Carlo Gonzales on fellow Survivor castaway Arnold Aninion: "Wala siyang paninindigan."

"Ewan ko, magaling akong magkilatis ng tao, kung hindi ko alam na genuine. Hindi naman sa kung paano niya ako trinato or trinaydor niya ako. I don’t want to sound biased, pero after no’n kasi, may mga sinasabi pa siya na hindi totoo na ngayon ko lang nalaman at hindi nilabas sa TV. Nalaman ko lang from other people sa island, sa mga castaway rin. Para sa akin, tapos na ang laro," says Carlo Gonzales on why he never became close to fell


Labinlimang araw nanatili sa Survivor Philippines Celebrity Double Showdown si Carlo Gonzalez.

Siya ang pinakahuling na-eliminate bago mabuo ang mga papasok sa Top 10.

Si Carlo, na katambal ang pinsang si Arthur Solinap, ang sinasabing isa sa may pinakamahusay na strategy sa challenges.

Kasama si Carlo sa grupong Tala, ang kinunsiderang matinding kalaban sa umpisa pa lamang.

At ang pagiging magaling daw ni Carlo ang sinasabing naging dahilan kung bakit siya pinatalsik agad ng kanyang mga kasama.

WHAT HE GAINED. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carlo sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. noong Miyerkules, Enero 4, sinabi niyang wala siyang pagsisisi sa pagsali sa Survivor.

Aniya, "Siyempre, naging sobrang challenging for me.

"Siyempre, kahit sino naman, first time na pinagdaanan yun.

"Personally, mas marami akong na-gain.

"Kumbaga, sa pangkalahatang concept, mas nakita ko...at mas nakita ko ang pagkatao ko.

"Mas nakilala ko ang personality ko, na kaya ko palang maging patient pa.

"I-extend yung patience ko, yung gutom ko, yung hirap, yung pagod.

"Kumbaga, mas nakita ko pa ang capacity ng katawan ko mentally at physically."

Kung pasasalihin nga raw siyang muli as castaway, sasali siyang muli sa Survivor.

"Actually, naitanong na sa akin ’yan, out of nowhere lang.

"Tinanong lang hypothetical question, sabi ko, ’I would be glad to do it again.’"

THE FIGHTER. Kumpara sa pinsang si Arthur, si Carlo raw ang talagang palaban umpisa pa lamang.

Kuwento ni Carlo, "Ako ang nag-convince sa kanya. Noong nagda-doubt siya, ini-encourage ko lang siya.

"Sinabi ko na, ’Ang kagandahan niyan, pareho tayong nandoon. Puwede tayong magtulungan.’

"Ako kasi, gusto ko kasi yung mga ganoon. Challenge yun for me at saka, outside yun of my comfort zone.

"So, gusto ko pinu-push ang limit ko.

"Gusto ko na makita ang sarili ko kung ano ang maipapakita kong pagkatao ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RICH KIDS. Masasabing kapwa galing sa maykayang pamilya sina Carlo at Arthur.

Kabaliktaran ang ginawa at naging pamumuhay nila sa Survivor sa nakasanayan nilang buhay.

Pero kahit ganoon, dalawa sila sa masasabing nagpakita ng magagandang values sa loob ng isla.

Repleksiyon ito kung paano ang naging pagpapalaki sa kanilang magpinsan, kahit pa sanay sila sa ginhawa at isinabak sa hirap ng kumpetisyon.

Hindi ba sila nahirapang mag-adjust sa naranasan nilang buhay sa Survivor?

"Hindi naman," sagot ni Carlo.

"Actually, ang pinaka-obstacle riyan is kung paano mo ipinapakita ang sarili mo or kung paano mo nilalaro ang game, according to your values.

"Hindi importante riyan kung paano ang upbringing mo, background mo. Kung mayaman ang pamilya mo, o mahirap.

"Ang pagpapalaki sa ’yo, yung upbringing mo, malaking factor siguro sa akin yun on how you play the game.

"Marami ang nagsasabi ’That you should play the game this way, that way. Na ang Survivor is the game of deceit.’

"Pero ako, I stick with my principle.

"Although sinasabi ng mga tao na may ganitong way ng paglaro, pero wala namang nagsulat ng ganoong laro.

"So, para sa akin, it’s a game of your personality.

"Kung paano ang personalidad mo, yun ang maipapakita mo.

"Ganoon mo lalaruin ang laro."

THE BIG CHALLENGE. Saan siya pinaka-nahirapan sa buong pananatili niya sa Survivor?

"Yung adjustment stage siguro. Yung adjustment mo sa environment.

"First time kong matulog na naka-short lang sa ulan.

"First day, wala pa kaming apoy.

"Malamig, tapos, inuulan kami. Wala kang pagkain.

"Hindi siya normal living condition. Yun siguro ang mahirap."

NEVER QUIT! Sa mga naranasan nila, naisipan ba nilang magpinsan ang mag-voluntary exit?

"Never kaming nag-quit. Ako, hindi ko talaga nakita yun," sabi ni Carlo.

Noong ma-vote out na siya, ano ang naramdaman niya?

"Siyempre, noong time na yun, marami akong regrets. Marami akong bitterness sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, alam ko na maganda yung ginagawa ko.

"At kumbaga, may purpose kasi ako kung bakit ako sumali.

"Sabihin na natin, aside from the money, aside from the fame, may sarili akong purpose.

"Na gusto kong ipakita sa mga tao na Survivor can be played this way.

"Na puwede kang manalo na wala kang inaapakan.

"And it is a challenge personally for me and, I’m sure, kahit sinong gumawa, magiging challenge sa kanila.

"Pero sa akin kasi, malapit na malapit ko nang magawa. It’s a 50/50 chance.

"Kung hindi lang siguro ako may ginawa, or may naisip akong konting strategy na nagpabago ng lahat ng yun, puwede kong matuloy yung plano na yun."

Dugtong pa ni Carlo, "Pero hindi naman yun ang habol ko—kung ma-out ako before the merge or ma-out ako during the merge.

"Ang goal ko, yung manalo talaga ako."

Ayaw raw kasi niyang lumaban sila nang talikuran.

Ginawa raw nila ito kay Maria Isabel Lopez na sinabi nilang ibu-vote out nila.

Ani Carlo, "Sinabi namin sa kanya na iboboto namin siya, so alam na niya.

"Hindi yung kukuhanin mo pa ang loob niya, tapos ibo-vote out mo naman pala—which was just [what] happened to me."

NOT BITTER! May bitterness ba siya sa nangyaring pag-vote out sa kanya?

"Noong panahon na yun, siyempre mero’n," pag-amin niya.

"Pero ngayon, wala na. Over na ako sa laro.

"Nakikita ko na lang paminsan-minsan na paano kaya kung ginawa ko ’to.

"Bitterness, wala na.

"May sarili silang strategy kung paano nila gagawin, although hindi ako sang-ayon sa strategy na yun.

"Hindi yun ang personalidad ko. Hindi ako ang tipo ng taong makakatulog sa gabi kapag ginawa ko yun.

"So, sa kanila yun. To each his own, e."

PROUD OF HIMSELF. Hindi man siya ang naging Sole Survivor, ang mga na-gain daw nilang followers at magagandang feedback mula sa mga manonood ay "worth everything" na raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nga ang humahanga sa ipinakita nilang dalawa ni Arthur habang nasa isla sila.

Ayon kay Carlo, "Siguro yun ang pinaka-prize ko sa buong laro.

"Hindi ako nanalo but, I mean, yun ang pinakapanalo ko.

"Ang daming nakakilala sa amin, sa akin.

"Nakita yung pagkatao namin na kapag nakikita kami sa labas, sinasabi na, ’Ang galing-galing mo, ang bait-bait mo.’

"Nakakatuwa siya na, in a way, naipakita ko na rin ang purpose ko on how to play the game.

"Paano ako if under pressure, yung ganoon."

Kahit daw ang pamilya nila, natuwa at proud sa kanilang magpinsan nang lumabas na sila sa isla.

"Proud sila. Kahit sa akin, kay Arthur, proud silang talaga.

"Sinasabi nila na doon pa lang, kahit naalis ako, yung tagal ko pa lang sa island na yun at mga ginawa ko, kumbaga, hindi ka nila ikakahiya.

"Ni-represent namin ang family namin."

MISSING LUANE. Anu-ano, o sinu-sino ang mga na-miss ni Carlo noong nasa island siya?

"Lahat...lahat talaga. Ultimo maliliit na bagay—aso ko sa bahay, unan, cell phone mo, laptop mo.

"Siyempre, yung pamilya ko, mga kapatid ko, si Luane, sobrang na-miss ko."

Ang TV personality at girlfriend niyang si Luane Dy ang tinutukoy ni Carlo.

Dagdag pa niya, "Marami talaga.

"Hindi mo lang maiisip ang isang bagay na na-miss mo, kasi sobrang haba ng isang araw at gabi sa island.

"Ang dami mong maiisip na mami-miss mo, ang dami mong maiisip na, ’Uy, nakalimutan kong gawin ’to, pero ang tagal-tagal na.’

"Kumbaga, yun ang recollection at reflection period [ko]."

ON ARNOLD ANINION. Sinasabi na among the castaways this season, ang rugby player at miyembro ng Volcanoes na si Arnold Aninion ang kaiba ang paraan ng paglalaro.

Aminado naman si Carlo na among the castaways, hindi rin talaga siya naging malapit kay Arnold.

Aniya, "Hindi namin nilalahat ang mga Volcanoes, ha... Si Arnold lang, particularly, nakita lang namin na ganoon siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro iba ang upbringing niya, hindi siya lumaki rito.

"Pero, para sa akin naman, kahit saan bansa, hindi yun ang masasabi mo kung paano umarte ang isang lalaki, or sabihin na natin gentleman ka.

"Although pagkatapos ng mga previous episode, ang bait-bait ng aura niya.

"Para sa akin, ewan ko, kung ako lang, siguro naiisip niya na rin na baka ganito ang sabihin ng tao.

"Pero, ewan ko, magaling akong magkilatis ng tao, kung hindi ko alam na genuine.

"Hindi naman sa kung paano niya ako trinato or trinaydor niya ako.

"I don’t want to sound biased, pero after no’n kasi, may mga sinasabi pa siya na hindi totoo na ngayon ko lang nalaman at hindi nilabas sa TV.

"Nalaman ko lang from other people sa island, sa mga castaway rin.

"Para sa akin, tapos na ang laro.

"May gusto kang patunayan, justify?

"Para sa akin, ginawa mo ang isang bagay na ’to, patunayan mo.

"Yun ang wala sa kanya, wala siyang paninindigan."

Civil naman daw sila sa isa’t isa. Hindi raw kasi siya plastic.

Sabi ni Carlo, "Ako naman kasi, kung hindi kita kayang gawing kaibigan, hindi kita gagawing kaibigan."

Kung siya ang papipiliin, sino sa mga naiwan sa isla ang gusto niyang maging Survivor talaga?

"Ako, si Betong at si Maey, kasi sobrang lapit sa puso naming dalawa.

"Magka-tribe kami at saka ibang klaseng mga tao yun.

"Talagang nuknukan ng kabaitan ang dalawang yun. They deserved it.

"At saka, kailangan din talaga nila."

Sa ngayon, kailangan muna raw nilang tapusin ang pagpapalabas ng Survivor.

Pero ayon daw sa manager ni Carlo na si Perry Lansigan, may follow-up project na raw para sa kanya at sa pinsang si Arthur.

"Alam ninyo naman si Perry, usually isu-surprise ka na lang niya," nakangiting sabi ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN