Pauleen Luna’s mom issues statement about Vic-Pauleen rumors

Apektado na ang magulang ni Pauleen Luna (photo above) dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak. Nuong kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna. Ayon sa kanyang statement, "the new house she is building [is] from her savings—contrary to the speculations that it was a gift. We would like to extend our regrets to Mr. Vic Sotto for being dragged in this issue.&q


Kahit hindi nagsasalita sina Vic Sotto at Pauleen Luna tungkol sa isyu sa kanilang dalawa, may mga intriga pa ring naglalabasan na hindi maiwasang nakakaapekto sa young actress.

Isa na rito ang nakakaintrigang tweet ni Oyo Sotto, na sa duda ng karamihan ay tumutukoy sa Vic-Pauleen isyu.

Nung December 4 ay nag-post si Oyo sa kanyang Twitter account VSotto12 ng: "Ang dami talagang mukang pera... ang daming lumalandi! Nakakalungkot (hindi sa akin) Haay nako...."

Sinundan pa nito ng ilang beses niyang sinulat na "respeto lang."

Kaya naglabasan ang intrigang tutol daw ito sa pakikipagrelasyon ng kanyang ama kay Pauleen.

Naging isyu ito dahil sa lumabas ding kuwento na idinaan daw ni Vic sa mga regalo ang panliligaw sa young actress.

Kaagad itong itinanggi ni Pauleen dahil minsan lang daw siya nakatanggap ng regalo mula sa comedian/TV host at ito raw ay nuong nakaraang birthday niya.

Ayaw na sanang palakihin pa ito ni Pauleen, kaya lang naaapektuhan siya dahil lumalabas siyang materialistic, gawa nang patuloy daw na pagreregalo sa kanya ni Vic.

Sinagot niya ito sa Startalk, at ang sumunod nuon, may ipinost na naman si Oyo sa kanyang Twitter account: "Kung nasaktan ka, ikaw yun."

Ang latest, na-deactivate ang BBM (BlackBerry Messenger) ni Pauleen dahil iniiwasan na lang nitong makatanggap ng kung anu-anong mensaheng pinatatamaan siya.

Ayaw na rin daw niyang mag-post ng kung anu-ano sa kanyang BBM at baka bigyan na naman daw ng ibang kahulugan.

Pati ang pagti-tweet ay tinigil na rin nito at iniiwasan na rin niyang magbasa ng mga tweets.

Pero apektado na ang magulang ni Pauleen dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak.

Nung kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna at ipinadala niya ito sa Startalk.

Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala nito bilang pagtatanggol sa kanyang anak:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There is no better time for our thoughts, as parents, on the Vic-Pauleen issue, be heard but now, for we wish our daughter nothing more but a peaceful and fulfilled 2012.

"We’re proud to have brought up Pauleen as a God-fearing child, and have full trust and confidence, whatever decision she makes.

"We have raised her and her brother as well-provided individuals encouraged to live their lives to the fullest.

"Since her start in this industry, she has but one goal—that is to enjoy what she loves the most—acting and hosting. What she earns from this profession comes secondary to her passion.

"That is why it pains her and us as well to hear that she is using someone else for financial gains. Just so everything si clear, Pauleen is not the breadwinner of the family.

"We, her parents, are very much able to perform this role for our brood. Whatever she earns is placed in her own account, for her own disposal and has been accounted for since.

"Although she is not obligated in any way to share, we are very proud of her being a blessing for those in need.

"She is a very simple lady with simple wants and needs. She has been smart in ensuring that her future is secured through her investments.

"Investments such as the new house she is building from her savings—contrary to the speculations that it was a gift.

"We would like to extend our regrets to Mr. Vic Sotto for being dragged in this issue.

"We respect his show of interest with Pauleen and trust that whatever she decides regarding this matter will be for the best of everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN