Melissa Ricks hopes 2012 will be "a bigger and better year" for her

"You have to be braver, you have to be stronger. Hindi mo dapat hinahayaan na mapektuhan ka ng maliliit na bagay. I think you just have to learn how to be happy, accept what you have, and don’t be so negative," says Melissa Ricks about the lessons she learned from her experiences last year.


Pagiging mas positibo ang isa sa mga hiling ng dalagang aktres na si Melissa Ricks para sa kanyang kaarawan ngayong taon.

Ito ang sinabi niya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa birthday party na inihanda ng kanyang fans sa Mc Donald’s Quezon Avenue kahapon, Enero 8.

Maituturing daw na parehong "best and hardest" ang nakaraang taon para kay Melissa, na magdiriwang ng kanyang ika-22 na kaarawan ngayong araw, January 9.

Paliwanag ng young actress, "Kasi, Nasaan Ka Elisa fit so much for me, napakaganda talaga ng palabas namin.

"I gained so many new friends.

"I learned some new lessons.

"I learned na I have to be responsible and I have to grow up.

"I did grow up, marami akong pinagbago."

Gayunman, sabi ni Melissa, mabuti rin naman ang kanyang mga pinagdaanan noong 2011 dahil naging mas handa siya para sa Bagong Taon.

Saad niya, "I think ngayong 2012, handa na akong harapin ang mundo talaga nang bonggang-bongga.

"You have to be braver, you have to stronger.

"Hindi mo dapat hinahayaan na mapektuhan ka ng maliliit na bagay.

"I think you just have to learn how to be happy, accept what you have, and don’t be so negative.

"Siguro lagi na lang positive ang isipin natin ngayon.

"Basta ako, ngayon 2012, sana happy lang talaga. That’s all I wish for 2012.

"Sana 2012 is a bigger and better year for me."

ON EX-BOYFRIEND JAKE CUENCA. Samantala, kinumusta naman ng media ang relasyon ngayon ni Melissa sa dati niyang boyfriend na si Jake Cuenca.

Pero bago pa man siya sumagot, humiyaw na lang ang matalik na kaibigan ni Melissa na si Beauty Gonzales at mga staff ng Star Magic ng: "Happy Birthday, Mel!"

Pagkatapos ay palihis na lang ang sagot ni Melissa, "Siguro, blessing in disguise din ’yong nangyari sa akin noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang dahil doon [sa nangyari sa amin ni Jake], dahil maraming mga pagsubok na napagdaanan ko noong taon na ’yon."

Matatandaan na noong nakaraang taon din natapos ang dalawang-taong relasyon ng dalawa.

Sinasabi ng iba na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila, at may ilan na sinasabing nagkakaiwasan ang dalawa sa loob ng ABS-CBN.

Pinatunayan din ito mismo ni Melissa kahapon, sa birthday special na inihandog para sa kanila ni Jake ng ABS-CBN Sunday variety show na ASAP.

Sabay silang kinausap at biniro ng mga kasamahan nila sa show pagkatapos ang hiwalay nilang dance production numbers.

Unang bumati si Jake kay Melissa. Sabi niya, "Melissa, happy birthday. Congratulations sa lahat ng mga nagagawa mo ngayon. Just keep it up. ’Yon, happy birthday."

Sagot naman si Mel: "Happy birthday din sa ’yo, Jake. Huwag mo na akong pagtaguan kapag binabati kita sa hallway."

Sinabi pa niya sa audience, "Tumatakbo po siya!"

Sabat naman ni Jake, "Nahihiya lang ako sa’yo."

At agad na sumagot si Mel, "Dapat lang! Magpakabait ka na, ha, Jake!"

ANOTHER LOVELIFE? Sa kabilang banda, tinanong si Melissa kung kasama sa kanyang birthday wish ang pagkakaroon muli ng lovelife.

Napangiti si Melissa at sumagot, "Ang birthday wish ko ay kasama ang world peace."

Pagkatapos ay nagseryoso ang upcoming Walang Hanggan actress, "Ang lovelife, alam mo, hindi ko sasabihin na I’m closing any doors.

"Kapag dumating ang tamang tao, that’s when I’ll go.

"I won’t give a time, I won’t give kung kailan.

"Basta alam ko, kapag dumating ang tamang tao, mararamdaman mo na lang ’yan.

"I’m hoping. Siguro naman, 22 pa lang naman ako, I have my whole life to find the right person."

Sa ngayon, aniya, bagamat wala siyang romantic relationship, "I’m happy. I’m very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN