Beth Tamayo breaks silence on why she left the country in 2008; reveals she and husband Johnny Wong have separated

Beth Tamayo on leaving the country: "Hindi naman ako natatakot kasi, unang-una, wala naman akong ginawang masama. Nagkataon lang na tumulong lang ako sa asawa ko at that time. At kahit naman sino, gagawin lang din naman yung nararapat for their husband. May ibang papeles na with regards to mga titles of houses...halos lahat kasi yun nakapangalan sa akin at may pirma ako doon. But these people know, alam naman nila, and God knows, that I will stand by (this)&a


Hanggang ngayon ay marami pa ring mga katanungan tungkol sa totoong dahilan ng pag-alis sa Pilipinas ni Beth Tamayo at ng kanyang asawang si Johnny Wong noong December 25, 2008.

Maraming mga haka-haka at blind items noon ang nasulat.

Na diumano ay nagkaroon ng problema ang dalawa sa usaping pinansiyal at may naghahabol diumano sa kanila mga tao.

Ito raw ay dahil sa mga utang na hindi na nila kayang i-settle na mag-asawa.

May mga usapan pa nga noon na sa China diumano nagtago ang dalawa.

Meron ding mga nasulat noon na sa Canada raw tumuloy ang mag-asawa.

BETH FINALLY SPEAKS UP. Sa exclusive interview ni Beth sa Paparazzi Showbiz Exposed na ipinalabas kahapon, January 8, hinarap ni Beth ang mga isyu, at isa-isa niya itong binigyang linaw.

Na-interview si Beth sa isang lugar sa New York, kung saan mayroong international correspondent ang show.

Sa segment ng programa na may pamagat na "Ang Paglalantad," inisa-isa ni Beth ang pagsagot sa mga tanong na dati pang hinahanapan ng kasagutan ng publiko at maging ng mga taong nakakakilala sa aktres.

Paglalahad ni Beth: "We were getting death threats na rin sa text messages.

"So, as fast as we could, we need to get tickets, ’tapos alis ka na.

"We made a decision na parang, today, ’tapos bukas aalis na kami.

"Sinabi ko sa parents ko, sa brothers ko, even yung sina Juday.

"At that time, I know gaano kasakit na aalis ka ng Pilipinas ng Pasko."

Si Juday ay si Judy Ann Santos na best friend ni Beth.

Dahil nga sa pag-alis niya, hindi na nakadalo si Beth sa kasal ni Judy Ann kay Ryan Agoncillo noong April 28, 2009.

LAST CHRISTMAS IN THE PHILIPPINES. Patuloy pa niya, "We left on a Christmas day, so yun yung last Noche Buena ko with my family."

"Juday went to our house, and then the whole time, iyak lang nang iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang depressed talaga, kasi bigla mong naisip na iiwanan mo yung pamilya mo.

"You’re like in a tunnel na hindi mo makita yung dulo.

"Wala, I was facing a blank wall. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

"Wala talagang plano."

Ipinagtapat din ni Beth na hiwalay na sila ni Johnny bago pa man sila umalis ng Pilipinas.

"Pag-alis ko ng Pilipinas, hiwalay na kami. Hindi kami magkasama sa isang lugar.

"So from Manila, he went straight to Canada, I went straight to L.A.

"Malungkot, wala akong family dito.

"Parang at that time, parang masisiraan ako ng ulo.

"But then again, prayers work."

SIMPLY, BETH. Hindi naging madali ang buhay ni Beth sa Amerika.

Hindi naging madali ang kanyang pagsisimula sa bansang banyaga.

Pero unti-unti raw natutunan ni Beth ang mamuhay nang simple, ang mamuhay nang normal.

"Okay naman, masaya naman," sambit niya.

"I’m living a more normal life here.

"I work in an office, I’m an admin there.

"A whole different thing sa ginagawa ko sa Manila, but I’m happy.

"I live with my best friend since third grade...and yeah, it’s free, hindi niya ako sinisingil.

"Sa kanila ako nakatira—libre food, libre lahat.

"Minsan nga, nakakahiya.

"But then again, sabi ko nga, tiyaga lang."

Dagdag pa niya, "Nag-baby sit pa ako, for like two months sa isang Colombian family.

"Imagine mo, nag-alaga ako ng bata."

Hindi nagkaroon ng anak si Beth sa pagsasama nila ni Johnny.

Patuloy niya, "In a way, parang mahirap.

"Pero at the end of the day, parang gusto mong umiyak.

"Bakit nangyari sa iyo ito and all?

"But it’s a humbling experience, in a way."

Kahit na unti-unti nang nakapag-adjust sa buhay-Amerika si Beth, hindi pa rin daw maiwasang naiisip niya ang mga isyung naiwan sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Beth, "Actually, noong umuwi ako doon [sa Pilipinas], nung September [2011], when I came home to visit my mom...

"Kasi hindi ko alam kung ano’ng mangyayari.

"Like, even I have news there from my friends or my tito ko na, ’You’re clear, wala kang case filed against you. Wala kang hold order sa airport. Hindi ka naman yung tipong poposasan pagdating mo ng airport.’

"Pero paano kung may biglang magbago ng desisyon, malaman nila na uuwi ako, baka biglang mag-file ng case against me?"

THE TRUTH ABOUT THE RUMORS. Pero ano nga ba ang katotohanan sa likod ng mga usap-usapan tungkol sa kanya at sa kanyang asawa?

Bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila hinaharap kung anuman ito upang matuldukan na?

May kinakatakutan kaya siya kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa ibang bansa?

Sabi ni Beth, "Hindi naman ako natatakot kasi, unang-una, wala naman akong ginawang masama.

"Nagkataon lang na tumulong lang ako sa asawa ko at that time.

"At kahit naman sino, gagawin lang din naman yung nararapat for their husband.

"May ibang papeles na with regards to mga titles of houses...halos lahat kasi yun nakapangalan sa akin at may pirma ako doon.

"But these people know, alam naman nila, and God knows, that I will stand by (this)—not a dime, wala akong nagamit sa perang yun.

"Masyado lang akong mabait, pinirmahan ko lahat yun.

"Asawa lang ako, tinulungan ko lang siya."

Pero hindi tinukoy ni Beth kung ano ang eksaktong aktibidad na ginawa ng kanyang asawa noon.

SEPARATE LIVES. Pero balitang ang problema nilang ito ng kanyang asawang Chinese businessman ang dahilan kung bakit naghiwalay sila noon pa mang December 2008.

Ito ay apat na taon matapos ang kanilang engrandeng kasalan noong May 2004 sa Christ The King Church sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumprimadong hiwalay na ang dalawa.

Inaayos na raw nila ang kanilang legal separation.

Ayon kay Beth, "Hindi pa siya granted, so we’re still waiting.

"Sa ngayon, I can say I wanted us to be friends.

"Pero, I guess yung last na conversation namin wasn’t really nice.

"Siguro it takes time on his part to forgive...to forget para mag-move on.

"Kasi on may part, tanggap ko na...

"The only thing that I wish for is for us to be friends."

BETH AND NOT ELIZABETH BATAIN. Sa huli, nagsalita rin si Beth tungkol sa mga kumalat na balita tungkol sa isang Elizabeth Batain na binitay sa China noong April 2011 dahil sa drug case.

May mga nagsasabi kasi na si Beth at ang OFW na may kaso sa China ay "one and the same person."

Paglilinaw ng aktres, "Ito po, clearly I’ve said a little piece of what happened.

"Siguro, in time, baka po makapagkuwento ako, mas detailed.

"I still want to go back home, wala naman pong problema.

"Buhay po ako, hindi po ako yung nabitay sa China.

"It’s not true, I’m very much alive.

"Nagkataon lang na Elizabeth or Beth din yung pangalan [ng nabitay]."

BETH HOME IN 2012? Marami ring nagawang proyekto si Beth noon sa mga teleserye at sa mga pelikula.

Isa siya sa sinasabing may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Nagkaroon na rin siya ng mga tagahanga na nami-miss na ang kanyang pagbabalik.

Pero, posible bang umuwi na siya sa Pilipinas?

Aniya, "I’m fine right here. From God’s grace, okey naman po ako.

"Hopefully, I get to see everyone back in Manila.

"Malay n’yo po, not next year but this year [I’ll be] back home... See you guys!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN