Liv Espino says she was not able to attend her husband Tyron Perez’s funeral due to "a small disagreement between the relatives..."

Liv Espino (main photo), widow of the late Tyron Perez (inset), would have wanted to bury her husband in Las Piñas. Since he joined StarStruck and became an actor, he hardly visited Tarlac, she recalls.

"Pero yun po sa respeto ko na lang sa mga pangalawa kong magulang, sa mga magulang niya po, pumayag na po ako na ipagkaloob na po yung pagkakataon na yun sa kanila, kasi po yung sementeryo po yata malapit sa bahay [nila]. Ang w


Inamin ng asawa ni Tyron Perez na si Liv Espino na nagkaroon ng kaunting gulo sa pamilya ng namayapang aktor.

Kaya raw umuwi na lang daw siya at ang pamilya niya sa Las Piñas, at hindi na sumama sa libing ni Tyron nung nakaraang Huwebes.

Sinadya ng Startalk si Liv kagabi sa kanyang tahanan sa Las Piñas, kung saan abala ito sa paghahanda sa padasal para sa pasiyam ni Tyron.

Ayaw na raw sana niyang magsalita pagkatapos ng libing dahil ang gusto lang niya ay tahimik na lang at hintayin na lang ang ballistic reports mula sa mga pulis kaugnay sa pagkamatay ng asawa.

Kahit sinasabing suicide ang unang resulta ng imbestigasyon, nandiyan pa rin daw ang pagdududa niyang baka may foul play.

Kahit pa kausap raw siya ni Tyron bago ito nagpatiwakal.

Ang sabi ni Liv, "Naglabas na po ang Valenzuela police ng resulta kahapon kasi lumabas na po yung paraffin exams niya.

"Sa left hand side po was negative, and the right hand side was positive.

"Yung ballistic reports niya po, kung ano po yung nakita sa autopsy, yun din po yung baril na ginamit, at yun din po yung nakita sa site dun po sa loob ng sasakyan.

"Napanood po namin sa balita.

"I [am] always double-checking, kasi po, I just wanna make sure po lahat ng developments... bilang naiwang asawa niya po.

"Pero kahapon po nung gabi nakita po namin sa balita na there was an
interview with Valenzuela police—sila po yung may hawak ng kaso.

"Sinabi po nila na with the paraffin, with all the results—lahat po positive, lahat po nagli-link, nagtutugma dun nga po sa untoward incident, na suicide nga po."

FAMILY FEUD? Hindi ganun kadali kay Liv na tanggapin ang balitang iyun, pero mas lalong nakakabigat daw sa kanya ang problemang hinarap sa pamilya ni Tyron bago ito inilibing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na niya dinetalye kung ano talaga ang nangyari, pero nagkaroon nga raw ng pagtatalo sa pamilya ni Tyron nang pumunta si Liv at ang pamilya nito sa huling lamay nung Miyerkules ng gabi.

"Nandun po ako nung gabi from 9:30 p.m. Dumating po kami na maraming tao.

"So, in-invite po kami ng mother ni Tyron na sa bahay na lang muna [nila] hanggang mag-subside, kasi sobrang dami ng tao sa loob ng chapel," pagsalaysay nito.

"Around 1 o’clock po ng madaling araw hindi na po ganun karami ang tao—just immediate family and friends.

"So, nag-decide na po ako na pumunta para po sa huling lamay.

"Marami po akong kasama na kapamilya po namin, apat na malalaking sasakyan po kami.

"Tito, tita, mga pinsan, lahat po kami.

"Lahat po sila nag-leave sa trabaho para nga po sa libing ni Tyron na naka-schedule ng nine ng umaga the next day.

"Kasi po bilang asawa gusto ko po, nandun po ako."

Dagdag pa niyang kuwento, "Marami pa po akong inaayos na mga naiwan ni Tyron pero nandun po kami. Handang-handa po kami.

"Gusto ko po, siyempre, bilang asawa, maihatid ko po yung asawa ko sa huling hantungan.

"Yun na po yung huling pagkakataon ko na makasama siya, pero dahil sa there was a small disagreement between the relatives...

"Meron pong hindi inaasahang nangyari, due to this untoward incident po, nag-decide po, my family and I decided...

"Just to make everything safe, [at] para po sa ikakabuti ng lahat, sa ikakatahimik po...

"Ako na po nagparaya.

"I talked po to the mother of Tyron, kay Mama Lucia, sinabi ko po na mauna na po kami.

"Kasi po Tarlac is a town na hindi po namin lugar.

"And yung mga tao po dun... hindi po namin sila kabisado, wala po kaming kakilala," medyo maluha-luha niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil po sa maliit na incident na yun, napuwersa po ako, sa totoo lang po.

"Napilitan po ako na ipaubaya na lang po, para po sa ikakatahimik ng libing ni Tyron the next day.

"Sa totoo lang po, masakit na masakit po sa akin na ’nililibing yung asawa ko na nandito ako sa bahay.

"Pero dahil sa pagmamahal ko na din sa kanya, ibinigay ko na lang po sa pamilya, para po tahimik po siyang maihatid sa huling hantungan."

CLOSE TO TYRON’S MOM. Maayos daw siyang nagpaalam sa ina ni Tyron na humingi raw sa kanya ng paumanhin sa nangyaring gulo.

Pinalapit daw siya sa kabaong ng aktor para sabihin na raw kung ano ang gusto nitong sabihin.

"Tinawag po ako ng mama niya nung sinabi ko na po sa kanila na ’Mama, mauna na po kami para po sa safety naming lahat.’

"Sabi niya, ’Sige, kausapin natin si Tyron.’

"Kinausap po namin, sabi ko po sa kanya—tawag ko po sa kanya Choy— sabi ko, ’Choy, ikaw na ang bahala sa akin, ikaw na bahala sa amin.’

"’Sabi ko, ’Kung nasaan ka man, ’wag ka nang mag-alala,’ sabi ko.

"’Gabayan mo na lang kami na maging mabuti yung lahat para maging smooth para sa iyo,’" mangiyak-ngiyak na pahayag nito.

Kung si Liv ang masusunod, ayaw daw sana niyang dalhin si Tyron sa Tarlac.

Ang gusto raw sana niya ay dito sa MetroManila na ilibing ang asawa.

Mula nung nag-StarStruck si Tyron, sa Las Piñas na naman daw ito nakatira at bihira na nga raw umuuwi ng Tarlac.

"Masakit po sa loob ko na si Tyron ay nilagak sa Tarlac.

"Pero out of respeto na lang po para sa mga biyenan ko po, sa mga magulang at kapatid [niya], pinagkaloob ko na po yung pagkakataon na yun," himutok nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una po, I was fighting for it.

"Pero yun po, sa respeto ko na lang sa mga pangalawa kong magulang, sa mga magulang niya po, pumayag na po ako na ipagkaloob na po yung pagkakataon na yun sa kanila.

"Kasi po, yung sementeryo po yata malapit sa bahay [nila].

"Ang wish po yata ng mother [ni Tyron], para pwede niyang dalawin any time, so binigay ko na lang po sa kanila."

Nilinaw ni Liv na wala naman daw siyang problema sa kanyang biyenan, lalo na sa ina ni Tyron.

Malapit din daw siya sa Ate Jenny ni Tyron at may komunikasyon pa rin daw sila.

Gusto naman daw niyang manatiling buo pa rin ang kanilang pagsasama.

FEELING THE LOSS. Hindi pa rin daw niya alam kung paano siya magsisimula uli ngayong nawalan siya ng asawa.

"Hindi ko pa po alam. Actually po, kasi they’re [taking] it against me po.

"Sa totoo lang po, nawalan po ako ng asawa dito, and the thing is kailangan ko pong lumaban.

"Hindi po kasi basehan yung pag-iyak sa harap ng camera para po masabi na hindi ako nagdadalamhati.

"Nawalan po ako ng katuwang sa buhay, at ngayon po, wala po akong masasandalan talaga—from death certificate po hanggang sa casket, sa lahat.

"Pag kinuha ko po yung sasakyan ko sa Valenzuela police, ako po ang magmaneho pabalik, na alam ko namatay yung asawa ko sa likod... mahirap po talaga.

"Pero wala po akong sasandalan... Mahirap na mahirap po sa akin. Hindi ko po alam kung papaano ako magsisimula.

"Pero kailangan ko pong labanan, kasi po wala po akong maaano dito. Ako po yung napag-iwanan ng lahat.

"Ang dami kong nalalaman along the way, pero kailangan ko pong magpakatatag.

"Pero paano po ako, paano naman po ako, paano ako magsisimula," umiiyak na pahayag ni Liv.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN