Richard Gomez accepted Walang Hanggan after learning he would be paired with Dawn Zulueta

"Kasi, most couple, especially showbiz couples, after breaking up, hindi na sila nag-uusap, hindi na sila nagkikita, they do not work together anymore. In our case kasi, we remained good friends," says Richard Gomez about working again with former girlfriend Dawn Zulueta.


Halos isang dekada na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Richard Gomez ang ABS-CBN, ang orihinal niyang mother network.

Ang mga huling proyekto niya sa Kapamilya network ay ang sitcom na Richard Loves Lucy (2001) at teleseryeng Your Honor (2002).

Ngayong taon, nagbabalik ang aktor sa pamamagitan ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Walang Hanggan, na magsisimula sa Lunes, Enero 16.

"I’m very happy sa pagbabalik ko sa ABS-CBN because I was given this project," sabi ni Richard nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Nangyari ito sa press conference ng Walang Hanggan kagabi, January 10, sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Patuloy pa niya, "I really cherish the day na in-offer sa akin ito, pinakinggan ko ’yong istorya, sinabi ko kaagad, ’I’m all for it!’"

Nang ikuwento ni Richard kung paano in-offer sa kanya ang proyekto, nabanggit niya na isa sa mga nakapagkumbinsi sa kanyang tanggapin ito ay nang sabihin na si Dawn Zulueta ang makakapareha niya.

"Huwag na nating pag-usapan. I-tape na natin ito. Let’s do this project right away!" sabi umano ni Richard kay ABS-CBN business unit head Deo Endrinal.

Dating reel- at real-life couple sina Dawn at Richard.

Isa sa mga hindi malilimutang proyekto nilang dalawa ay ang Hihintayin Kita sa Langit (1991).

Ang naturang pelikula at ang Walang Hanggan ay parehong base sa nobelang Wuthering Heights ni Emily Brontë.

Ayon kay Richard, hindi balakid ang kanilang nakaraan ni Dawn sa pagsasama nila sa mga acting project.

Aniya, "Alam mo, very unique ’yung friendship namin ni Dawn.

"Kasi, most couple, especially showbiz couples, after breaking up, hindi na sila nag-uusap, hindi na sila nagkikita, they do not work together anymore.

"In our case kasi, we remained good friends.

"Now, meron kaming teleserye, we’re very comfortable doing this as a loveteam, as lovers on screen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW THE PAST HELPED THEM AS ACTORS. Nabanggit din ni Richard na dahil na rin sa kanilang nakaraan ni Dawn, mas nakilala nila ang isa’t isa bilang mga aktor.

Aniya, "Maganda kasi ang working relationship namin ni Dawn, kaya puwede rin sa mga love stories na ganito.

"Sanay na sanay kami ni Dawn na gumalaw.

"Alam mo, parang basang-basa na namin ’yung sistema naming dalawa ni Dawn.

"Kapag mayroon kaming eksena, pinag-uusapan namin ni Dawn, ’Ganito ang gagawin ko, ha? Para alam mo kung saan ka pupunta.’

"’Tapos sinasabi niya, ’O, sige, kapag ginawa mo ’yan, dito ako iikot.’

"So, may ganun kaming klase ng communication.

"It’s very important for an actor na maganda ang working relationship mo sa artista, at saka magaling."

VERY GOOD FRIENDS. Bagama’t matagal na ang naging relasyon nila ni Dawn, hindi pa rin naiwasan ng media na tanungin ang dalawang aktor kung bakit hindi nauwi sa "walang hanggan" ang kanilang relasyon.

Nang lokohin siya ni Dawn para sabihin ang dahilan, natatawang sagot ni Richard: "E, ako na ang aako!"

Pagkatapos ay ikinuwento niya, "Alam n’yo, noong medyo bata-bata pa kami ni Dawn, pati ang isip ko ay medyo may pagkabata pa.

"Hindi pa ako masyadong seryoso sa buhay.

"Ang sabi ni Dawn, ’Sa pag-iibigan nating ito, kailangan tuwid ang landas mo.’

"Hindi ko narinig ang ’tuwid ang landas.’

"Akala ko, puwedeng sanga-sangang landas.

"Kaya noong mga panahong iyon, sabi ni Dawn, ’Kahit ang pag-ibig ko sa iyo ay walang hanggan, puputulin ko na lang.’

"But you know, kidding aside, siguro because we were young then.

"We had different priorities in life. ’Yun ang naging outcome.

"But the good thing that happened sa amin ni Dawn, we’re now very good friends.

"And we’re very happy with our families.

"’Yong asawa ko, mahal si Dawn, and mahal ko rin ang asawa ni Dawn. Haha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dawn ay kasal kay Congressman Anton Lagdameo ng Davao; si Richard, kay Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng Leyte.

LUCY IS A FAN OF RICHARD-DAWN TANDEM. Ilang beses na ring nabanggit ng maybahay ni Richard na hinahangaan niya noon pa man ang tambalan nina Richard at Dawn.

Isa sa mga ipinagpapasalamat nga ni Richard ay naiintindihan ni Lucy ang trabaho ng isang artista.

"I can say na kami ni Dawn, we’re very lucky kasi ’yong spouses namin, they understand kung ano ’yong ginagawa namin," sabi niya.

Kuwento pa niya, "Lucy watched Hihintayin Kita sa Langit more than 20 times.

"Kasi si Lucy is a fan of Dawn.

"Sa mga parties na kasama ko si Lucy, nandoon si Dawn.

"’Pinakilala ko sila, and then, naging magkaibigan sila.

"Once in a while, they communicate with each other, they text each other.

"Noong tinanggap ko ’yung project, it was actually Lucy who congratulated Dawn, ’Uy, finally tinanggap na ni Richard.’

"She was happy that we’ll be working together."

ON NETWORK TRANSFERS. Samantala, bagama’t gumagawa ngayon ng teleserye si Richard sa ABS-CBN, patuloy pa rin ang mga nauna na niyang proyekto sa TV5.

Isa na rito ang upcoming reality game show na The Biggest Game Show in the World.

"Before I accepted this, alam nila [ABS-CBN] na I have that show," paglilinaw ni Richard.

Para kay Richard, hindi dapat maging issue ang network war sa industriya.

Paliwanag niya, "It doesn’t really matter. Depende kung type din ng mga artista, e.

"Ako naman, I like doing things na per-project based.

"Kasi, aside from this, I’m also helping Lucy sa mga trabaho sa district [Ormoc].

"I cannot limit myself to just doing something, just one.

"I need to free myself, give myself some free time para sa mga activities ko."

Ano naman ang masasabi niya sa network-transfer issue na tila mas napapadalas na ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Richard, "Gano’n naman talaga, e. Kanya-kanyang preference ’yon.

"At ’yong pagtalon ng isang artista sa isang network, I don’t think is a problem. It’s just a matter of time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN