John Lapus talks about his New York adventure; guests on two ABS-CBN shows

Comedian-TV host John "Sweet" Lapus recalls his adventures in New York City where he sent the holidays with friend Kris Aquino and her kids Josh and Bimby.


Naging bongga ang bakasyon ng Showbiz Central host na si John "Sweet" Lapus bago matapos ang taong 2011.

Ang tinaguriang "city that never sleeps" o sa New York City nag-celebrate ng pagpasok ng 2012 si Sweet.

Kasama ni Sweet sa kanyang New York vacation ang kaibigang si Kris Aquino at ang mga anak nitong sina Joshua at Bimby.

Kasama rin ang mga yaya ng mga bata na sina Ana at Gerbel, at ang stylist at kaibigan ni Kris na si Liz Uy.

Ikinuwento nga ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook ang kanyang "bonggang New York City adventure."

Umalis sina Sweet noong December 26, 2011, Sabado, via Eva Air.

Dumating sila sa New York noong gabi ng December 26, Lunes.

Ayon kay Sweet, "Mahilig mag-research si Kris sa Internet ng mga bonggang hotels at resto.

"Sa The Setai Hotel kami nag check-in sa Fifth Avenue.

"One year pa lang yung hotel pero ang ganda na ng reviews. Malaki ang mga rooms at bongga ang service.

"May staff pa na Pinay named Gia na assigned sa amin for anything that we need."

Priority raw talaga ni Kris na mabigyan ng bakasyon ang kanyang dalawang anak.

Sabi pa ni Sweet, "Sabit lang kami nina Liz at Direk Erick Salud na nauna sa amin sa New York.

"Bale, Christmas gift ni Kris sa aming tatlo ang NYC vacation na iyon.

"Pero dahil para sa mga bata ang vacation na iyon, the next day [December 27], nag-toy shopping sila agad sa Nintendo World at FAO Schwartz.

"Kitang-kita mo na super-happy sina Josh at Bimby. Hindi nawawala ang mga ngiti nila sa labi!"

BROADWAY SHOWS. Noong December 28 naman daw ay nanood sila ng Broadway plays.

"Na-book na kami ni Kris para sa mga shows online. Matinee shows for the boys and the yayas, at gabi naman para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Spider-Man: Turn Off the Dark ang una naming pinanood.

"Tuwang-tuwa si Bimby. Favorite niya kasi si Spiderman.

"Sa gabi naman ang one-man show ni Hugh Jackman.

"Ang husay ng lolo mo! Sing, dance, monologue, talbog!"

Sa Radio City Music Hall naman daw sila pumunta noong December 29 para mapanood ang Santa Claus and the Radio City Rockettes.

"Ang mga ate mo, sing and dance nang sabay-sabay! Panalo sila!" sabi ni Sweet.

"May part na 3-D. Nakatulog tuloy ako ng slight sa jetlag.

"Sa gabi naman, new musical na Bonnie and Clyde ang pinanood namin.

"Aliw na aliw si Kris! At naloka siya na true to life pala ang story nina Bonnie and Clyde."

PINOY CELEBS IN NEW YORK. Nakipagkita rin sina Sweet noong December 29 sa mga Gutierrez siblings na sina Ruffa, Richard, at Raymond, na nasa New York din for the New Year.

Kuwento ni Sweet, "Maaga natutulog si Kris para sabay niya gumising ang mga boys niya.

"So, kami nina Liz, Direk Erick, we met up with Ruffa at sila Chard and Mond sa isang bar."

Nandoon din daw sa naturang bar si Samantha Lopez.

"Pinauwi na daw siya [Samantha] ng dyowa niya kasi tumagal na siya sa Manila.

"Bongga rin ang sister Samantha ko. New Yorker kung New Yorker talaga siya!"

MORE BROADWAY SHOWS. Noong December 30 naman, ang The Lion King at Private Lives ang pinanood nina Sweet.

"Aliw na naman sina Josh at Bimby sa The Lion King kasi may mga animals at very colorful.

"Sa gabi, watch kami ng Private Lives starring Kim Cattrall [of Sex and the City].

"Hindi sumama si Kris kasi sumama ang pakiramdam ni Ganda.

"Binigay na lang niya yung ticket niya kay Mond [Raymond Gutierrez].

"So Mond, Direk Erick, and me lang ang nag-watch.

"Walang kupas si Kim kahit thunder [matanda] na siya!" saad ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinanood din nina Sweet ang Addams Family: The Musical noong December 31.

Sabi ni Sweet, "Ang husay ni Brooke Shields sa Addams Family! Tawa nang tawa si Bimby kasi ang daming nangyayari.

"Swerte namin kasi last show na pala nila iyon on Broadway."

NEW YEAR. After manood ng Addams Family ay diretso sila sa simbahan for the New Year mass.

"Tapos nagsimba na kami sa bonggang St. Patrick’s Cathedral. Anticipated New Year’s Mass na.

"Kasama namin sina Ruffa, Chard, and Mond.

"Yung mga kids, napagod na kaya bumalik na sa hotel.

"Nagpa-New Year’s dinner si Kris sa Eatery para sa amin nina Direk Erick and Liz.

"Sosyal, di ba?"

Noong dumating na ang New Year’s Countdown, magkakahiwalay na lugar na raw sina Sweet.

Kuwento niya, "Nag-New Year’s Countdown kami ni Direk Erick sa bahay ng friend naming Pinoy na si Tia Joy.

"Sa Times Square sana kami para sa Ball Drop, pero sobrang daming tao talaga at 5 p.m. ay nandon na dapat kami.

"Si Liz at ang mga Gutierrez ang magkasama noong countdown at nasa pang-mayamang hotel sila."

CRAVING FOR PINOY FOOD. First day of 2012, January 1, ay pinanood naman nina Sweet ang Rock of Ages sa Broadway.

January 2 naman ay bigla raw naghanap ng Pinoy food sa New York si Sweet.

Aniya, "Naghanap talaga ako ng Pinoy food.

"Tumakbo kami ni Direk Erick sa Pinoy resto na Sa Aming Nayon. Nasa 1st Avenue between 12th and 13th Street.

"Ang sarap at ang bait pa ng mga kababayan nating may-ari.

"Noong gabi naman, we met up with our gay friends sa NYC na sina Brent, Melvin, and Felix."

SHOPPING. January 3 and 4 naman daw ay puro shopping ang ginawa nina Sweet.

"Sinamahan ko si Josh mag-shopping kasi kailangan niya ay big sizes.

"Salamat kay Seanjohn na clothing line ni P. Diddy kasi may Big and Tall section doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last-minute shopping naman ako with Liz.

"Nakapag-bonding kaming dalawa nang bongga.

"Cool si Liz kahit anak-mayaman at sosyal. Masa at humble.

"Pinapa-check ko sa kanya ang mga New York outfits ko bago kami lumabas.

"Super-lamig kasi sa NYC. ’Kaloka, nag-13 degrees!

"Hindi nga lang nag-snow. Yun pa naman sana ang gusto nina Josh at Bimby."

Dagdag pa ni Sweet, "Oo nga pala, ka-roommate namin ni Direk Erick si Liz.

"Naghihilik pala siya! I love her!"

BACK TO MANILA, BACK TO WORK. January 5 nang lumipad na pabalik ng Pilipinas sina Sweet. Nag-stopover sila sa Alaska at Taipei.

Pagdating ng Manila, kahit wala pang pahinga ay diretso na sa trabaho si Sweet.

Kuwento niya, "Dumating kami ng Manila, January 7 ng tanghali.

"Diretso ako sa taping ng Ikaw Ay Pag-ibig ng ABS-CBN.

"So happy to be taping again with ABS-CBN.

"Nag-enjoy ako makita ang mga dating kong kaibigan. Yung iba na-promote na.

"Pati mga crew, winelcome ako. So touching!

"At siyempre, ang mga barkada kong sina Direk Erick at Direk Jojo Saguin ang mga director ng Ikaw Ay Pag-ibig.

"Kaeksena ko si Zaijian Jaranilla.

"Mahusay pala talaga yung bagets. May magic yung mga mata niya.

"I play the role of Max na may pinagdadaanang problema sa buhay kaya mapupunta sa sindikato.

"Nakaka-flatter na ginawa talaga ang role para sa akin.

"From the airport, kahit may jetlag, iyakan na agad-agad.

"Abangan ninyo ’yan ngayong Wednesday [January 11]."

May gagawin ding episode si Sweet para sa Wansapantaym.

"Memorable sa akin ang Wansapanataym kasi ’yan yung first TV show na ginawa akong bida no’ng nasa ABS-CBN pa ako.

"Super thanks sa dati kong boss na si Deo Endrinal at sa kaibigan kong si Julie Ann Benitez for this blessing. Sila ang business unit heads ng dalawang shows na ’yan.

"Na-miss ko na umarte sa TV at kailangan ko ng work bilang may binabayaran akong bahay!" natatawang pagtatapos ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to view photos of Sweet’s New York vacation.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN