MMFF 2011: Enteng Ng Ina Mo assured of being top grosser; Kris Aquino may get wish to come in second

As of January 1, 2012, the Vic Sotto-Ai-Ai delas Alas-starrer, Enteng ng Ina Mo, comfortably led this year’s entries to the 37th Metro Manila Film Festival in box-office sales.


Ilang araw na lang ay malalaman na kung alin sa pitong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 ang mangunguna sa takilya sa taunang pista ng pelikulang Filipino.

Base ito sa box-office sales ng mga pelikulang ipinalabas simula noong Pasko, December 25, 2011, at magtatapos sa January 7, 2012.

Sa naunang figures na ipinalabas ng executive chairman ng MMFF na si Francis Tolentino, malaki ang lamang ng Enteng Ng Ina Mo sa mga kalaban nitong mga pelikula.

Mula sa unang tatlong araw ng pagpapalabas ng entries—December 25 to 27—nagkamal ang pelikulang ito nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas ng P91,892,997.10.

Sa ganoon ding panahon, pumangalawa ang Panday 2, na bida sina Senator Bong Revilla, Jr. at Marian Rivera, na kumita ng P51,527,616.

Samantala, pumangatlo ang Segunda Mano nina Kris Aquino at Dingdong Dantes, na may kinitang P46,931,780.05.

Pang-apat ang horror franchise ng Regal Entertainment na Shake Rattle & Roll 13, sa P22,756,512.30.

Sinundan ito ng My Househusband: Ikaw Na!, sa P20,839,817.10.

Tapos, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, sa P7,957,716.50.

At panghuli sa pito ay ang Yesterday Today Tomorrow, sa P4,089,922.50.

Noong December 28 ay ginanap ang Gabi ng Parangal ng MMFF.

Nagwagi ng pinakamaraming tropeyo ang Asiong Salonga—11 awards, kabilang na ang Best Picture.

Base sa mga nagdaang MMFF seasons, sinasabing nakakatulong ang dami ng awards na napanalunan ng pelikula para mas pasukin ito ng manonood.

Napagtitibay raw kasi nito ang impresyong karapat-dapat panoorin ang pelikulang naparangalan, o magdudulot ang awards ng kuryusidad para pasukin ito ng tao.

Pero tila walang gaanong epekto ang naging resulta ng awards night sa kita ng pitong pelikulang kalahok ngayong taon sa MMFF.

Base kasi sa pinakabagong tala mula sa MMFF—mula December 25, 2o11, hanggang January 1, 2012—nanatili sa unang puwesto ang Enteng Ng Ina Mo (P183,213,717.35), samantalang nasa ika-anim na puwesto pa rin ang Asiong Salonga (P31,781,973.55).

Sa katunayan, mas lumaki pa ang kalamangan ng Enteng Ng Ina Mo sa ibang mga kalahok, kahit na ang tanging napanalunang award nito ay 2nd Best Picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon lamang ng pagbabago mula sa ikalawa hanggang ikalimang puwesto.

Ayon sa pinakahuling tala, umakyat sa ikalawang puwesto ang Segunda Mano (P94,629,812.45).

Naungusan nito ang Panday 2 (P86,316,624.55), na bumaba sa ikatlong puwesto.

Nagkapalit din ng puwesto ang My Househusband at Shake Rattle & Roll 13.

Umangat sa pang-apat na puwesto mula panlima ang My Househusband (P42,587,787.58), samantalang bumaba naman sa panlimang puwesto mula sa pang-apat ang Shake Rattle & Roll 13 (P41,935,473.35).

Kung susuriin, tila hindi rin nakatulong sa ilang pelikulang kalahok ang mga intriga at usaping kinasangkutan ng kanilang mga bida, o sinumang kasali sa pelikula, para pasukin ng mga manonood ang kanilang entries.

PEP POLL. Hindi rin nagkakalayo ang official box-office ranking ng MMFF entries sa pulso ng PEPsters.

Sa isinagawang poll ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa MMFF microsite nito, ganito ang katanungan:

"Alin sa pitong pelikulang kasali sa MMFF 2011 sa tingin mo ang magiging top grosser?"

Tumakbo ang poll mula Disyembre 20 hanggang ngayong araw, January 5, 2012.

Narito ang naging resulta mula sa 687 na bomoto:

1. Enteng ng Ina Mo - 50% (348 votes)

2. Ang Panday 2 - 18% (126 votes)

3. Segunda Mano - 12% (83 votes)

4. My Hosehusband: Ikaw Na! - 7% (47 votes)

5. Shake Rattle & Roll 13 - 6% (38 votes)

6. Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story - 5% (31 votes)

7. Yesterday Today Tomorrow - 2% (18 votes)

(CLICK HERE to view MMFF microsite.)

OFFICIAL FIGURES. Heto ang official figures ng MMFF entries mula December 25 hanggang January 1 mula sa executive committee ng MMFF:

1. Enteng ng Ina Mo - P183,213,717.35

2. Segunda Mano - P94,629,812.45

3. Ang Panday 2 - P86,316,624.55

4. My Househusband: Ikaw Na! - P42,587,787.58

5. Shake Rattle & Roll 13 - P41,935,473.35

6. Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story - P31,781,973.55

7. Yesterday Today Tomorrow - P7,359,070.85

Pero posible pa ring magkaroon ng pagbabago sa ranking ng pitong MMFF entries.

Halos isang linggo pa ang natitira bago ang katapusan ng festival mula sa huling official figures na naitala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN