Tyron Perez’s right hand positive for gunpowder burns

"Positive ang right hand ni Tyron na may gun powder nitrates," reveals Senior Inspector Arthur Quiñonez about Tyron Perez’s paraffin examination.


Nakuha na ng mga awtoridad ang resulta ng paraffin examination na isinagawa sa mga labi ng aktor na si Tyron Perez.

Ayon kay Senior Inspector Arthur Quiñonez, ng Valenzuela City Police Station, "Positive ang right hand ni Tyron na may gunpowder nitrates.

"At ang left hand naman nito ay negative."

Nakausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senior Inspector Quiñonez sa telepono kaninang umaga, January 9.

Pero nilinaw rin niya na hindi pa maituturing na "case closed" ang pagkamatay ni Tyron base sa resulta ng paraffin examination.

Paliwanag ni Senior Inspector Quiñonez, "Hindi pa rin, kasi wala pa naman ang digital forensic examination.

"Pag nakuha na namin yun, do’n namin masasabing case closed na at nag-suicide nga ang young actor."

Noong January 4, nabanggit ni Senior Inspector Quiñonez sa PEP na lumabas na ang ballistic at autopsy results sa bangkay ni Tyron.

Sa autopsy result, nakasaad dito na namatay ang young actor dahil sa isang gun shot sa kanang sintido nito.

Sa ballistic report naman, napatunayan na ang na-recover nilang baril sa tabi ni Tyron ang siyang ginamit upang kitilin ang buhay nito.

(CLICK HERE to see related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN