SPECIAL REPORT: PEP asks Senior Inspector Arthur Quiñonez for update of investigation on Tyron Perez’s death

Senior Inspector Arthur Quiñonez (main photo) is the police officer in charge of the investigation into Tyron Perez’s (inset) death.


Nang pumutok ang balitang namatay na ang aktor na si Tyron Perez noong gabi ng December 29, Huwebes, maraming naglabasan na diumano’y nag-suicide daw ang binata.

Dahil daw sa problema sa pamilya, sa asawa, at sa pera. Diumano’y may malaking utang daw ang aktor sa isang casino.

Ngunit ayon sa imbestigasyon ng pulisya—na pinamunuan ni Senior Inspector Arthur Quiñonez ng Valenzuela Police Station—di pa nila tinutuldukan kung nagpakamatay nga si Tyron o hindi.

At lalong wala pa raw malinaw na rason ng kamatayan nito, sapagkat hindi pa tapos ang lahat ng mga examination na ni-request nila para makuha ang mga kasagutan.

Upang magkaroon ng linaw ang pagkamatay ng aktor, pinuntahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senior Inspector Quiñonez upang hingan ng update tungkol dito.

BALLISTIC & AUTOPSY. Kumusta na ba ang kaso ng pagkamatay ni Tyron Perez?

"A, sa ngayon, a, lumabas na ’yong ano, a, ballistic examination at saka ’yong autopsy examination sa... kay Tyron," saad ng Senior Inspector.

Ano ang naging resulta?

"Sa autopsy result, nakalagay do’n na ano, isa lang ang—namatay siya dahil sa gunshot wound sa ulo, particularly sa right temple.

"’Tapos, sa ballistic, ’tapos sa ballistic examination naman, nakalagay do’n, na ’yong na-recover naming...nakalagay dito na ’yong baril na na-recover namin sa tabi ni Tyron ang siyang ginamit sa pagkabaril sa kanya."

THE GUN. Ano iyong baril na iyon?

Agad namang tugon nito, "Isang ano, isang ah, caliber 22 North American Arms Homemade revolver ang description. Wala po itong serial number."

So wala itong lisensya?

"Wala, kasi..."

Pero sa kanya iyon?

"Walang, walang, a, hindi namin ma-identify kung sinong may-ari.

"Kasi ano, walang, walang ano, walang serial number," pahabol nito.

Sabi pa ng Senior Inspector, "Kasi ’yong baril na ’yon ano, ’yong, ah, collectors item na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong mga baril no’ng araw, na mga iba, maliliit na baril, collectors item na kung tawagin."

THE CALL. Sa statement nga raw na nakuha nila sa asawa ni Tyron na si Liv Espino-Perez, nagmamay-ari diumano ang asawa nito ng baril.

Ngunit hindi raw alam ni Liv kung saan ito nanggaling.

Nakuhanan na ng statement ang asawa ni Tyron?

"Oo, nakuha, nakuhanan na po namin ng statement, oo," tugon ng Senior Inspector.

Ano ang naging statement nito?

"Katulad rin po ng pahayag niya sa TV, ’yon nga."

"’Yong nagsabi sa kanya si ano, si, si Tyron na magpapakamatay siya, ’yon ang sinabi niya.

"Habang naroon siya sa, habang nag-uusap sila sa cellphone, oo."

CONSISTENT STATEMENTS. Umaayon naman ang salaysay na ibinigay ng asawa ni Tyron sa TV sa ibinigay niyang salaysay sa pulisya.

Kung matatandaan, ayon nga kay Liv, "December 29, tinawagan niya ako ng mga nine a.m. Kakagising ko lang.

"Sabi niya [ni Tyron], ’Nasa’n ka? Magpapakamatay na ako! Hindi ko na kaya!’"

Naniwala ba siya agad?

"Hindi po. Kasi si Ty [tawag niya kay Tyron], lagi namang ganun yun, e.

"Sabi niya, ’Magpapakamatay na ako! Hindi ko na kaya! Gusto mo marinig?’

"Yun na, baaamm! Hindi malakas [ang putok], parang nahulog lang na book or something, boom!

"Hanggang sa narinig ko na lang, nahulog yung cell phone niya.

"Narinig ko ang last breath niya na parang, ’Hhhmmhh!’ Gano’n... Talagang nag-i-struggle."

(CLICK HERE to see related article.)

TYRON’S CELLPHONE. Na-recover na ba ’yong cellphone?

"Ah, na-recover namin ’yong cellphone ni ano, ni...’Yong cellphone ni ano, ni Tyron.

"Pinadala namin sa Camp Crame for ano, digital forensic examination.

"Para ma-retrieve do’n ’yong mga exchange of messages niya at saka mga ibang tao pa.

Na-retrieve naman na ba ang lahat ng nakausap niya—tawag man o text messages?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa, mga lalabas pa, e.

"Wala pa ’yong resulta, siguro mga within this month lalabas na ’yong resulta.

Matagal ba ang processing noon?

"Mga two weeks, two to three weeks."

LIV’S TOYOTA ALTIS. Nasaan na ang kotse kung saan natagpuang ang katawan ni Jojo Perez? Ito ang tunay na pangalan ng yumaong aktor.

Paglalahad ni Senior Inspector Quiñonez, "Sinoli na po namin sa ano, sa asawa.

"Kasi ’yong kotse nasa, naka-register sa pangalan niya [si Liv Espino-Perez], pangalan no’ng asawa ni Tyron.

"E, binalik namin no’ng ano, two days ago, two days ago."

IS IT SUICIDE? Base sa mga nakalap na ebidensya, maaari nga bang nag-suicide ang naturang biktima?

"At this point hindi ko naman sinasabing nag-suicide siya.

"Pero ’yong mga ebidensya, lumalabas na parang doon patungo ’yong imbestigasyon namin."

Sino ang mga testigo niyo?

"Bale dalawa po ang nakuha naming ano, ’yong sila ano, ’yong mga testigo na sila, si Alvin.

"’Yong mag-asawang Alvin Enriquez [Salazar] at saka si, asawa niya si ano, anong pangalan no’ng asawa, si Priscilla Salazar.

"Ito ’yong mag-asawang kaibigan ni Tyron, ito ’yong tinutuluyan niya sa Valenzuela."

Wala bang mga tangkang pagnanakaw o kung ano man?

"Wala naman po, wala, walang, wala namang gano’n. Wala namang indications ng robbery o iba pa."

TYRON’S WIFE. Tinanong din ba nila ang asawa ni Tyron kung may away sila ng nasawi, o kung may problema ba itong mabigat na pwedeng dahilan ng pagsu-suicide nito?

"E, sabi no’ng ibang mga testigo, ah, ’yong pag-aaway nila ay nor...ano lang, ah, normal lang na nangyayari sa mag-asawa," sagot ng Senior Inspector.

MGA PAHAYAG. Ayon nga sa naging pahayag ng kaibigan ni Tyron na si Priscilla, "Basta ang alam ko lang, may problema siya, pero hindi niya masyadong dini-detalye, hindi masyadong madaldal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa asawa ni Priscilla na si Alvin, "Ang alam ko po may problema siya sa pamilya at sa sasakyan."

Ang sasakyan na ito ang Toyota Altis, kung saan natagpuang patay si Tyron.

Ito rin ang sasakyang diumano’y sinangla niya sa casino dahil sa pagkakautang, ngunit tinubos daw naman ng kakilala nila.

Sa ulat nga ni Ginger Conejero ng ABS-CBN News, inamin ni Liv na nagkaroon nga sila ng problema dahil sa pagsusugal ng kanyang asawa.

(CLICK HERE for related article.)

Hindi tuwirang sinagot ni Senior Inspector Quiñonez kung suicide nga ang dahilan ng pagkamatay ni Tyron.

May hinihintay pa raw kasi silang dalawa pang mga examination.

"Gusto namin makuha ’yong ano, paraffin examination..."

Para saan ang paraffin examination?

"Para ma-determine kung nagpaputok ng baril si Tyron. Sa kamay niya, ’yon ’yong paraffin na sinasabi."

Ano ang isa pang examination na hinihintay?

"Saka ’yong digital forensic examination, ’yong result no’ng, ’yong ano, cellphone.

Matapos makuha ang dalawang iyon, doon na ba malalaman kung suicide ba o hindi ang dahilan ng pagkamatay ni Tyron?

"Oo, ’yon na po no’n. Tama, tama."

Ngunit para sa asawa naman ni Tyron na si Liv, kumbinsido daw itong nag-suicide ang kanyang asawa at walang halong "foul play" na nangyari.

(CLICK HERE for related article.)

Nag-suicide nga ba ang aktor na si Tyron Perez? Posible nga bang magawa niya ito?

Kung totoo mang nag-suicide ang 27 na taong gulang na aktor, ano kaya ang totoong dahilan ng suicide niya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN