Kris Bernal reveals receiving a Balenciaga bag from Jolo Revilla last Christmas; retracts statement that Jolo is courting her

Kris Bernal on the Balenciaga bag that Jolo Revilla gave her: "Ayoko ngang tanggapin, sabi ko, ’Teka lang, masyado namang mahal ’ata ito. Hindi ’ata para sa akin ito? Parang kakakilala pa lang natin nang mabuti tapos nakaganito na agad?’"


"Ayoko munang pumasok sa isang relasyon na hindi ako sigurado."

Ito ang bungad na pahayag ni Kris Bernal nang makapanayam ng press noong Linggo, January 8, sa backstage ng Party Pilipinas.

JAY AND IWA? Sa taped interview naman kay Kris na ipinalabas sa Showbiz Central noon ding Linggo, sinabi niya na hindi pa naghihilom ang naging sugat ng hiwalayan nila ni Jay Perillo.

Nali-link ngayon si Jay sa isa pang StarStruck alumna na si Iwa Moto.

Ano ang masasabi ni Kris dito?

"Hindi ko alam kung bakit sila nali-link. Na-confirm na ba niya?

"Ang sabi ni Jay sa akin, magkamag-anak daw sila.

"So, ako naman siyempre, hindi ko naman binigyan ng laman yun," sabi ng young actress.

BAG FROM JOLO. Kung si Jay ay nali-link kay Iwa, si Kris naman ay balitang nililigawan ngayon ni Jolo Revilla.

Pero ayon kay Kris, hindi pa seryoso ang naiintrigang relasyon nila ni Jolo.

Taliwas ito sa nauna niyang pahayag na nililigawan na siya nito. (CLICK HERE to read related story.)

Ngayon, ito na ang pahayag ni Kris: "Friends po kami! Yung ligawan na part, hindi pa ako sigurado e, kung nanliligaw ba siya or whatever.

"Basta enjoy lang sa friendship. Sa ngayon, talagang magkaibigan talaga kami.

"Kasi gusto ko pa siyang kilalanin, e. Ang dami pa...ang dami ko pang kailangang malaman sa kanya."

Inamin din ni Kris na maingat siya, lalo na sa sweetness na ipinapakita sa kanya ng binatang ama.

"Ayoko kasing manggaling sa akin, e. Baka kasi lumabas ako pa yung...assuming pa ako.

"Or, parang sabihin nila nagpi-feeling ako dahil ina-assume ko nga na nanliligaw sa akin.

"Lagi niya akong niyayayang lumabas, kumain sa labas.

"Na-meet ko na rin yung family niya."

Ibinahagi rin ni Kris ang pagkabigla niya sa regalo sa kanya ni Jolo nitong nakaraang Pasko.

"Niregaluhan niya ako ng Balenciaga bag," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko ngang tanggapin, sabi ko, ’Teka lang, masyado namang mahal ’ata ito. Hindi ’ata para sa akin ito.

"’Parang kakakilala pa lang natin nang mabuti tapos nakaganito na agad.’"

Nang tanungin kung saan maaaring patungo ang relasyon nila ni Jolo, tila nabago ang isip ng Kapuso actress at binawi ang nauna nitong pahayag.

"Puwede kong buksan ulit ang puso ko.

"Pero, dun na ako sa siguradong hindi ako sasaktan," sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN