Enchong Dee believes 2012 is his year: "Kasi I’m a Year of the Dragon child."

"Naniniwala ako na magandang-maganda yung this year ko," Enchong Dee states when asked what he feels 2012 is going to be like for him.


One seat apart sa ABS-CBN chapel sina Enchong Dee at ang nababalitang balak niyang ligawang si Julia Montes sa thanksgiving Mass ng Star Magic nitong Lunes, January 9. Nakaupo kasi sa pagitan nila si K-La Rivera.

Sa blessing naman ng bagong office ng Star Magic sa araw ding yun ay ’di naming namataang naglapit ang dalawa.

ALL FOR JULIA! Pero, nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong tungkol kay Julia ay hindi naman tumanggi ang actor na magbigay ng pahayag.

"Sana maging patok yung rating ng Walang Hanggan," patungkol niya sa bagong teleserye ni Julia Montes na ipapalabas na sa darating na Lunes, January 16.

"And of course with Coco [Martin]," patuloy ni Enchong.

May himig selos ba siya sa pagbanggit sa pangalan ng leading man ni Julia sa Walang Hanggan?

"Hindi. Hindi. It’s a big move for her career kaya I’m really happy for her.

"We’re really open naman, e, kaya I’m really happy na sabihin na we’re friends, na we see each other every now and then. Yun."

Ayaw pa ba niyang umangat ang samahan nila ni Julia ng more-than-friends?

"Kapag ka nagka-box-office movie na."

Sino, si Julia o siya?

"Kahit sino sa ’min," natatawa niyang biro.

Dagdag pa niya na kapag isa sa kanila ang nagka-box-office hit ay sila na raw ni Julia: "Oo. Agad-agad," tawa niya ulit.

DOUBLE EXTENSION. Sa usaping career naman, extended ulit ang serye nila ni Erich Gonzales na Maria la del Barrio hanggang March 2.

Mula kasi sa nabalita noon na hanggang ngayong buwan ang itatakbo ng nabanggit na series, naging February ito, at ngayon naman ay hanggang Marso na.

"I think Star Cinema decided to extend this kasi nga masyadong maraming magagandang eksena na hindi puwedeng mabilisan lang yung takbo.

" Kaya siya na-extend din kasi nga maraming highlights yung ending. So... we’re preparing for the ending na rin naman, e. Not necessarily extending the story," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy siya sa balitang extended sila?

"Of course. Ilang teleserye lang ba yung nae-extend? Okay na nga yung isang beses ma-extend.

"Dalawang beses [kaming] na-extend. So, I think it’s a sign that we’re really doing a great job."

Kapapasok pa lang ng 2012, naniniwala ba siya sa hula?

"Naniniwala ako sa energy, hindi masyado sa fortune telling."

Kaya naitanong ang naunang question ay dahil, sa year-ender show ng programang The Buzz, nabanggit na ang lahat ng pinaghirapan ni Enchong noong 2011 ay ngayong taon niya aanihin.

"Talaga? Sana maani ko. Sana walang bagyo para hindi matanggal yung ani," tuwang-tuwa niyang sagot.

So ano ang puwedeng abangan sa kanya ngayong taon?

"First quarter movie with Star Cinema," mabilis niyang tugon.

May pelikula na siya agad pagpasok pa lang ng taon at maganda pa rin ang ratings ng kanilang seryeng Maria la del Barrio.

Indikasyon ba ito na magiging maganda ang kanyang 2012?

"Naniniwala kasi ako... kasi I’m a Year of the Dragon child.

"So naniniwala ako na magandang-maganda yung this year ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN