Saida Diola clarifies, sort of, why she left EB Babes and Eat Bulaga!: "Pero hindi ako buntis! How I wish! At wala rin po akong nakaaway!"

On January 3, former EB Babe Saida Diola posted this on her Facebook account: "Hello sa inyong lahat! Miss na miss ko na kayo at ang pag-perform sa Eat Bulaga! Pasensiya na po kayo at kinailangan kong umalis for some reasons. Pero hindi ako buntis! How I wish! At wala rin po akong nakaaway! May gusto lang po ako sigurong mangyari sa buhay ko. Gusto kong mag-grow at mag-try ng ibang field."


Mahigit limang taon na ring bahagi ng noontime variety show na Eat Bulaga! si Saida Diola o EB Babe Saida.

Isa ang dalaga sa mga orihinal na miyembro ng grupong pumalit sa SexBomb Dancers nung 2006.

Lalo pang nakilala si Saida dahil sa partisipasyon nito sa pamosong Pinoy Henyo segment ng Eat Bulaga!

Nguni’t noong nakaraang buwan, nagtaka ang mga sumusubaybay sa palabas nang hindi na nila napapanood si Saida.

Huling linggo pa ng Nobyembre nang ito ay huling makita sa telebisyon.

Marami ang nagtanong, marami ang nagtaka, sari-saring espekulasyon ang lumutang.

Nagdadalang-tao nga ba si EB Babe Saida?

May nakaaway nga ba ito kaya umalis sa Eat Bulaga!?

At ayon sa report ng Startalk TX, Sabado, January 7, dahil na rin sa pangungulit ng kanyang mga followers sa Twitter, napilitang sumagot sa mga tanong ang dancer.

Last January 2, araw ng Lunes, pabirong nag-tweet si Saida ...

"Pag umalis, buntis agad? Di ba puwedeng may ibang dahilan muna?"

Nasundan pa ito ng isa pang tweet kung saan sinabi nito na...

"Pag di buntis, may kaaway naman! Ano ba yan! Wala bang iba?"

The following day, January 3, Saida addressed the same issue by posting the following on Facebook...

"Hello sa inyong lahat! Miss na miss ko na kayo at ang pag-perform sa Eat Bulaga! Pasensiya na po kayo at kinailangan kong umalis for some reasons.

"Pero hindi ako buntis! How I wish! At wala rin po akong nakaaway!

"May gusto lang po ako sigurong mangyari sa buhay ko. Gusto kong mag-grow at mag-try ng ibang field.

"Sa ngayon nagpapahinga muna ako at e-enjoy-in ang vacation. Na-miss ko ito at matagal-tagal din akong nagsayaw!

"Happy 2012 sa ating lahat! Magkikita-kita rin tayo soon! Love you all! "Sana patuloy ninyo pa rin akong suportahan."

Samantala kinunan din ng Startalk TX ng opisyal na pahayag ang mga namumuno ng TAPE Inc., ang producer ng show, hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang kanilang official statement...

"Eat Bulaga! accepted Saida’s decision to resign from the show to let her pursue other fields of interest. We believe she can excel in things other than dancing.

"Her stint with EB Babes made her realize that this field may not be for her. Thus she gave herself a chance to consider other career options.

"We respect such decisions and we can only wish the best for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN