John "Sweet" Lapus admits feeling the pressure as he begins shooting for Moron 5 and the Crying Lady

Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg">

Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg">

John "Sweet" Lapus on his upcoming movie for Viva Films: "Siyempre naman, I am feeling pressured right now! Magiging ipokrita naman ako kung sasabihin ko na hindi ako kinakabahan.

"Viva ang nag-produce ng dalawang biggest box-office hits ng 2011 na Praybeyt Benjamin at No Other Woman. Kaya nakakatakot at nakakahiya kung hindi ka man lang pumantay sa mga iyan, di ba? Or yung makaha


Nagsimula nang mag-shooting si John "Sweet" Lapus para sa kanyang pagbibidahang comedy movie sa Viva Films, ang Moron 5 and the Crying Lady, kahapon, January 11.

Mula sa direksiyon ng box-office director na si Wenn Deramas, "leading men" ni Sweet dito sina Marvin Agustin, Luis Manzano, Billy Crawford, Deejay Durano, at Martin Escudero.

Kinunan ang unang araw ng shooting ni Sweet sa North Cemetery sa Blumentritt, Manila.

Maraming gagampanang roles si Sweet sa Moron 5 and the Crying Lady kaya lahat iyon ay pinaghahandaan niya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Pinaka-main character ko ay itong si Becky, isa siyang babae na may emotional na pinagdaraanan at sinisisi niya ang limang lalake sa nangyayari sa kanya.

"Marami siyang gagawin dito para makaganti sa limang lalakeng ’yan na naging peste sa buhay niya.

"Aside sa role na Becky, gaganap din ako sa iba’t ibang characters.

"Magiging nanay ako, magiging tatay ako. May role pa na maton ako.

"Para naman daw mapatunayan ko na deserve ko ang mga napanalunan kong acting awards. Might as well umarte na ako nang todo-todo.

"Kaya nasabi ko tuloy na after na matapos ang shooting namin, feeling ko na ito na ang last movie ko dahil pinagod na ako nang husto!

"In short, sinulit ng Viva ang kontrata na pinirmahan ko sa kanila!" natatawang sabi niya.

FEELING THE PRESSURE. Inamin ni Sweet na malaking pressure ang pelikulang ito para sa kanya dahil nasa Viva rin ang kaibigan niyang si Vice Ganda.

Napatunayan na kasi ang box-office power ni Vice dahil highest-grossing Filipino film of all-time na ang pinagbidahan nitong Praybeyt Benjamin.

"Siyempre naman, I am feeling pressured right now!" tawa na naman ni Sweet.

"Magiging ipokrita naman ako kung sasabihin ko na hindi ako kinakabahan.

"Viva ang nag-produce ng dalawang biggest box-office hits ng 2011 na Praybeyt Benjamin at No Other Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nakakatakot at nakakahiya kung hindi ka man lang pumantay sa mga iyan, di ba? Or yung makahabol ka man lang ng konti.

"Kaya nga may tiwala ako sa aking director at long-time friend na si Wenn Deramas at ang writer namin na si Mel Mendoza-del Rosario.

"Alam ko na isang bongga at riot na comedy itong ginagawa namin."

SWEET’S LEADING MEN. Labis namang natuwa si Sweet nang malaman niya kung sino ang magiging leading men niya sa Moron 5 and the Crying Lady.

"Aba, siyempre!" bulalas niya.

"Sino ba namang bakla ang hindi matutuwa, e, keguguwapo at makikisig ang mga leading men ko.

"Nakatrabaho ko na silang lahat, except for Billy Crawford.

"Si Luis, nakasama ko na sa Ang Cute Ng Ina Mo at Who’s That Girl.

"Si Marvin, nakasama sa movies sa ABS-CBN tulad ng Flames: The Movie at Kung Ayaw Mo, Huwag Mo.

"At sa GMA-7 naman, nagkasama kami sa Adik Sa ’Yo at Pilyang Kerubin.

"Si Deejay, sa mga movies ni Direk Wenn ko siya parating nakakasama. Close friend ko rin ’yang si Deejay.

"At si Mart naman, nakasama ko na siya before sa Ako Si Kim Samsoon sa GMA-7.

"Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!" tawa ulit ni Sweet.

Ini-reveal din si Sweet sa PEP na isa kina Luis, Marvin, Billy, Deejay, at Mart ang makaka-kissing scene niya, at may bonus pang love scene.

"Basta isa sa kanila!" kinikilig na sabi ni Sweet.

"Tutal comedy naman ito, e, di itodo na!

"Lagyan na ng nakakalokang love scene, di ba?

"Alam n’yo naman ako, hindi ako choosy!

"Naku, sa edad kong ito, maging choosy pa ba ako?

"In fairness, kahit sino naman sa lima, fight ako!

"Ultimo ang gaganap na driver ko sa movie na si Andrew Wolff ay bet ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tanong, kakayanin ba nila si Sweet Lapus? ’Yan ang abangan nila!"

Sa March ang target showing ng Moron 5 and the Crying Lady.

Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg">


Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg"> Moron 5 and the Crying Lady" data-url="https://www.pep.ph/news/32551/john-sweet-lapus-admits-feeling-the-pressure-as-he-begins-shooting-for-moron-5-and-the-crying-lady" data-desc="Sweet on his leading men in the movie: "Ang sasarap nila, di ba? Parang wala kang itatapon sa kanila dahil sayang!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/629ae8a66.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN