Ogie Alcasid wants daughters with Michelle Van Eimeren and son with Regine Velasquez to grow up knowing they are siblings

Ogie Alcasid on his three children: "Gusto kong lumaki sila na kinikilala nila ’yon, na magkakapatid sila. I want them to be close as they can."


Anim na araw nanatili si Ogie Alcasid sa Australia upang bisitahin ang mga anak niyang sina Leila at Sarah.

Sina Leila at Sarah ay anak ni Ogie sa una niyang asawang si Michelle Van Eimeren.

Pakiramdam nga ng singer-actor-TV host, tumaba agad siya sa ilang araw niyang pakikipag-bonding sa kanyang mga anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie kaninang tanghali, January 11, kaugnay ng concert nila ng misis niyang si Regine Velasquez—ang Mr. & Mrs. A.

Gaganapin ang concert sa February 14 sa Araneta Coliseum.

Kuwento ni Ogie, "Actually, summer ngayon doon.

"Nakakatawa nga ang bunso ko [Sarah].

"Kasi, nag-email siya sa akin, ’Dad, these are the things you need to bring.’

"Mga swimming trunks, ganyan, ganyan... Basta, meron na siyang itinerary. ’Okay.’

"E, kasama ko ang kapatid ko, saka ang pamangkin ko.

"Finorward ko sa kanila yung email, so dala naman kami ng pang-swimming.

"E, ang lamig! At umulan!

"So, nasira yung planong pagbi-beach.

"Awang-awa naman ako du’n sa anak ko. Actually, gusto niyang mag-swimming.

"So, ang pinaka-bonding na lang namin, yung shopping at barbecue-barbecue sa bahay. Ganoon lang naman.

"Hindi naman... Kami naman, basta magkasama. Hindi na kailangang pumunta kung saan-saan pa.

"I think that’s the most important.

"It was good. Talagang na-miss ko sila, kasi I didn’t see them for six months.

"Last six months kasi, nakatutok ako kay Regine at Nathaniel [their son].

"And then, itong Pasko, nag-ano kami ni Michelle na January na lang.

"Her business is talagang grabe ang schedule niya, e. Para siyang singer, nag-aayos pa rin siya ng weddings."

Pakiusap pa ni Ogie, "Please like her Facebook, it’s An Affair with George.

"Kasi, Michelle Georgette siya, e.

"In fact, marami siyang Filipino clients.

"She’s a florist/events manager. But her specialization is floral arrangements for wedding."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY NATHAN. Marami raw pasalubong ang dalawa niyang anak na babae sa kanilang baby brother pagbalik ni Ogie.

"Ang dami nilang regalo!" bulalas niya.

"Siyempre, kami rin, as well as ako, may regalo rin ang anak ko sa kanilang kapatid.

"Lalo na yung bunso ko, si Sarah, gustung-gusto niya ang iPod Touch na regalo ni Nate.

"’Please tell Nate, I love the gift so much!’

"Paano ko sasabihin kay Nate ’yon? But anyway..." natatawang kuwento pa ni Ogie.

Si Nate, ang anak ni Ogie kay Regine, ay ipinanganak pa lang noong November 8, 2011.

Sa August 2012, plano ni Ogie na magkita ang magkakapatid.

"By the time I turn 45 sa August," sabi niya.

"We probably have a get-together, but not in the Philippines.

"Inisip ko sa Singapore, kasi nandoon naman dun yung lugar na pambata, and it’s near Australia.

"Gustung-gusto ko sa Singapore.

"Kung hindi doon, sa Bulacan!

"Ang labo! O sa Taal!" natatawang biro niya sa lugar.

Ang pamilya ni Regine ay taga-Bulacan at ang pamilya ni Ogie ay taga Batangas.

Hindi masabi ni Ogie kung sino kina Leila at Sarah ang kamukha ni Nate.

Magkakahawig daw kasi ang mukha ng tatlo nung mga bata pa ito.

Biniro raw tuloy ni Regine kay Ogie na magaganda ang mga anak niya.

Tugon naman daw ni Ogie, "E, alam mo naman, e. Wala tayong magawa diyan. Tama ka ng pinili."

"Biro lang! Sagot ko, ’Kasi maganda ang pinili kong asawa.’"

OGIE’S SON. Although nakalalaki siya’t may magdadala na ng apelyido niya, mas natutuwa si Ogie sa pagkakaroon ng kapatid na lalaki ng dalawang anak niya kay Michelle.

"Sa bunso ko naman, at least, meron siyang ate.

"Gusto kong matututunan niya ’yon.

"Gusto kong lumaki sila na kinikilala nila ’yon, na magkakapatid sila.

"I want them to be close as they can," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Daks" ba si Nate gaya niya?

"Parang... Parang mas malaki pa siya sa akin! Hindi naman!" natatawang tugon ni Ogie.

Yung matangkad?

"Sabi ng asawa ko, mahaba ang biyas, which is a good sign.

"Ay, he really, really is... Alam mo yung pag nakikita mo ang anak mo, nawawala ang pagod mo? Totoo talaga ’yon!

"Kahit anong sungit mo ng buong araw, kahit anong bad trip mo, kahit anong stressful ng araw mo, mapapangiti ka pag nakita mo yung baby.

"Tapos, naging re... I don’t want to say retarded. It’s not the right word.

"Nagiging...para kang sira-ulo pag kasama mo ang bata.

"You become illogical."

THE CONCERT. Kaya naman, bilang beneficiaries ng Valentine concert nila ni Regine, apat o limang bata na may cancer ang mabibiyayaan sa kikitain nito.

"Mula sila sa PGH [Philippine General Hospital] na bata ang pinili naming beneficiaries.

"Although may therapy sila at medication—chemo, they need.

"If I’m not mistaken, P200 thousand per child ang kailangan.

"Sana mas marami pa kaming makuhang sponsors.

"Okey naman, maganda ang takbo ng tickets at may pumapasok na sponsors," balita ni Ogie.

Seksing-seksing Regine ba ang makikita ng tao sa concert?

"Naku, huwag naman ninyong presyurin ang asawa ko!" tawa ni Ogie.

"Alam naman ninyo ang babae, stress din sa ganoon.

"But you know, she’s lost almost 30 pounds since giving birth.

"Kasi she’s breastfeeding kaya hindi puwedeng magdiyeta, e. She could not diet.

"Pero sabi ko sa kanya, huwag na niyang intindihin yung kailangan na you’re back to your figure ng February 14.

"Basta ang mahalaga, mabalik yung resistensiya mo.

"So, yoga siya.

"She does a lot of training para mabalik ang resistensiya niya.

"You know, isang taon kang hindi kumakanta and that’s...

"Kumbaga sa basketball player, isang taong kang hindi nagsu-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kailangan medyo unti-unti ang pagbalik natin."

Ang Mr. & Mrs. A ang magiging unang concert performance ni Regine pagkatapos niyang isilang ang anak nila ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN