Brillante Mendoza supports petition to show Director’s Cut of Tikoy Aguiluz’s Asiong Salonga

"The ultimate insult to the filmmaker is yung pakialaman yung trabaho niya nang hindi sinasabi [sa direktor]; nang hindi kayo nagkakasundo, o hindi man lang nagpapaalam. So, sa akin, yun ang ultimate sin that any producer can do to a director," says director Brillante Mendoza (in photo). He is directly referring to the travails of fellow director Tikoy Aguiluz with the latter’s film, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.


Pabor si direktor Brillante "Dante" Mendoza na maisakatuparan ang hinihingi ng isang petisyon na ipalabas ang "uncut and unaltered" version ng pelikula ni Amable "Tikoy" Aguiluz VI, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

"I’m really all for him," lahad ni Direk Brillante tungkol sa kapwa direktor.

Sinabi ito ni Direk Brillante, na di lang minsan itinanghal na best director sa mga international film festivals, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang pelikula ni Direk Tikoy na tinutukoy ni Direk Brillante ay big winner sa ginanap na 37th Metro Manila Film Festival Awards Night.

Labing-isang tropeyo mula sa MMFF ang napanalunan ng Asiong Salonga, kabilang na ang Best Picture at Best Director.

Pinag-usapan din ang Asiong Salonga dahil sa mga kontrobersiyang pumalibot dito, kung saan sangkot ang producers nitong Scenema Concepts, Inc. at Viva Entertainment Productions, Inc., ang lead actor nitong si Governor ER Ejercito, at ang direktor nitong si Tikoy.

Sa ngayon ay public knowledge na ang mga naging kontrobersiya hinggil sa award-winning film.

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Direk Tikoy at ng kanyang producers, na "nakialam" sa pagtatapos ng pelikula, kasama na ang re-shooting, re-editing, scoring, at iba pa.

Kumampi naman si Governor ER sa kanyang producers.

Kinusulta pa raw nito ang ibang prodyuser, gaya nina Vic del Rosario ng Viva Films at Lily Monteverde ng Regal Entertainment, at sinabi raw ng mga ito na ang huling desisyon sa anumang pelikula ay nasa prodyuser.

Taliwas ang opinyon ni Direk Brillante tungkol dito: "Hindi tama yung ginawa ng producers.

"The ultimate insult to the filmmaker is yung pakialaman yung trabaho niya nang hindi sinasabi [sa direktor]; nang hindi kayo nagkakasundo, o hindi man lang nagpapaalam.

"So, sa akin, yun ang ultimate sin that any producer can do to a director."

Para rin kay Direk Brillante, nararapat na sundin ang petisyon ng publiko bilang respeto sa may likha ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinihingi ng petisyon na mapanood ng publiko ang sinasabing Director’s Cut ng obra ni Direk Tikoy.

"By all means," sabi ni Direk Brillante.

TALKING FROM "NON-EXPERIENCE." Masasabing masuwerte si Direk Brillante dahil hindi pa niya nararanasan, sa alinman daw sa mga pelikula niya, ang naranasan ni Direk Tikoy sa pinakahuli nitong pelikula.

"Ay, wala... At sana huwag mangyari sa akin ang gano’n," aniya.

Nanalong Best Director si Brillante sa Cannes International Film Festival noong 2009 para sa Kinatay, isang Filipino-French co-production.

Bago ito ay naging Cannes main competition entry rin ang kanyang Serbis (2008); Berlin Filmfest entry ang kanyang Tirador (2007); at Venice Filmfest entry ang kanyang Lola (2009)—na pawang foreign co-productions.

Ayon kay Direk Brillante, "Kasi ako, it’s the reason why I did four or five films ng [international] co-producer ko.

"Kasi we respect each other.

"Alam niya yung limitations niya, alam ko yung limitations ko.

"Sa kanya, ultimo isang word, ipinagpapaalam niya sa akin.

"I think that’s how you should work."

BERLIN FILMFEST-BOUND. Sa February 9 to 19, 2012, nakatakdang mag-compete sa Berlin International Film Festival sa Germany ang bagong pelikula ni Direk Brillante.

Ito ay ang ang Captive. Ang dating titulo nito ay Prey.

Ang kuwento ay may kinalaman sa mga kidnapping sa south ng Pilipinas, involving the Abu Sayyaf.

Bida sa Captive ang acclaimed French actress na si Isabelle Huppert.

Kasama rin ang maraming premyadong Filipino actors: Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Mon Confiado, Angel Aquino, Rustica Carpio; at mga theater actors tulad nina Bea Garcia at Che Ramos.

Hindi ba nagkaroon ng issue sina Direk Brillante at ang kanyang foreign producers, na katulad ng nangyari kay Direk Tikoy at sa Asiong Salonga biopic?

"Walang mga ganung issue," sagot ng direktor.

"Kaya lang tumagal ang pelikula nang ganito, kasi they have to wait for me.

"Sa mga commercial producers, parang [ang sitwasyon], ’I-edit mo na ’yan kasi lugi na ako, natutulog ang pera ko...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With my producers, kahit papa’no, naghihintay sila sa akin: ’When are you ready to edit [your film]?’

"When I say, parang, ’I’m not yet ready to edit because I have to study the shots,’ maghihintay sila.

"Maaaring case-to-case basis din, pero I’m glad hindi nila ako hina-harass."

One year in the making ang Captive, kabilang na ang post-production nito simula noong January 2011.

Hindi ba nagkaroon ng problema si Direk Brillante with his editors and other post-production staff dahil sa tagal ng proseso?

Aniya, "In Captive, I have a Filipino editor and I have a foreign editor.

"Nag-edit kami ng iba, pero sinabi ko pa sa editor ko.

"In fact, puwede ko nang gawin ’yon being the director.

"Dapat nirerespeto mo ang bawat staff, ang bawat isa.

"Kasi artists ’yan, e. Hindi mo puwedeng bastusin ang mga ’yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN