Arthur Solinap admits missing girlfriend Rochelle Pangilinan during Survivor competition

Arthur Solinap on how he realized how important his girlriend Rochelle Pangilinan is when he was away from her during the Survivor competition: "Like si Rochelle, sabi ko, hindi na mauulit na mawawala ako nang ganoon katagal. Sobrang doon ko na-feel na sobrang concerned pala ako kay Rochelle."


Sa January 3, Tuesday, episode ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay na-vote out na si Arthur Solinap.

Pero nanatili siya sa isla bilang ikalawang member ng jury, kung kaya’t hanggang sa huli ay mapapanood si Arthur.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arthur sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. noong Miyerkules, January 4, ibinihagi niya sa amin ang nararamdaman niya sa kanyang pagkakatanggal at karanasan sa isla.

Aniya, "Sa umpisa pa lang, yung sarili ko talaga ang tsina-challenge ko.

"Kasi, yun nga, hindi ako ready na pumasok.

"Ang kalaban ko, yung sarili ko noong una. Na kaya ko ’to.

"Hindi ko muna iniisip yung mga kalaban ko.

"Para sa akin, mas magandang experience siya. Ang dami kong natutunan.

"Yung mga small things pala na nati-take for granted natin dito sa Pilipinas, pagdating doon, sobrang importante."

Natatawang dugtong pa ni Arthur, "Nabawasan din ang pagka-OC [obsessive-compulsive] ko!"

Kasama ni Arthur sa Survivor Philippines ang kanyang pinsan na si Carlo Gonzalez, na siyang nag-challenge at nag-convince daw sa kanya na sumali sa reality show na ito ng GMA-7.

Saad ni Arthur, "Sinabi nga sa akin ni Carlo, kung hindi ko itsa-challenge ang sarili ko, paano ko mao-overcome yun?

"So, tinanggap ko ang challenge at sumali ako.

"Maganda rin naman talaga ang naging epekto, sobrang ganda. Kaya no regrets kahit ano pang sabihin.

"At kung uulitin at sasabihin nila kung sasali pa ba ako, sabi ko, ’Oo.’

"Pero kung sasali ulit, huwag naman siguro sa susunod agad."

Naunang na-vote out si Carlo kesa kay Arthur.

DOWN-TO-EARTH GUYS. Malaking bagay raw para kay Arthur na silang magpipinsan—siya, si Carlo, at si Dingdong Dantes—ay koboy lang at puwede kahit saan.

"Kahit nga sa Boracay, nagkakamay lang kami.

"Pupunta kami sa isang island, ilalagay lang sa dahon ang mga pagkain, wala kaming arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang, mag-a-alcohol muna ako!" natatawang pagbibiro pa ni Arthur.

Wala raw silang dalang alcohol o kahit anupaman sa isla ng Palawan, kung saan ginawa ang Survivor, dahil bawal daw itong talaga.

THE MOST CHALLENGING PART. Sa lahat ng nangyari at ginawa nila sa isla, saan siya pinaka-nahirapan?

"Doon kasi, pagod na, gutom [pa].

"Tapos, mind game pa ang utak mo. Isip ka nang isip.

"Ang dami mong pakikisamahan na tao.

"Yung mga challenges sa akin, hindi siya mahirap para sa akin.

"Doon nga kami nag-e-enjoy, yung may ginagawa.

"Ang mahirap, yung camp life. Pakikisama sa ibang tao. Paano ka maghahanap ng pagkain.

"Gutom ka na, pagod.

"Tapos, pinakamalala pa do’n, pagdating ng gabi, lahat kami inuulan. Sobrang nanlalamig."

Kuwento pa ni Arthur, hindi naman sila nagkasakit habang nasa isla.

Nagkaroon naman daw sila ng anti-malaria vaccine, pero wala na raw silang panlaban sa iba pang puwedeng makuha nilang sakit.

"Sa mga sipon, hindi kami bine-baby do’n.

"Pero noong nakauwi na kami, doon ako nagkasakit. Ilang araw akong bagsak.

"Feeling ko, doon ako siningil. Adrenaline siguro."

Kahit sinasabi ni Arthur na siya ang pinaka-hindi prepared noong una, never daw niyang naisip na mag-quit.

"Never, never talaga.

"Ako kasi, kapag sinimulan ko, hindi ko ugali yung magku-quit.

"Tatapusin kong talaga."

IT WAS EXPECTED... Inasahan na rin naman daw ni Arthur na ma-vote out siya.

Aniya, "Expected ko na rin kasi, nasira ang plan namin noong manalo si Arnold [Aninion].

"Alam ko, isa sa aming tatlo nina Maey [Bautista] at Betong ang matatanggal.

"So, mas okay naman na siguro na ako ang matanggal kesa do’n sa dalawa.

"Kasi, para sa akin, deserving din sila.

"At saka, yung plano namin ni Carlo, kung paano namin nilaro yung game, mas maganda kasing manalo nang harap-harapan at hindi manalo ka nang patalikod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang plano talaga namin, ipanalo yung mga challenges, hindi yung kung paano mag-backstab ng mga tao para lang manalo."

Dugtong pa ni Arthur, "Mas maganda naman siguro yung hindi ka man nanalo, pero marami kang narinig na positive.

"Kesa naman yung nanalo ka, tapos minumura ka naman ng mga tao sa labas.

"Ang dami mong nare-receive na hate tweets or hate mails.

"Sa akin, achievement na yun sa aming dalawa ni Carlo ang magagandang feedback na natatanggap namin."

GOOD BOYS. Masaya rin si Arthur dahil kahit daw ang pamilya nila, nakita niyang natuwa sa mga napanood sa kanila.

"Wala akong narinig na sinabi nilang dapat hindi mo ginawa. Puro positive talaga ang sinabi sa akin.

"’Maganda ang ginawa ninyo, kayo ni Carlo. Yung values ninyo, ipinakita ninyo sa game.’

"Puro maganda talaga ang feedback."

THE CHANGES. Matapos ang kanyang naging buhay sa Survivor, ano yung mga nabago sa kanya?

Sabi ni Arthur, "Well, hindi lang naman ’yan sa pagka-OC.

"Mas nakita ko ngayon na mas naging better person ako.

"Mas naging sweet na ako sa parents ko.

"Siyempre, lalaki, hindi ako malambing.

"Ngayon, hina-hug ko na [sila]. Alam ko na ang feeling na wala ako.

"Siguro, meant to be na sumali ako sa Survivor.

"Hindi lang para manalo, kung hindi gusto ni Lord na baguhin ako as a person."

Bilang isa sa mga jury ngayon, kung siya ang tatanungin, sino ang gusto niyang maging Survivor talaga?

"As of now, doon sa mga naiwan, either kay Maey, Betong, or kay KC [Montero].

"Kumbaga, kung sino sa kanila ang manalo, masaya na ako.

"Wala kang itatapon sa tatlong yun, kahit sino sa kanila."

LOVING ROCHELLE MORE. Hindi naman itinanggi ni Arthur na bukod sa kanyang pamilya, ang girlfriend niyang si Rochelle Pangilinan ang isa sa na-miss at iniisip niya habang nasa isla siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Naalala mo noong binagyo tayo? Naiisip namin sila [Rochelle at pamilya ko]. Nagtatanong kami kung kumusta sila.

"Hindi raw sila puwedeng makipag-communicate sa family and wala kaming idea kung ano’ng nangyari rito.

"Wala kaming oras, wala kaming idea.

"Na-miss ko family ko, aso ko, si Rochelle, lahat ng ginagawa rito [sa Manila]... Kama mo.

"Lahat ma-appreciate mo.

"Like si Rochelle, sabi ko, hindi na mauulit na mawawala ako nang ganoon katagal.

"Sobrang doon ko na-feel na sobrang concerned pala ako kay Rochelle.

"Kasi, noong binagyo nga, iniisip ko, hindi ako makatulog. Kung kumusta sila sa Manila.

"Malala ba ang nangyari sa kanila? Kung binaha ba siya ulit?

"Kasi, may trauma na ako sa dati niyang tinitirhan na nalubog ang dalawang kotse niya."

WILL YOU... Hindi nakasama sina Arthur at Rochelle sa Boracay kung nasaan nagdiwang ng Kapaskuhan ang pamilya ng aktor.

May sariling naging plano si Arthur para kay Rochelle, pero hindi raw siya nag-propose last holidays.

Nakangiting sabi ni Arthur, "Hindi, first Christmas kasi niya sa bahay niya.

"So, yung mga relatives niya sa Malabon, pinapunta niya do’n. First Christmas at New Year niya.

"Hindi muna kami nag-outing ngayong Christmas, kasi nga, first year [sa bahay]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN