Eastwood City, kasama ang ilan pang kaanak ni Ivy na malapit din kay Gardo.

STARTING THE YEAR. Ngayong 2012, nagsisimula si Gardo sa panibagong taon nang may pagpapasalamat para sa isang productive 2011.

"Thankful pa rin sa nakalipas na taon.

"Tuluy-tuloy naman ang blessings, last year," sabi niya.

In early 2011, nagsimulang mag-tape si Gardo para sa Amaya, bilang si Rajah Mangubat.

Ginampanan niya ang role ng may anim na buwan.

Tapos, may offer na role sa patuloy na isinasahimpapawid pang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Noong Agosto ng nakaraang taon, habang ginagawa ni Gardo ang Amaya ay naospital siya.

"Pero hindi dahil sa work pressure ’yon, e. Yung kinain ko lang sa set, medyo hindi kinaya ng tiyan ko," pasubali ni Gardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Buti naman, nakapagpa-executive check up din ako, para mas matingnan yung iba ko pang defects, sa vital organs."

Otherwise, malaking tuwa para kay Gardo na nanalong Best Drama Series sa Golden Screen TV Awards ng Enpress ang Amaya, at para sa pagganap dito’y nagtamo siya ng acting nomination.

"Enough to keep us going," sambit pa niya.

Sa loob ng dalawang linggo, umaasa ang aktor na makakatanggap ito ng abiso mula sa GMA-7 management hinggil sa susunod na TV drama project na kasasalihan niya.

REMEMBERING TYRON PEREZ. Naibahagi rin ni Gardo sa PEP ang lungkot at panghihinayang na naramdaman niya sa pagkamatay ng young actor na si Tyron Perez.

Namatay si Tyron noong December 29, at nakatakdang ilibing sa Concepcion, Tarlac, bukas, January 5.

Siya ay 27 years old, bagamat madalas masabing 26 siya, kahit dito sa PEP, dahil itong huli ang naging showbiz age niya.

Sa unang araw ng burol ng namayapa noong December 30, nagtungo si Gardo sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque.

"Nagkasama kami sa Kung Mahawi Man Ang Ulap, noong 2007," banggit ng aktor tungkol kay Tyron.

Hindi man naging pangmalagian ang pagtatrabaho nina Gardo at Tyron, nagkaroon daw sila ng bonding moments na sapat para magturingan silang magkaibigan.

Humihingi pa raw ng acting tips si Tyron kay Gardo.

"Kaya parang nagwa-one-on-one workshops kami.

"Halimbawa, sa characterization, sabi ko, ’Iba-ibahin mo hitsura mo para hindi nakakasawa..."

Dagdag pa ni Gardo, "Pumupunta pa siya sa bahay noon...may dalang pagkain."

Naputol nga lang daw ang komunikasyon nila nang hindi na sila magkasama sa project sa GMA-7. Lumipat si Tyron sa ABS-CBN at matagal na nanatiling Kapamilya talent hanggang sa huling mga oras nito.

October of last year, huling nagkatrabaho sina Gardo at Tyron sa Tv5 naman, sa isang episode ng Untold Stories Mula Sa Face To Face.

Hindi naman makapaniwala si Gardo na hahantong ang young actor sa pagsu-suicide, ayon sa naging pagkakakilala niya kay Tyron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa burol, tinanong daw ni Gardo ang ina ni Tyron kung mayroon itong alam na posibleng nakasamaan ng loob ng anak.

"’Wala!’" pagre-recall ni Gardo sa naging tugon ng ina ni Tyron.

Dagdag pa ng aktor, "Nanlulumo kami noon nang una naming mabalitaan na namatay na siya.

"Nasa taping kami no’n, e, nung nalaman namin. Nagpakamatay nga raw.

"’Sinong Tyron?!’ sabi namin. Kinabahan na kami.

"Tapos, yun nga, si Tyron Perez nga raw."

LAST MEMORIES. "Yung last na pagpunta niya sa bahay namin, matagal na," pababalik-tanaw rin ni Gardo.

"Yung mas nagkakilala [kami], nagkaroon naman by chance, kaya lang hindi umabot sa magkakaalaman ng mga hinaing.

"Mas nalaman ko yung pag-focus din sa career niya, na gusto pa niyang pagbutihin."

Hindi rin malilimot ni Gardo ang huli nilang napag-usapan ni Tyron.

Aniya, "May gagawin yata siyang teleserye sa Dos...bad guy ang role.

"Tinanong niya ako kung ano ang magandang atake.

"Sabi ko, ’Pakalbo ka!’ Tanong naman niya, ’Okay ba ’yon?’

"Sabi ko, ’Para maiba, mas malakas ang impact. Tutal, may bigote ka, ibang-iba ang impact nun.’

"Tapos, hindi ko alam, may pinagpaalaman siya, hindi siya pinayagang magpakalbo."

Rason din ni Gardo, kaya nai-advise niya ’yon kay Tyron: "Kasi kung hindi mo nirerepaso ang hitsura mo para aakma sa role, medyo less effective, e, di ba?

"’Huwag ka lang magpapataba, tapos hindi mo na maibabalik...’" natutuwang pag-alala pa ni Gardo sa mga huling pag-uusap nila ni Tyron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN