Sheena Halili on Rocco Nacino: "Alam kong siya, mapagkakatiwalaan, natatakot lang ako sa mga nakapaligid sa kanya... Alam mo naman, maraming malandi ngayon!"

Sheena Halili on Rhian Ramos’s recent controversy: "Sana yung mga taong...lalo na yung mga lalake, na sana irespeto nila yung mga babae. Kasi kaya lang din naman siguro nila [mga babae] nagawa yun dahil nagmahal lang sila, nagtiwala sila. Sana kung anuman ang naging meron sila, sa kanila na lang yun. Kasi, sino ba yung sinira nung mga yun? Buong buhay, di ba, buong buhay? Tsaka hindi ko alam bakit nagagawa nila yun. Ginawa na nila, bakit kailangang...


Sa pagtatapos ng Amaya bukas, January 13, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena Halili kung ano ang hindi niya malilimutang eksena sa epic-serye na ito ng GMA-7.

Gumaganap si Sheena bilang Ahak, ang kaibigang uripon ng bidang si Marian Rivera, sa Amaya.

Pag-alala ni Sheena, "Yung first eksena ko na naka-topless ako. Sobrang umiyak ako, umiiyak ako palagi.

"Tapos may eksena ako, itutulak ko yung baroto, yung bangka.

"E, siyempre pag nagtulak ka, parang medyo nakayuko ka, so yung buhok mo, hindi nakadikit iyon."

Nakitaan daw si Sheena sa eksenang iyon.

"Oo!" bulalas ng young actress.

"Yung mga cameraman tsaka si Direk Mac [Alejandre] na lang yung nag-a-adjust.

"Kasi mahirap kung iyon na lang ang iisipin mo palagi sa tuwing aarte ka, e.

"Iisipin ko lang na mas nakakaarte ako ngayon kesa noon.

"Kasi hindi ko na iniisip yung kilos ko, hindi ko na iniisip yung kamay ko kung saan ko dadalhin, hindi ko na iniisip yung buhok ko kung hanginin man ’yan.

"Dati, lagi talaga akong nag-iingat."

Dagdag pa ni Sheena, "May mga eksena pa ako na kami nina Mikael [Daez], nina Dion [Ignacio], nina Pancho [Magno], maglalagay ako ng saging sa may itaas.

"E, siyempre kailangan kong itaas yung kamay ko.

"Pagtaas ko talaga ng kamay ko, nakita talaga yung dito ko [dibdib].

"Pero nung pinalabas naman, blurred siya, so parang wala din, hindi napansin ng mga tao."

Kung may offer na pelikula na kailangang mag-topless siya, papayag ba si Sheena?

"Hindi ko siguro tatanggapin," mabilis na sagot niya.

Paliwanag ni Sheena: "Ito kasing Amaya, kaya naman ako pumayag na ganun, kasi history siya, na ’pinapaalam natin na naging ganun tayo dati.

"Hindi ko naman siya ginawa dahil gusto kong magpaseksi, dahil gusto kong magpakita.

"May saysay itong ginawa ko kaya ganun.

"At saka hindi naman siya sexy scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong partner, walang kissing scene o love scene, kaya ginawa ko.

"So, siguro yung magta-topless, tapos may kaeksena siguro, iyon yung medyo off na yun, hindi ko kaya yun.

"Dito naman, kahit maraming tao, kahit naka-ganun ka, hindi.

"Kasi, ano siya, e, parang yun nga yung ’pinapakita namin na ganun noong unang panahon, di ba?"

ON RHIAN RAMOS. Kinuha rin ng PEP ang opinyon ni Sheena tungkol sa kinahaharap na kontrobersiya ng kanyang "kapatid" sa GMA Artist Center na si Rhian Ramos.

Matatandaang naging malaking balita noong huling bahagi ng 2011 ang breakup ni Rhian sa radio-TV host na si Mo Twister.

Kaugnay ng kanilang breakup ay lumabas ang dalawang videos.

Una, ang confession video ni Mo, kunsaan sinabi nito ang plano diumano nila ni Rhian "to get rid" of their "child."

Pangalawa, ang intimate video nina Rhian at Mo, kunsaan makikitang naglalambingan sila sa harap ng kamera.

Ayon kay Sheena, "Si Rhian, nagmahal lang naman siya.

"Yung mga nakikita natin na lumalabas, hindi lang naman siya yung...alam mo yun, di ba?

"Na huwag... Hindi naman sa sinasabi ko na...

"Sana yung ibang tao, huwag silang magmalinis, huwag silang mag-judge."

Si Sheena ba ay papayag na gumawa ng intimate video kasama ng lalaking mahal niya?

"Hindi naman ganun... Kailangan ba yun, pagmamahal ba yun? Hindi naman, e.

"Tsaka ang mag-partners talaga, di ba, nagkakaroon ng intimate moments talaga ’yan. Part of a relationship ’yan.

"Hindi naman ako... Ako, para sa akin ha, kanya-kanya siguro.

"Yung iba siguro in denial lang na ’Hay, naku!’ ganyan-ganyan.

"Pero hello, ’no! Hello, di ba?"

Hindi raw ma-imagine ni Sheena ang sarili niya sa ganung sitwasyon.

"Siguro ang ano na lang ngayon, sana mag-ingat, ingat na lang.

"At saka sana yung mga taong...lalo na yung mga lalake, na sana irespeto nila yung mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kaya lang din naman siguro nila [mga babae] nagawa yun dahil nagmahal lang sila, nagtiwala sila.

"Sana kung anuman ang naging meron sila, sa kanila na lang yun.

"Kasi, sino ba yung sinira nung mga yun? Buong buhay, di ba, buong buhay?

"Tsaka hindi ko alam bakit nagagawa nila yun.

"Ginawa na nila, bakit kailangang...alam mo yun?

"Minahal na sila, ibinigay na ang sarili nila sa kanila, bakit kailangan pa nilang sirain pa nang bonggang-bongga?" paniniwala ni Sheena.

Dagdag pa ng StarStruck alumna, "Sa totoo lang, kaming mga babae talaga, yun lang mahalin ka ng ganun, parang hirap na, e, ang hirap na.

"Papaano pa yung ginawa na kailangang ibulgar pa sa lahat ng tao kung anong meron kayo?

"Mahirap, ang hirap, lalo na tayo, hindi naman sa ano...

"Tayong mga Pinoy pa rin, meron pa ring natitira sa atin na nagiging ano tayo...naging mapanghusga tayo.

"Minsan nakakalimutan natin na tayo din, nagkakamali.

"Tayo din, may mga karumihan din tayo sa buhay, di ba?

"Ang iba kasi, nagmamalinis lang talaga."

ON TYRON PEREZ. Hiningan din ng PEP si Sheena ng komento sa pagpapakamatay diumano ng kanyang ka-batch sa StarStruck na si Tyron Perez.

May anggulo kasi na pagsusugal at utang ang lumalabas na kaugnay ng pagkamatay ni Tyron.

Saad ni Sheena: "Ako, ayokong sisihin...kasi tayong lahat din naman, dumarating din tayo sa down moments.

"May mga moments din naman tayo na sinasabi natin na, ’Ayoko na!’ Di ba?

"Lahat naman tayo, di ba, na-experience ’yan? Part ’yan ng buhay.

"Siguro hindi lang siya naka-survive talaga.

"Hindi lang sa...meron talaga tayo kanya-kanyang level ng lakas, di ba?

"Kanya-kanyang level kung papaanong mag-isip, but baka...

"Feeling ko, hindi naman talaga gustong ganun talaga ang mangyari.

"Parang siguro ano lang, naghahanap lang din siya ng atensiyon, iyon siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon ang nakikita ko na kahit papaano, ako din, naano ako—kasi nanghihingi siya ng reunion sa amin."

Ang tinutukoy ni Sheena ay ang reunion nilang magkaka-batch sa StarStruck 1.

Dagdag niya, "Kasi ako, para sa akin, ako naman, isang ano ko lang...hindi ko naman malalaman na may problema ka, di ba?

"Tapos nung kausap ko siya, sobrang saya niya.

"Ako naman, willing naman akong makinig kung may problema ka.

"Sa totoo lang, dahil nga pag alam kong may problema yung ibang tao, dinadala ko sila sa church, kinakausap ko sila."

Isang Born-Again Christian si Sheena.

"Meron ako [pinupuntahan] sa Pampanga, Christ In You.

"Iyon yung family church namin talaga, doon ako lumaki.

"Pero nung nag-stay na ako sa Manila, sa Victory [Christian Fellowship] sa Galleria na ako," banggit pa niya.

ON ROCCO NACINO. Naungkat din ng PEP kay Sheena ang "special friendship" nila ng kapwa niya Kapuso na si Rocco Nacino.

Kahit hindi sila ang magka-loveteam, very proud and vocal si Rocco sa pagsasabing espesyal sa kanya si Sheena.

Ayon naman sa young actress, "E, ganun di naman dati, kaya lang bata pa kami noon.

"Tsaka uso pa ang loveteam noon, na kailangan na ang mag-loveteam, mag-dyowa, di ba?"

Ang tinutukoy rito ni Sheena ay ang naging relasyon nila ng ka-batch niya rin sa StarStruck na si Rainier Castillo.

Hindi nila maamin noon na may relasyon sila dahil si Yasmien Kurdi ang ka-loveteam ni Rainier.

Sabi ni Sheena, "Ngayon naman, aktingan na talaga ang labanan, di ba?

"Aktingan na at saka yung mga tao, dapat kung sino yung...

"Kung mahal nila yung tao, dapat—hindi naman sa inaano ko—dapat huwag nilang pag-awayin, huwag nilang siraan. Iyon lang sana.

"Iyon ang pinagpe-pray ko kay God, at saka sana right timing.

"Kung siya [Rocco] nga yung right guy na, hihintayin ko ng kung ilang years. Sana right timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko ding masayang yung binuo ko kasi ang hirap ulit mag-trust, di ba?

"Sana huwag masayang yung binuo ko.

"At saka ang nakakatakot lang talaga, paano pag pumasok ako sa isang relationship?

"Alam kong siya [Rocco], mapagkakatiwalaan, natatakot lang ako sa mga nakapaligid sa kanya, kung mapagkakatiwalaan ko ba.

"Alam mo naman, maraming malandi ngayon!" sabay-tawa ni Sheena.

Mahigit isang taon na silang "very close" ni Rocco, bakit hindi pa sila umaabot sa punto na pormal na silang maging magkasintahan?

Paliwanag niya, "Gusto ko na lang na kung ano na lang ang iisipin ng mga tao, okay, isipin ninyo na ’yan.

"Basta ang importante, gusto ko...ayoko din kasi yung masyadong pinagpipiyestahan.

"Mas maganda yung, at least, pag siya nasa isang lugar, lugar niya yun, hindi ako name-mention, hindi ako naaano.

"Nagko-concentrate siya sa trabaho niya.

"Ako din, gusto ko ganun.

"Pag wala ako sa trabaho, nakakasama ko siya.

"Pag nasa trabaho ako, siya pa rin yung ’tinatanong sa akin?

"Parang, di ba, parang gusto ko pa rin na i-balance namin.

"Kung saka-sakali man, gusto ko nandun pa rin yung relationship na kaibigan tayo, ganun."

Na may sari-sarili silang buhay?

"Oo, at kanya-kanyang priorities.

"Tsaka kasi twenty-five na ako this January 16.

"Eight years na kami...or nine years na yata yung batch one ng StarStruck.

"Siguro naman, gusto ko kasi, pag age of thirty, gusto ko may mga napundar na ako, alam mo yun?

"Yung nakakaano na ako ng buhay ko, kung saka-sakali mang hindi na ako tanggap [sa showbiz].

"Siyempre, hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari.

"Hindi naman nauubos ang magaling, hindi naman nauubos ang maganda, di ba?

"Yun na nga lang yung kung papaano kang mag-stay dito sa showbiz, hindi mo alam, di ba?" saad ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN