Pia Guanio announces she’s five weeks pregnant

Pia Guanio (in photo) announced today, January 5, in the noontime variety show Eat Bulaga!, that she’s five weeks pregnant: "Siyempre, unang makakaalam ang Dabarkads!"


Buntis na si Pia Guanio.

Ito’y kanyang in-announce ngayong tanghali, Enero 5, sa noontime variety show ng GMA-7 na Eat Bulaga!, kung saan siya’y isa sa mga co-hosts.

Sabi pa niya, "Siyempre, unang makakaalam ang Dabarkads!"

"Dabarkads" ang tawag ng mga hosts ng Eat Bulaga! sa kanilang sarili.

Limang linggo na raw siyang buntis sa asawa niyang si Steve Mago, ngunit kahapon, Enero 4, lamang nila ito nalaman.

Matatandaan na noong Oktubre 1, 2011, ikinasal sila sa tahanan ng mga magulang ni Steve sa Ayala, Alabang.

Ito’y limang buwan matapos ang engagement nila noong Mayo 7, 2011.

Pribado lamang ang kanilang naging kasal, na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak.

Pero, pinaplano rin daw nilang mag-asawa na magkaroon ng "bigger wedding" para maimbitahan na ang mga kaibigan ni Pia sa showbiz.

(CLICK HERE for related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN