Ana Feleo treasures friendships formed in Amaya: "Kaming tatlo nina Roxanne [Barcelo] at YanYan [Marian Rivera], talagang personal, private friends."

Ana Feleo, who plays Bayang in the top-rating Amaya, talks about the last days of taping the epicserye.

"Talagang ang hirap. Hindi kami makapaniwala na last two days na lang, sa Monday at Tuesday na lang [ang taping]. Lahat kami, ’O, saan ang taping mo? Bibisitahin kita, bisitahin mo ko, ganyan.’ Kahit si Yanyan [Marian Rivera]," Ana relates, knowing full well that when the show ends, so will the family-like closeness



Hindi itinatago ni Ana Feleo ang nararamdamang lungkot na magtatapos na ang kanilang epicserye na Amaya.

Si Ana ang gumaganap sa role ni Bayang, at isa rin siya sa mapalad na character na mula umpisa hanggang sa wakas ay naging bahagi ng matagumpay na primetime series na ito ng GMA-7.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana sa taping ng Amaya nuong Biyernes, January 6, sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay Ana, "Oo nga e, nakakalungkot na talaga, sobra. Kasi, yung friendship na nabuo namin dito, yung routine na Pagsanjan, yung Pagsanjan—Cubao na lang sa amin.

"Morong, Bataan, Calatagan—parang kina-Quiapo na lang namin. Pagod, pero, ang sarap kasi ng samahan."

First taping pa lang daw ng Amaya ay nandoon na siya kaya hindi maitatangging na-attached daw talaga siya sa mga kasamahan, sa staff, at sa show mismo.

Kuwento pa niya, "Kahapon nga, naglalakad ako sa Pagsanjan, after ng take, sabi ko, ’Mami-miss ko ’to, mami-miss ko ’to!’

"Grabe! Pati yung growth. Kasi, ito yung first ko na soap na full.

"Usually, sa ibang channel, nag-guesting lang, five weeks, six weeks. Ito lang talaga yun, wow, bonding talaga.

"Tapos yun nga, naging close ko si Yanyan—si Marian Rivera—si Roxanne Barcelo, si Sheena Halili.

"Talagang ang hirap. Hindi kami makapaniwala na last two days na lang, sa Monday at Tuesday na lang.

"Lahat kami, ’O, saan ang taping mo? Bibisitahin kita, bisitahin mo ko, ganyan.’ Kahit si Yanyan."

Madalas kasi, kapag tapos na ang isang show, ito na rin ang katapusan ng closeness ng cast, dahil iba-iba na ang mga projects na gagawin nila.

Ang sabi ni Ana, "Nagbibiruan ng ganoon. Na matapos lang ang Amaya, hindi na magpapakita.

"Pero sabi ko, hindi. Pati si YanYan, nagbibiro ng, ’Hindi niyo na ko kikitain.’

"Pero sabi rin ni YanYan, ’Kailangan after this, magkita-kita pa rin tayo, regular pa rin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even si Roxanne, sabi sa akin ni Roxanne, ’I don’t consider you as a showbiz friend.’

"Kaming tatlo nina Roxanne at YanYan, talagang personal, private friends."

GOOD FRIEND MARIAN. First time daw niyang makatrabaho si Marian, at umpisa pa lang, may mga nag-warning na raw sa kanya na mag-ingat siya rito.

Kuwento ni Ana, "First time ko to work with Marian, pero, ang dami na agad na nag-warn sa akin na, ’O, Ana, mag-iingat ka riyan... maldita ’yan.’

"Sobrang baligtad! Sabi ko, ’Oo nga, maldita ka nga, pero, malditang bakla.’

"’At yun yung gusto ko sa ’yo, Yan, prangka kang kaibigan at mas gugustuhin ko yung prangkang kaibigan kesa sa tinitira kang patalikod.’

"At saka, sobrang grabe ’yan kapag kaibigan mo siya. Noong hindi pa kami ganoon ka-close, nagtatawa-tawanan lang kami.

"Hindi namin kasi pinipilit. Yun din ang sabi ni Yan, ’Ang maganda sa friendship natin, hindi natin pinipilit—yun bang, naggu-grow na lang.’"

Madalas daw, nagugulat na lang siya sa sweetness ni Marian.

"Minsan, natutulog ako sa tent, paggising ko, sa tabi ko, may mga chocolates na galing sa kanya or mga prutas.

"O kaya, mamaya, magti-text ’yan, ’Wag ka na diyan sa tent, dito ka na sa tent ko.’

"Tapos, unti-unti, tawanan, magpa-party na kami sa labas.

"Kapag may free time, nag-i-Starbucks kami. Kami nina Roxanne at Yan.

"Talagang sobrang grateful ako sa friendship.

"I told her, ito ang message ko nga sa kanya noong Christmas, ’Alam mo, maganda ka, hindi lang dahil maganda ka, kung hindi ang totoo mong tao at yun ang nagpapaganda sa ’yo, yun ang nagpapa-excite sa ’yo.’

"So, yun ang mami-miss ko."

Ano naman ang nasabi niya sa mga naunang nag-warning sa kanya about Marian?

Katwiran naman ni Ana, "Feeling ko kasi, ngayong napapasok na ako sa showbiz, sa theater kasi ako, sa opera talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagiging ano niya, normal lang sa teatro. But I guess, in showbiz, you have to be a little bit more mabait talaga. Yung ganoon...

"So, ako, sanay ako. Normal lang yun, e.

"At sa kanya, loyalty sa friendship. Ayaw niya ng nabe-betray.

"Kung may problema ka sa kanya, sabihin mo. So, yun ang ano sa akin.

"At saka, madali. Madaling ka-ano. Kung may mali siya, madali na mag-sorry. Masarap siyang kaibigan."

BAYANG ROLE. Bilang si Bayang naman, masaya si Ana na from start to end ay nanatili siya sa Amaya.

"Nag-start ang character ko, Alabay ako, Babaylan apprentice.

"Pinatay ang Punong Babaylan ko ni Mangubat at ginawa akong slave.

"Naging yaya ako ni Bagani. Tapos, ako rin ang naka-discover, ako ang nakahula na si Amaya ang may kambal-ahas, na papatay, etc.

"Tapos, nag-promise si Bagani na paglaki niya, gagawan niya ng paraan na maging Timawa na ako, na ma-free na ako from slavery.

"And then, itong nakunan na namin kanina, kukuhanin na akong Alabay ni Hilway.

"Babalik na ulit akong apprentice hanggang sa maging Babaylan na ako."

Bukod sa friendship na nabuo nila sa set, ano pa nga ba ang mga hindi niya makakalimutan sa Amaya, na hanggang sa Biyernes na lamang mapapanood?

Ayon naman kay Ana, "’Yung mga eksena. Kasi lahat, ang gagaling ng mga kasama namin.

"Si Tita Gina Alajar, sina Tita Irma Adlawan, sila Sid Lucero, si [Marian], ang sarap ka-eksena palagi.

"I always look forward to going to work because there’s magic in the scene.

"That’s what’s nice about Direk Mac [Alejandre], he’s cool and he gives us the freedom to make magic."

Sa totoo, hindi rin daw ine-expect ni Ana na magtatagal siya sa serye.

"Actually, maliit lang nga ang role ko na biglang lumaki nang lumaki.

"Dapat yun, manghuhula lang ako. Tapos, lumaki at napunta na ako sa gitna nina Bagani at Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko akalain na magri-rate nang ganoon.

"At saka, ang daming nagtu-tweet from all over the world, from the U.S., Dubai—grabe silang mag-tweet.

"Ay sinusubaybayan talaga nila ang Amaya.

"When I watch it at home, I tell my Mama [director Laurice Guillen], ’Tingnan mo... ang ganda palang pakinggan ng wikang Filipino.’

"Na yung hindi nagko-compromise. Nagkakamali paminsan-minsan. Nakakalusot ang ’pero.’

"Siguro, ratsada rin talaga ang mga writers and all, at wala akong masabi."

Dugtong pa niya, "At saka, family. Even yung mga PAs, nagha-hug-hug kami, pantay-pantay."

NEW PROJECT. May followup na daw siyang project, pero, hindi raw niya puwedeng sabihin.

While Ana is also into producing, her sister, Ina Feleo, is into directing and scriptwriting.

Si Ana ang nag-produce ng indie film nilang Maskara, na inspired by their father’s life, the late and excellent actor Johnny Delgado.

Ayon kay Ana, naikot na raw nila ang Maskara sa iba’t ibang international filmfests.

"Naikot na namin siya internationally, pero, hindi ko pa naaasikaso ang local release niya.

"Ngayon, ini-invite siya sa Europe, Hongkong. So, after Amaya, magpo-focus din ako ro’n and magpu-produce rin ako ng opera, kasi walang masyadong nagpu-produce.

"At sa mga events. Kasi, sa events talaga ako."

Pero na-enjoy na rin ba niya ang mainstream?

Mabilis at nakangiti nga niyang sagot, "I do! I do!"

IT’S IN THE BLOOD. Masasabi ba niyang nanalaytay sa kaniya ang dugo ng kanyang mga magulang—bilang ang ina niyang si Laurice Guillen ay respetadong aktres at director sa screen at sa stage at ang amang si Johnny Delgado ay respetadong aktor sa pelikula at TV?

"Yes! As in, sobrang walang kuwestiyon do’n.

"Na, ’Oh my God, anak talaga ako ng mga magulang ko!’

"We’re very much shielded before. Kasi, ayaw nga nila na maging showbiz kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto nila na if we’re into arts, into acting, we really practice our craft.

"Kung paano ang tamang technique sa pag-arte, sa pagkanta, sa pagsulat, sa pagdirek—bago kami pumasok sa showbiz.

"Hindi kami pinilit ever."

Dugtong pa ni Ana, "Sayang nga lang at wala na si daddy.

"Ngayon ko siya kailangang-kailangan. Kasi noon, kada-ano ko, niri-review niya, kini-criticize niya talaga ko.

"At least ngayon, nandiyan si Mommy, nabibigyan niya ako ng payo.

"Hindi talaga puwede sa bahay na hindi dini-discuss ang trabaho ng isa’t-isa.

"Kami ng kapatid ko, palagi ’yan. Yun ang normal sa amin, discussion talaga ng trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN